Chapter 7: Summer Hansford.

2.1K 55 7
                                    

AIRA’S POV

After 2 weeks…

Hay naku naman, dalawang linggo na ang nakalipas simula noong sinabi ni Prince Arroagnt yung offer niya sa akin. May side sa akin na nagsasabing ‘oo’ ang sagot ko kasi… sayang din naman kasi ang offer! For sure isang milyon ang sweldo ko kada buwan (pero keme lang yun! XD) ahhhh basta malaki ang kutob ko na maliligo na ako sa pera kapag tinanggap ko ang offer niya, makakapagpapadala pa ako ng pera sa probinsya para kina Mama! Oh diba sounds bonggacious naman! *U*

Pero…

…kapag tinanggap ko din, magkakaroon na ako ng mga HATERS. Hays, paano ba naman kasi?! Eh GIRLFRIEND ako ni Prince Arrogant no! Magkakaroon na ng mga pages sa Facebook tulad ng ‘Aira Trinidad is a SLUT’ , ‘Kill Aira Trinidad’ , ‘Fuck you, Aira Trinidad!’ and blah blah blah. Hayyss. Nakakaparanoid naman ito. T_____T

Lunch break ngayon, at since transferee naman ako dito sa Hansford Academy, eh halos wala pa akong mga ka friendsters. Hayyss. Ang hirap naman palang maghanap ng kaibigan ditey, palibhasa kasi yung mga babae dito mayayaman at mga anak ng mga kachuch eklabu. Besides, hindi ko alam kung nasaan si Kai ngayon at no choice ako kundi ang kumain ng tanghalian ng mag isa dito sa cafeteria. ~.~

“Oh my gosh amoy basura sa cafeteria!” nakita kong papalapit sa direksyon ko ang Fayaso 4 or F4. Kung may F4 sa Meteor Garden at Boys Over Flowers, para sa akin meron din dito sa Hansford Academy! Tssk.

“Ooh I see, may basura eh! Yuck!” sabi pa ng isa

“Kadirdirs naman, ano nga ba ang ginagawa sa mga basura, girls?” sabi naman ng isa

“Obviously TINATAPON!” sabi pa ng isa

“Hay naku naman, baka maumay ang mga students dito sa Hansford Academy! Magkakasakit pa!”

“Tama! Masama kaya sa tiyan natin ang mabahong amoy ng basura!”

 

“Ewwww!”

 

“Yuck!”

 

“Gross!”

 

“Kadiri!”

Napairap nalang ako sa inis. Duh, bahala silang mag aksaya ng laway! Tinuloy ko nalang ang pagkain ng lunch ko.

“Hoy ugly probinsyana girl! Hindi mo ba kami naririnig?! Umalis ka dito! Go!” sabi pa ng lider ng F4.

“Yeah right! Chupi na nga!” sabi pa nung isa

“Uhm, excuse me?” napalingon kaming lahat sa nagsalita

“Ooh Ms. Summer ikaw pala!” nakangiting sabi nung lider ng Fayaso 4.

The Young Master's Mission (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon