"Even if I love to but still you have your friends waiting. Next time nalang siguro. Ayaw ko rin sila agawan ng time sayo." I declined.
"They can understand if I tell them a valid reason." She insisted, getting a slice of pizza on the box. As I promised, buo nga yung binili ko.
"Kind of?" I asked emphasizing the reason she will make.
"I still don't have in mind but I'm sure I can before lunch." He assured. "Want some?" Tanong niya sabay abot sa akin nung kinuha niyang slice. Para sa akin pala yun.
"No thanks. I have mine." Sabay pakita nung binili ko para sa akin pero hindi siya convinced base on her face.
"Alam mo hindi ko rin naman eto mauubos eh. Kunin mo na bago pa mapasukan ng hangin 'tong utak ko at hindi ka na talaga tutulungan sa alam mo na." She said still raising the slice of pizza towards me.
"Okay, okay. Hindi ka talaga titigil noh hanggang hindi masunod gusto mo?" I said chuckling. Ang cute lang kasi.
She just show me her genuine smile before turning her attention on the pizza she was holding.
"Alam kong dahil pa rin yun sa nangyari kaya ayaw mong sumabay sa mga kaibigan mo. Naiilang at bitter ka parin kay Lianne. Tama ba?" I said in a matter of fact tone. Bigla naman siyang natigilan saglit.
"No. Your analysis is totally wrong. Nakamove on na ako oy at tanggap ko na." Tanggi niya at klarong-klaro sa mata niya na nagsisinungaling siya. Hindi niya kasi ako matignan ng diretso eh.
"I know nagsisinungaling ka lang kasi hindi ka makatingin sa akin ng diretso." Sabi ko na nagpabigla sa kanya at tinignan ako sa mata ng nakataas ang kaliwang kilay.
"Paano ka nakakasigurado na yun ang dahilan ha?. Sadyang ang panget mo lang talaga at hindi ko maatim na tignan ka ng mas matagal pa." Sabi niya ng nakataas parin ang kaliwang kilay. So indenial, halata naman.
"Sus. Baka naiilang kalang dahil sa kagwapuhan ko kaya hindi mo ako matignan-tignan sa mata. Amin-amin din pag may time." I said teasingly while grinning, para lalo siyang maasar.
"Ha! Asa at saan banda? Ho! Bigla nalang umihip ang napakalakas na hangin." Ang hindi niya makapaniwalang sambit sabay paypay sa sarili niya. O kita niyo. Napakahangin daw pero parang naiinitan pa siya sa ginagawa niya. Tss.
"WYSIWYG" Maikli kong sambit.
"Gaya-gaya. Walang originality."
Di namin namalayan na nagbell na pala at ayun rumagasa na naman ang mga kaklase namin. Takot malate siguro lalong-lalo na at terror na naman ang lecturer namin ngayon. Umupo nalang din ako sa upuan ko at doon nagpatuloy sa pagkain.
Habang ngumunguya ay napatingin naman ako sa aking kanan na busy rin ngayon sa pagkain.
"Bakit?" Tanong ng katabi kong ngumunguya parin hanggang ngayon. Tss. Hindi ba siya nasabihan ng nanay niya na don't talk when your mouth is full? Pero aaminin ko ha. Nabigla ako nun at parang umurong din bigla yung dila ko at nagstu-struggle na sa pagconstuct ng dahilan.
"Ahh-ehh. Hi-hindi naman ikaw ang tinitignan ko ah." Palusot ko. Makaraan ng ilang segundo ay dun ko lang narealize yung mali ko. Ang bobo-bobo ko talaga. Ba't yun pa ang ipinanlusot ko? Edi nabisto tuloy ako. Bwiset naman oh. Bobo!
"Tsk. Defensive?" Maikli niyang ani at kumagat na naman sa pizza niya. Arghh! Ayan na, nabisto na tuloy ako. Kailangan kong mag-isip ng paraan. Isip!
"Ahh-ehh. Ba't mo ako tinatanong? Assumera karin eh." Praise your brain Jonathan. Ikaw na talaga! Hahaha.
"Assumera? Ako? Ikaw ba tinatanong ko ha? Sa iyo ako nakatingin? Ikaw 'tong assumero. Tsonggo ka." She retorted. Hayst. Ang hirap talagang talunin ng babaeng ito. Ayaw rin naman kasi patalo eh, napakacompetitive. Oo na, aaminin ko na. Pahiya ako dun.
YOU ARE READING
My Introverted Enemy
Teen FictionHighest Rank Achieved: Rank #147 in Humor Category "No way! Never!" Hailey said after being interrogated about her liking Johan. Her mortal enemy and nightmare. What if those words will remain a word. There's no action performed because her action...
Chapter XV: First Practice? HELL
Start from the beginning
