"Fasten your sit belt, Jamila."

Tinitigan ko s'ya ng masama at inayos na ang sit belt ko. Drama ko lamang ito. Gusto ko kasi na makilala 'yong babae.

"What's with your face?" Natatawang tanong n'ya.

"You did not call me, bebe."

Tumawa s'ya at nagsimula ng buksan ang makina ng sasakyan. Pinaandar n'ya iyon bago sumagot sa akin.

"Ang laki laki mo na," he chuckled. "Kilala na kita, ipapakilala kita sa kanya kapag sinagot na n'ya ako."

Lihim akong napangiti. Ang galing talaga ng kuya ko, kabisado na ang ugali ko.

"Sigurado naman akong sasaguting ka n'ya."

Sumimangot s'ya bigla.

"Hindi rin, ang hirap n'ya kasing ligawan..."

Nagkibit balikat na lamang ako. Imposible naman, si kuya pa! Eh, lahat yata nang niligawan n'ya ay napasagot n'ya. Ang gwapo kaya ni kuya!

Saglit lang ay nakarating na kami sa school. Inalis ko ang seat belt ko at humalik sa pisngi ni kuya bago nagpaalam. "Ingat ka kuya! Salamat sa paghatid!"

"Sige bebe girl, ingat!"

Nginitian ko si kuya at lumabas na ng kotse. Pagkasara ko ng pinto ay kinawayan ko s'ya habang papaalis ang sasakyan n'ya.

"Sige bebe girl, ingat!" Napalingon ako kay Uno na ginaya ang sinabi ni kuya. Nanlaki ang mga mata ko. Bigla ko tuloy naalala 'yong halik n'ya kagabi. My God! "Gaya gaya ka!"

"Sino ba 'yon? Ang baduy ng tawagan n'yo, bebe girl... so anong tawag mo sa kanya? Bebe boy?"

Napasinghap ako sa sinabi n'ya. Akala n'ya ba ay boyfriend ko si kuya? Hala s'ya!

"Pakielam mo ba?" Pagtataray ko.

Dire-diretsong naglakad na ako papasok sa school. Siya naman ay sumusunod sa akin, balak na naman akong asarin. Nakalimutan na n'ya yata 'yong nangyari kagabi.

"May boyfriend ka pala, nagpahalik ka sa akin. Grabe ka, nakonsensya tuloy ako."

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon s'ya. Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata. Nakakahiya! Ang lakas pa naman ng pagkakasabi n'ya. Akala ko noon ay tahimik na tipo ng lalaki si Uno, 'yon pala ay madaldal pa sa batang dalawang taong gulang!

"Huwag nga natin 'yan pag usapan! Ang daming estudyante."

Nagkibit balikat s'ya at lumapit sa akin. Inakbayan n'ya ako na nagbunga ng bulong bulungan sa paligid.

"Uno, bitiwan mo ako. Nakakahiya..." bulong ko.

"Hiwalayan mo 'yong pangit na 'yon kasi tayo na."

Napakurap kurap ako sa sinabi n'ya. Ano daw? Shit... pwede bang replay? Kami na? Paano? Ano daw?!

"Kuya ko 'yon! Kaya pwede ba tumigil ka na! Walang tayo!" Napasigaw na ako sa inis.

Marahas na inalis ko ang braso n'ya sa balikat ko at nagmamadaling pumasok sa classroom. Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon? Hindi naman s'ya dating ganon, ah?

"Oh, bakit ang putla mo?" Tanong sa akin ni Madeline.

"W-wala. Napagod lang ako."

Iiling iling na ibinalik n'ya ang tingin sa notebook n'ya. Nagsusulat na naman s'ya ng notes. Lagi naman s'yang ganyan, puro pag aaral na lamang ang inaatupag.

Pagkapasok ni Uno sa classroom ay napasulyap pa s'ya sa akin at ngumiti. And I swear, kinilabutan talaga ako! Akala ko ay nakalimutan n'ya 'yong halik kagabi pero hindi pala. At mas malala pa dahil ngayon naman ay sinasabi n'yang kami na? What the hell, right?

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now