CHAPTER 31

3.7K 67 0
                                    

*Veronica's Point of View*

Sabado na at tinatamad akong bumangon kahapon dumalaw ang KATHANA para damayan ako sa mga challenge na nangyayari ngayon sa buhay ko buti nga nagkaroon ako ng brilliant idea kaya nagawa kong solusyunan yung tanong nila tungkol kay Mr.Jerk

Well, Slight na akong nakamove on pero nandito pa rin hindi ko rin alam kung sasabihin ko kay Kyle yung sinabi sa akin ni Mr.Jerk

Kasi technically hindi naman kasalanan ng mama ni Blake yung nangyari kay mama at papa *I smiled bitterly* dahil hindi naman nabangga ng mama niya yung sasakyan namin dahil kami yung umiwas at yun yung naging dahilan para mahulog yung sasakyan namin sa Cortez Bridge

I think kailangan ko muna tong sabihin kay Mr.Jerk kasi may karapatan siyang malaman ang totoo

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext siya

'Mr.Jerk meet me at Alegna's Café 4pm sharp I need to talk to you"  then I click send

'For what?' He replied

'Tss, just meet me' reply ko naman

'Oo na lang po Nerd'  reply niya naman tsk eto talagang si Mr.Jerk eh

Hindi na ako nagreply pa nakakatamad eh hayst 2:45 pm na kaya may time pa ako maghanda so yeah dumiretso na ako sa bathroom para maligo

Pagkatapos kong maligo ay agad akong kumuha ng damit na komportable sa akin para sa pagkikita namin mamaya ni Mr.Jerk pagkatapos kong magsuot ay agad akong nagapply ng light makeup sa mukha ko at nagdadag ng shades done ;)

Tinignan ko uli yung orasan at 3:30 pm na so bumaba na ako at saktong sakto na nagkasalubong ko si Kyle narinig ko na bumuntong hininga siya dahil hindi ko siya pinapansin

Tss naiinis pa rin ako sa kaniya kaya papalamigin ko muna yung ulo ko bago ako makipagusap sa kaniya at pansinin siya

Tinawag ko si Manong Anjo at sinabi ko sa kaniya na ihatid niya ako sa Alegna's Café kaya kasalukuyan kami ngayong nasa sasakyan at bababa pa lang ako sa sasakyan

"Manong Anjo, wait me here po" sabi ko sa kaniya

"Sige po Young Mistress" sabi niya kaya bumaba na ako sa sasakyan

Pumasok na ako sa Alegna's Café at dumiretso ako sa counter at umorder ng isang cappuccino umupo ako malapit sa pinto para madaling makita tinignan ko uli yung orasan and its already 3:55 pm 5 minutes na lang siguro malapit na siyang dumating

Pagkatapos ng 4 na minuto ay natanaw ko na si Mr.Jerk na papasok kaya sinenyasan ko nanandito ako kaya umupo na siya sa kaharap kong upuan

"Bat mo ako gustong kausapin Nerd?" Tanong ni Mr.Jerk

"Gusto kitang kausapin tungkol sa mama mo *sigh* tungkol sa nangyari 6 years ago... kilala ko yung mga naaksidente...and worst mga magulang ko pa" walang pagaalinlangan na sabi ko at ngumiti ng mapait kaya nakita ko na napanganga siya at nagulat sa sinabi ko

"Pero?" Nauutal pa niyang tanong

"Mga magulang ko yung naaksidente 6 years ago..sa totoo lang kasali din ako dun pero nakaligtas ako"

"Galit ka ba sa akin? Sa mama ko? Sorry sorry hindi naman niya yung sinasadya eh" sabi niya sa akin at kinuha pa ang kamay ko

"Hindi ako galit sayo hindi rin ako galit sa mama mo  kaya wag kang magalala ha? Kinausap kita para lang sabihin sayo yun kasi karapatan mong malaman eh" sabi ko sa kaniya at ngumiti ng totoo

I guess this is the start of something new




The Nerd Is The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now