"Ikaw ang gagawin kong regalo! Oh diba? Para mapatawad na rin ako ni boss sa mga kasalanang ginawa ko. Ayaw mo nun? Magiging birthday gift ka at peace offer--aww!"

"Bitawan mo ako." Naalerto ako bigla sa sinabi. Bukod sa kabaliwan niyang gagawin akong isang regalo, yung ideya na makikita ko ulit siya ang bumagabag sa akin. Hindi pa ako handa, hindi ko alam ang sasabihin ko at isa pa, wala nang dahilan pa para magkita pa kami. Tapos na ang papel ko sa kanya.

"Hector! Ano ba!" Wala akong nagawa nang bigla niya akong kaladkarin at dahil mas malakas siya kaysa sa akin, hindi ako nakapalag. Nagawa rin niya akong ipasok sa kotse niya nang wala kapagod pagod at bago pa ako makalabas ay agad niyang ini-lock ang pinto ng sasakyan.


"Buksan mo 'to!"

"Hindi pwede!"

"Isa!"

"Dalawa?"

"Hector naman, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!"

"Hindi naman ako nagbibiro? Seryoso ako gagawin talaga kitang regalo. Ang haba haba na ng kasalanan ko kay boss at alam kong papatawarin niya ako kapag ikawang naging gift ko, please, please, please!"

Wala ba talaga siyang kaide-ideya na wala na kami ni Luc? Hindi ba nasabi sa kanya ni Luc na wala na kami?


"Gemma, please?"

"Hector hindi naman kasi ganun kadali yang hinihiling mo..."

"Babayaran naman kita eh! Ibibigay ko sa'yo lahat ng icool ko basta sige naaa!"

"Kasi.."

"Pleaseeee?"

"Wala na kami."

Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay napakunot noo siya. Bigla siyang nagulat at naguluhan sa sinabi ko at mukhang nagtatanong ang mga mata niya kung seryoso ba ako.

"Matagal na."

"Ano?" Itinigil niya yung sasakyan at buti nalang nakaseatbelt kundi sumubsob na yung mukha ko sa harapan.

"Hector, naintindihan mo naman siguro yung sinabi ko diba?" Ayaw kong ulitin yung mga salitang yun. Mas lalo lang ako kinakain ng sakit tuwing naalala ko yung nangyari sampung buwan na ang nakalipas. Tinupad niya yung sinabi niya, he offered me the annulment paper the day after I spat those hurtful words to him. I still can't believe I'm seeing those papers right before me. It felt so surreal, I was crying so hard before I force myself to sign my name. Yun naman ang ginusto ko pero bakit ako nahirapan? Kasi masakit. Yun ang alam ko, masakit, sobrang sakit. I felt like I lost my other half since that day.

"P-Pero..Bakit? Hindi ko maintindihan."

"Mahabang kwento. Kaya naman sana maintindihan mo ako, ibalik mo na ako sa bahay. Ako ang nagmamakaawa sayo ngayon Hector." Naguguluhan pa rin siyang nakatingin sa akin.

"Akala ko...ang labo." Nakita ko kung paano niya pinagmasdan yung mukha ko.

"Paanong malabo?" Hindi siya sumagot. Taimtim pa rin siyang nakatingin sa akin. Akala ko maluwag na naman yung turnilyo sa utak niya pero seryoso siyang nakatingin.

"Hector?"

"Akala ko magkasama kayo kanina?"

"A-Ano?"

I was taken aback. Ano? Anong ibig niyang sabihin? Nasa trabaho lang ako buong araw kaya napaka-imposible ng sinasabi niya.

"Nakita ko kayo kanina na magkasama."

Married to UnknownNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ