13 : Kahinaan

Magsimula sa umpisa
                                    

" Napatawag ka yata" Tanong ko sa kanya. Nakapagtataka lang kase at tumawag siya ng ganitong oras ng gabi.

" A patient named Tobby Corpuz has been admitted in the emergency room right now due to minor accident" He stated. Lumaki agad yung mata ko ng marinig ko ang pangalan ni Bentoy.

" What" I said

" He's being looked on by the nurses on duty" He said.

" Sige pupunta ako" Saad ko lamang sa kanya. Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko muna habang hinihintay kong matapos maligo si Raven.

" At tumawag pa talaga iyang manliligaw mo ng ganitong oras ng gabi" Rinig kong saad ni Raven na alam kong kanina pa nakalabas ng banyo.

" Huwag muna tayong mag-away okay. Tobby is in the emergency room right now. Naaksidente raw. Kailangan natin siyang puntahan" Saad ko kay Raven. Nakita ko naman ang konting pagiba ng emosyon sa mukha niya.

He immediately took his car keys and intertwined his fingers on mine before we both went out of his unit.

Naka Tshirt at knee pants lang siya ng lumabas kami. Hindi ko na siya masiyadong pinagsabihan pa sa suot niyang damit dahil okay naman ito.

Katamtaman lang ang pagmaneho ni Raven sa sasakyan niya hanggang sa makarating kami ng ospital.

Agad kaming nagtungo sa ER ng makarating kami. Bumungad agad sa amin si Ethan ng sa wakas ay makarating na rin kami sa ER. Naabutan na lamang namin si Bentoy na kahiga sa hospital bed habang inaayos ng mga nurses ang kanyang suwero.

" Salamat" Agad akong nagpasalamat kay Ethan ng magtama ang mga mata namin. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.

" What happened?" Agad na tanong ni Raven kay Bentoy.

" Dude natalo ako sa pustahan, kukunin nila kotse ko" Saad sa amin ni Bentoy. Nakita ko naman ang agarang pagkuyom ng mga kamao ni Raven.

" Sinong nakalaban mo?" Tanong niya.

" Grupo ni Revilla" Saad niya.

" Naku Bentoy, ba't ka naman kase sumali pa sa kanila. Alam mo namang madumi maglaro ang mga iyun" Saad ko sa kanya.

" Kaya ko namang talunin yung mga ungas na 'yun kung 'di lang sana nagkapalya yung kotseng minamaneho ko" Paliwanag pa niya.

" Buti na lang at galos lang iyang natamo. Bentoy talaga, hindi ako naging doktor para pagsabihan ka pa sa mga posibleng puwedeng mangyari sa 'yo kung sakali man." Nagsisimula na naman akong manermon ng wala sa oras.

" Mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Kakausapin ko lang saglit yung nurse" Saad ko naman. Iniwan ko na muna ang dalawa upang makapag usap muna sila.

Napansin ko namang nasa labas si Ethan kaya naman napagdesisyonan kong lamabas ng matapos kong kausapin yung nurse.

" Salamat pala" Bungad ko agad sa kanya.

" Wala 'yun" Sagot niya.

" Mukhang hinahanap ka kaagad" Saad niya sabay ngiwi sa direksyon kung nasaan sina Raven at Bentoy.

" May pinag-uusapan pa 'yung mga iyun" Paliwanag ko.

Tumawa lamang siya bilang tugon sa sinabi ko.

" Mukhang tapos na ang usapan nila Dra. Torez" Saad niya. Sabay naming nakita ang paglapit sa aming gawi ni Raven. Agad naman na akong naglaalam kay Ethan. Ayoko din kaseng magkausap yung dalawa baka hindi ko pa ikatuwa ang magiging laman ng usapan nila.

" Sige, salamat ulit" Pakuwa'y saad ko kay Ethan.

Agad kong nilapitan si Raven na naglalakad na papunta sana sa gawi namin ni Ethan.

" Tinawagan mo na ba si tita?" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya bilang tugon. Mukhang okay naman na din si Bentoy dahil galos lang ang natamo niya.

" Mabuti naman kung ganon. Ilang minuto lang siguro ay makakapunta na sila dito." Saad ko sa kanya. Bakas parin sa mukha niya ang inis.

Nagpaalam na muna kami kay Bentoy bago tuluyang lumabas

" Nagpasalamat lang ako sa kanya. Iba na namang iyang iniisip mo, Aldamante" Saad ko sa kanya. Medyo assuming din kase ang lalaking 'to e.

" At chaka uuwi na ako. Kaya ihahatid mo ako" Saad ko sa kanya.

" Tanginang selos 'to, Chief" Bulong niya. Akala niya siguro hindi ko iyon maririnig ngunit rinig na rinig ko ang sinabi niya.

Hinayaan ko na lamang siya. Wala rin lang patitunguhan ang pag-uusap namin kung bibigyang pansin ko pa ang mga sinabi niya.

" Tara na" Aya ko sa kanya.

Tahimik kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Walang nagsalita sa amin. Maski ako, hindi na rin nagsalita pa.

Mabagal na nagmaneho si Raven papunta sa condo ko. Hindi na ako nagreklamo pa at hinayaan na lamang siyang magmaneho.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ng hindi ko na namalayang nakarating na pala kami.

Ipinark niya yung sasakyang sa harap ng building.

" Salamat sa paghatid sa akin" Saad ko sa kanya. Bababa na sana ako ng sasakyan niya ng magsalita siya.

" Ikaw parin ang pakakasalan ko Chief. Tandaan mo iyan" Saad niya sa akin.

Tumingin naman ako ng diretso sa mga mata niya.

" Boss, Ex mo ang ipapalit sa akin. At hindi natin puwedeng suwayin ang desisyon ng iyong ama. Respeto ang kailangan natin dito, Raven." I told him. Kailangan kong sabihin sa kanya 'yun dahil kailangan niyang maintindihan.

" Ang dali mo namang panghinaan ng loob Chief. Ipaglaban mo naman ako kahit minsan" Madamdaming tugon niya sa akin.

" Raven" Bulong ko. Nakita ko kung paano siya napayuko bago siya napatingin sa manubela.

" Mahal na mahal kita Chief" Bulong niya.

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Sa halip ay tumingin ako sa bintana sa labas.

" Sabihin mo naman na mahal mo din ako oh." Balik tugon niya sa akin. Ramdam ko ang sobrang pagkaseryoso ng boses niya.

" Parang awa mo na, Chief" Saad niya

Natahimik agad ako dahil sa mga sinabi niya. Ni walang lumalabas sa bibig ko kahit gusto kong sumagot.

Dumaan ang ilang minuto, hindi parin ako nakasagot.

" You don't love me" He finally said.

I closed my eyes the moment I heard him say those words to me.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon