Chapter 7 : Puppet

Start from the beginning
                                    

"Pasensya na, Hestia, pero — ", pagsimula ni Zeus. "Kailangan ka namin, kaya isantabi mo muna ang paghahanap sa kanila. Kung nandito nga sila sa parteng ito marahil ay ligtas sila."

Nagdikit ang aking mga kilay. Totoo bang sinasabi niya ito? "Teka nga, Zeus —"

"Ikaw si Hestia at responsibilidad mo na rin ang mundo. Anong uunahin mo, Hestia?"

Napatayo lang ako doon at napayuko. Gusto ko man siyang sampalin ay tila may punto naman siya. Sana nga maayos lang talaga sila.

"Zeus. Pwede naman sigurong sumunod na lang sa atin si Hestia.", biglang sabi ni Hades.

"Hibang ka ba? Kung palaging uunahin ni Hestia ang pagiging Amber niya ay hindi siya magiging malakas!"

"Kuya Zeus...", bulong na lang ni Poseidon.

Nakaramdam ako ng animo'y kung anong basang kumikiliti sa aking mga mata. Kinuskos ko ang mga ito. "Pasensya na, guys. Halika na, sa building kung nasaan si Daedalus. Sigurado akong RCBC Building iyon.", sabi ko habang lumalakas ang pagtunog ng sirena.

Napabuntong hininga si Zeus. At lumapit sa akin. Hinarap niya ang kanyang palad sa akin. Naiinis man ako sa kanya ay hindi ko maikalang tama siya. Mahina pa rin ako. Mahina...at hindi ko alam kung paano babaguhin iyon.

Hindi ba pwedeng maging mahina?

Kasalanan ba iyon?

Kahinaan ba iyon?

Naghawakan ulit kami ng kamay.

Inisip ko ang building na iyon.

At ang espiritu ni Daedalus.

Threat siya. Kung uunahin kong tapusin siya ay magiging ligtas din ang pamilya so marahil tama nga ito.

Inalis ko muna sila sa isip.

Nakaramdam ako ng animo'y pagtaas ng aking bituka. Lumiwanag ang aking paligid. Pagdilat ko ay agad kumurot sa aking balat ang ang init at usok. Dumilat ako at tumambad sa akin ang debri ng helicopter na bumagsak, kalahati na ito, ang rotor nito ay putol putol na rin. Mayroon isang parte nito ang nasa aking paanan. Puno ng nakakasulasok na usok at naglalakihang mga bato.

Tumingala ako at nakita ang RCBC building sa harap namin. Kita ko rin ang animo'y hibla ng mga buhok na enerhiya sa rooftop na sumasayaw sa hangin. Ganito kalapit ay naririnig ko ang tila kulog na tunog nito. Nasa harap ko ang Big Three at tulad ko ay pinapalibutan din sila ng usok.

"Dito!", sigaw ni Zeus.

Sumunod kaming tatlo patungo sa entrance ng building. Ang salamin na pinto nito ay basag na at puno na rin ng mga bato, buhangin at mga bubog ang paligid. At sa isang tabi ay....ay isang patay na lalaki. Naka-suit ito at may dugong dumadaloy mula sa kanyang ulo. Napahawak ako sa aking labi.

Nanginginig akong sumunod sa Big Three patungo sa reception area, wala ring laman ito. Yumanig ang lupa ng saglit at namatay-matay ang ilaw. Napahinto kami at nagkatinginan.

"Elevator o hagdan?", biglang tanong sa amin ni Zeus.

"Mukhang mas ligtas ang hagdan ngayon.", giit ko.

Well, kung para sa Big Three ay basic lang pag nagderail ang elevator, magteteleport lang ay ayos na sila. Pero mukhang mas maganda na papatrolin namin ang bawat lebel. Napagkasunduan din naman na hagdan na lang ang gamitin. Dumating kami sa second floor at tulad ng reception area ay walang laman ito. Kita ko ang mga meeting rooms at production areas na animo'y ilang taon nang abandonado. Pangatlong lebel...pang pitong lebel....pare-parehas lang. Walang laman. Sa bawat pagtaas namin ay mas lumalakas ang mga pagyanig at mas lumalakas ang tunog ng animo'y kuryenteng nanggagaling sa rooftop.

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VWhere stories live. Discover now