Chapter XV: First Practice? HELL

Start from the beginning
                                        

"Ayaw." Tanggi ko. Childish ba? Siguro pero wala akong pakealam. Brrr

"Kahit buong pizza ang ililibre ko sayo?" Offer niya pa rin.

"Paano ka makabibili nun eh by slice lang yung tinitinda?" Takang tanong ko. Totoo naman kasi eh.

"Basta. Wala ka bang tiwala sa akin? Sa gwapo kong 'to?" He answered arrogantly at nagpogi pose pa.

"Ayaw ko parin." Matigas kong tanggi at binelatan pa siya.

"Kahit yung special?" Pursigidong pangungumbinsi niya. My ghadd! Sa 4 years ko dito eh ika ilan lang ako nakakain nun dahil ang mahal mahal tapos ngayon ililibre niya lang? Temptation!

Basta! Never talaga ako matetemp niyan. Never as in never!

"Sure. Basta mamaya lunch ha." Ayan na bumigay na lola niyo. Sorry naman daw eh natatakam ako sa inoffer niya eh. Sino bang hindi? Pagkain yan men! Tapos pizza pa. Sa katulad kong obsessed sa pizza hinding hindi na pinapalagpas ang offer na yon. Kung hindi ka pizza addict. Alis na! OP ka. Nyahahaha.

"Ge ha. Galit na ang dragon ko sa tiyan eh. Sabay nalang tayong kumain mamaya." Sabi pa niya bago umalis. Tumango lang ako at saka binalingan na ang pagsusulat ko ng notes. Hay! Masakit na yung mga daliri ko at nangangalay na rin yung kamay ko. If it isn't about my scholarship and being me, a grade conscious one, kanina ko na to pinabayaan. Buhay estudyante nga naman.

*Johan*

Wahh! Gutom na talaga ako. Gusto ko ng kumain. Siguro nagtataka kayo ngayon no kung bakit ang tagal ko sa C.R. Hindi dahil sa may LBM ako ha katulad nung sinabi ni Puti sadyang hindi ko lang talaga gusto ang Math. Sadyang kapag Math na ang subject eh nakakatulog ako. Ayoko rin namang matawag ni Sir ang atensiyon ko at baka ipasolve pa ako ng equation na sure akong mangangamote lang ako. Ayoko namang mapahiya kaya ayun, ang magpunta ng comfort room nalang naisip kong excuse para makalabas sa klase niya. Atleast sa pagkakaalam nila na nagcr lang ako pero ang totoo magdiditch talaga. Haha! Matalino 'to mga dre kaya wag niyong maliitin. Gwapings pa!

Bagay nga talaga ang word na Math sa subject na yun. Ang sarap sarap MATHulog eh. Nakakadugo ng ilong. Lalo na kapag both letters and numbers na ang makikita mo sa isang equation. Nakakaistress at nakakawala ng kagwapuhan.

Nakarating na nga ako sa aking destinasyon at agad-agad pumuntang counter. Hindi rin naman ako dito kakain eh so why put an effort on finding a table kung hindi rin naman magagamit. Bobo lang dre. Laking pasalamat ko nalang at hindi ganon kahaba ang pila kasi ang karamihan ay nakaorder na. Mabuti na rin at matalino ang namamahala ng school na 'to dahil hindi niya pinagsabay-sabay ang recess namin. Napaka time consuming nun pag nagkataon at tsaka hunger bursting. Hiwalay kasi ang recess naming mga high schooler sa mga grade schooler and college students.

Pagkatapos ngang makaorder ay naisipan kong sa room nalang kumain at syempre dahil nandoon si Puti (Sinanay na talaga eh noh?) binilhan ko na rin siya ng snack niya and guess what kung ano? Edi yung paborito niyang kainin dito sa school. Ano pa nga ba edi PIZZA. Yung saktong sinuggest niya kanina ang inorder ko. Mabuti nalang talaga't pinayagan akong makuha yung buo. Oo nga't sabi niyang lunch ko napang siya ilibre pero alam ko rin namang alibi niya lang yun para hindi niya makasabay si Lianne sa lunch kasi nga bitter pa rin siya. Actually nga iniisip ko ngayon na ginawa niya ring alibi ang pagtake down ng notes para lang hindi siya makasabay sa mga kaibigan niya. Nasesense ko yun so para magkabati na sila, bibigyan ko sila ng quality time with her together with their friends. Para maayos na nila kung ano man ang namamagitan sa kanila. I know masakit parin kay Puti yung nangyari nung gabing yun pero why make things longer to solve even if you can do it today. Mas matagal kasi mas lalong mahirap na ayusin. Kind of thank you ko na rin para sa pagtulong niya sa akin in overcoming my fears.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Introverted EnemyWhere stories live. Discover now