The Bunny Couple

4 0 0
                                    

Starring:
Bobby of iKON
Nayeon of TWICE
#BobYeon

"Usagi!"

"O bakit Kimbab?"

"Sinagot na ako ni Hannah!"

Ouch!

"Anu yun bes?"

"Wala, ang sabi ko talaga ba? Congrats! Sana magtagal kayo."

"Grabe naman bes!"

"O bakit? Totoo naman ah.. Gaano katagal yung pinaka matagal mong naging girlfriend?"

"Well, 1 and a half month"

"Tingnan mo, hindi mo pa pinaabot ng 2 months!"

"Promise bes, ito na talaga yun. Siya na talaga yung the one."

"Ganyan din kaya ang sinabi mo sakin noong huli. Yung kay Yoona."

"Basta ito na talaga yun."

"Hay naku bahala ka na nga!"

----------

kinabukasan..

"Usagi!"

"O bakit ang lungkot mo?"

"Wala na kami ni Hannah..."

"Ano?? Parang hindi kayo umabot ng isang araw ahh!"

"Bes naman eh."

"Sige na hindi na kita aasarin. Ano ba ang nangyari?"

"Sinagot lang pala niya ako para pagselosin yung lalakeng gusto niya."

"Ay, iba si ate, user."

"Bakit ganoon bes? Parang wala na talagang magmamahal sa akin?"

Naghahanap ka kasi ng iba nandito lang naman ako.

"Ano yun bes?"

"Wala naman akong sinabi ahh."

"Anyways, pupunta ako mamaya sa bahay nila Hanbin. Sama ka?"

"Oo nga pala noh, birthday ni Hanbin ngayon? Sige, wala naman akong gagawin mamaya eh."

----------

Sa bahay nila Hanbin.

"Kimbab! O, kasama mo pala si Nayeon. Pasok kayo! Nandun na sila sa loob"

"Hanbin, ito pala regalo namin. Tinamad kasi itong si Jiwon kaya ako na ang bumili. Sana magustuhan mo."

"Sana hindi na kayo nag abala. Pero salamat!"

----------

Sa garden, nadatnan nila ang buong barkada na nagiinuman.

Makalipas ang ilang oras wasted na ang karamihan sa kanila. Since hindi naman umiinom si Nayeon, isa siya sa mga nag-aasikaso.

----------

"Besh!"

"Hay nako Kimbab tama na yan. Lasing kana"

"Di pa ako lasheng noh! Hihihi"

"Anong hindi? Eh balubaluktot na nga yang dila mo!"

"Nayeon, paki dala naman sa guest room sa taas yang si Kimbab"

"Sige." nilingon niya si Jiwon "Halika na nga sa taas."

"Anu yun besh? Hahalikan mo ako sha taash?"

"Ay bale, lasing na nga bingi pa. Tara na nga." Inakay na ni Nayeon si Jiwon papunta sa isa sa mga guest room

----------

Sa guestroom

"I love you besh!"

"Sige na, sige na. Anu ba Kimbab, umayos ka nga ng lakad mo!"

"Hay lab you besh!!!" sabay yakap kay Nayeon.

Sabay na natumba ang dalawa sa kama.

Nadadaganan ni Jiwon si Nayeon kaya hindi makatayo ang huli.

"Anu ba Kimbab! Ang bigat mo kaya!" sabi niya habang nag-iinit ang mukha.

Kung sino man ang makakakita sa kanila aakalaing may ginagawa silang milagro dahil ang sensual ng position nila.

"Nayeon, bakit wala lang sa'yo na nagso-syota ako ng iba? Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?"

Nagulat si Nayeon sa sinabi ni Jiwon.

"Alam mo ba ginagawa ko lang yun para malaman kung may feelings ka ba sa'kin kahit konti? Pero bakit ganun? Hindi ka naman apektado. Parang wala talaga."

Hindi na nakasagot si Nayeon dahil nakatulog na si Jiwon.

"Sana totoo yung sinabi mo Jiwon. Sana hindi ka lang lasing kaya mo nasabi yun."

----------

Nagising si Nayeon dahil may mabigat na nakadagan sa kanya.

Unti-unti n'yang minulat ang mga mata niya.

Akala niya nananaginip lang siya nang makita niya si Jiwon na nakayakap sa kanya habang natutulog

Hala ka, dito din pala ako nakatulog.

Dahan-dahan niyang tinangal ang braso at binti ni Jiwon na nakayakap sa kanya.

"Don't. Dito ka lang." sabi ni Jiwon in a bedroom voice

Siguro akala niya isa ako sa mga naging girlfriend niya. Isip-isip ni Nayeon. Pa'no ba ako makakaalis dito.

"Hey, Jiwon. Wake up. Let me go." habang tinatapik siya.

"Hmm." mas lalong humigpit ang yakap niya sa'kin.

"Jiwon, hindi mo ako girlfriend kaya pwede ba. Bitiwan mo na ako."

"Edi tayo na lang" sabi niya habang nakapikit at nakayakap sa akin.

"Hay naku. Lasing ka pa yata eh. Kung anu-ano yang pinagsasabi mo. Tini-trip mo ako noh?"

Dumilat si Jiwon at tumingin sa mga mata niya.

"Hindi ako lasing at seryoso ako. Will you be mine?"

Hindi makasagot si Nayeon dahil sa gulat.

Bigla namang dinampi ni Jiwon ang labi nito sa labi ni Nayeon.

"Silence means yes. Let's go back to sleep"

Wala pa rin sa sarili si Nayeon hanggang sa makatulog siya ulit.

----------

Nag-iinat si Nayeon habang humihikab.

Ang ganda naman ng panaginip ko. Hihi.

Pagbangon lang niya narealize na wala siya sa kwarto niya.

Ah! nandito pa pala ako kila Hanbin.

Pagpasok niya ng banyo, nakita niya si Jiwon na kakatapos lang maligo.

"Oh! Morning Bun!"

"Bun?"

"Oo. 'Yan ang tawagan natin tutal tinutukso nila tayong bunny"

"At bakit naman tayo may tawagan?"

"Kasi tayo na? Grabe naman kanina lang yun bun. Kinalimutan mo na agad!"

"Ha? Anong tayo na?"

"Tayo na. As in, mag syota na tayo. Boyfriend-Girlfriend. Ganun."

"Ha?! Wait! Akala ko panaginip lang yun?"

"Hindi ka nananaginip kanina. Totoo yun. Haha. Ang cute cute mo bun!"

Nang akmang hahalikan ni Jiwon si Nayeon tinulak niya ito.

"Wait! hindi pa ako nag tu-toothbrush!"

"Haha! Okay lang yan." Sabay higit kay Nayeon at hinalikan siya ng malalim.

----------

Ayokong matulad sa mga naging girlfriends niya pero mahal ko siya eh. Noon pa.

Sisikapin kong ako na ang last niya.

~The End~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now