(12) **Men In Black**

31.2K 833 34
                                    

ℹ💙Ⓜ

✏✏✏✏✏

🌸🌸🌸

06.04.14
02.07.18

Buhat ng mangyari ang pagsugod ng tiyahin sa kanya, ay todo higpit na ang bahay nila.

sabi ng mga katulong, galit na galit daw si kent,pinagalitan daw sila lahat at pinagbantaan na sa susunod na mangyari daw ulit iyon ay palalayasin daw sila ni kent.

ayon pa kay Manang sa loob ng maraming taong paninilbihan niya sa pamilya ni kent, lalo na sa asawa na inaalagaan niya pag nasa ibang bansa ang ina nito, ay noon lang daw niya nakita na nagalit ng ganon si kent, na halos magwala sa sobrang galit, na animo gustong pumatay, na naiintindihan naman daw nila kung bakit ganon na lang daw ang galit ni kent, syempre asawa daw niya ako, nag aalala daw ito ng sobra, gusto nga sana daw ni kent na dalhin sa ospital, pero hintayin lang daw muna akong magkamalay.
"Pasensya na po manang at sorry pati tuloy kayo nadamay" hinging paumanhin dito.

"Ok lang iyon iha tsaka sanay na kami sa kasungitan nang batang iyan,at naiintindihan din namin siya may pagkakamali din naman kasi kami."nakakunawang pahayag nang matanda.

humingi siya ng despensa sa mga ito,at patawad sa mga nangyari na nadamay pa ang mga ito. Natatakot na nahihiya sya sa asawa,hindi niya alam ang sasabihin nya dito. hinanap niya ito sa buong bahay at naabutan niya ang asawa na umiinom mag isa, ang lungkot tingnan nito.

pero mababakas pa rin ang galit nito basi sa pagkakahawak ng kamay nito sa baso.

ewan nya kung ano ang pumasok sa kanya ng mula sa likuran nito ay niyakap niya ito ng mahigpit.

Nagulat ito, at ng mapagtanto nito na siya ang yumakap, ay hinayaan lang siya nito.

Napahikbi siya, na ikinagulat ni kent at sa isang iglap nakaharap na ito sa kanya, at pinahid ng mga daliri nito ang nag uunahan sa pagpatak na mga luha niya.

pinatahan siya nito sa pag iyak at niyakap ng mahigpit, imbes siya ang humingi ng tawad dahil sa ginawa ng tiyahin, ay ito ang humingi ng tawad.

"im sorry hon, wala ako para ipagtanggol ka kanina, kung hindi ako umalis hindi sana nangyari ito, hindi ka sana nasaktan."

pahayag nito na patuloy na hinahaplos ang magkabila nyang pisngi, na may kunti pang hapdi.

"no, ako dapat ang humingi ng sorry sayo, dahil sa ginawa ni tita na eskandalo ko pa iyong bahay mo, pati sila manang nadamay pa sorry talaga."

napahikbi siya dahil sa masuyong paghaplos nito sa mga pisngi niya.

"no you dont have to say sorry,dahil wala kang kasalanan,alam ko na mula noo pa man sinasaktan ka na nila. kaya promise, this will be the last time na sasaktan ka nila at pagbububatan nang kamay."

saad nito at niyakap siya, nagpasalamat rin siya sa bulaklak na bigay nito.

Mula sa araw na iyon, ay naghire si kent nang sarili niyang bodyguard, inayawan niya ito noong una, pero sabi nito, para daw sa kaligtasan niya, ayaw na daw nitong maulit pa ang nangyaring panunugod ng tita niya.

kaya pala nalaman nito, ang pagmamalupit ng mga tiyahin niya dahil ipina imbestigahan daw niya ako, noong gabing magtagpo ang landas namin.

sinabi ng mga kapitbahay niya ang kalupitang dinanas niya mula noong bata pa siya.

na ipinambayad siya sa utang ng tiyuhin sa intsik, na nakatakas siya at aksidenting nakapasok sa kwarto nito, ito daw ang nagpakulong sa tiyuhin niya at sa matandang intsik.

Nagulat siya ng malaman iyon, na ginawa nito iyon para sa kanya.

kaya kahit nasaan siya laging nakabantay ang Men In Black na kung tawagin ng kaibigang si juna.

kahit sa loob ng paaralan ay nakabantay ang mga ito, minsan nga gusto niya ng takasan ang mga ito. Pero nahihiya siya kay kent, alam niya kasi na ginagawa lang nito para sa kaligtasan niya.

Sobrang higpit ng Men In Black, bawal siya pumunta kahit saang lugar na wala siyang kasama, kailangang nakabuntot ang mga ito sa kanya, pwera lang kung si kent ang kasama niya.

ultimo mga guro at kaklase niya, ay hinaharang ng mga ito, kung hindi niya sinasabi na ok lang na kilala niya ang mga ito.

Alam din niya na oras oras nag rereport ang mga ito sa asawa.

dahil oras oras din kng magtext si kent tinatanong ang kalagayan niya, madalas napapangiti siya sa pagiging protective nito sa kanya at minsan kinikilig siya sa sobrang sweetness na ipinapakita nito, she had a feeling for his husband na hindi niya maipaliwanag,

ayon kay juna, baka inlove na daw siya kay kent., alam kasi ng kaibigan niya kung bakit naging asawa siya ni kent, kilig na kilig nga ang bruha, mala fairy tale daw ang kwento namin ni kent.

Pero napapaisip siya sa sinabi ng kaibigan, posible kayang nahuhulog na ang loob niya sa asawa, hindi niya alam ang pakiramdam ng umiibig dahil kahit minsan hindi pa siya umibig, siguro ang pakiramdam niya na ligtas siya sa piling nito, na gusto niya ang sweetness nito, excited siya palagi sa pag uwi nito galing opisina, na magaan ang feeling niya tuwing umaga na nasisilayan niya ito paggising niya, na gusto niya laging kasama ito, at minsan naiinis siya kabang palaging kausap nito ang sekretarya,na hindi niya naman dapat maramdaman.

siguro nga mahal niya na si kent sa mahigit dalawang buwan nilang pagsasama.

💜💜💜
Thank you sa understanding niyo guys and for motivating me.
YajNna20

FbGroup

Yajnna20 Stories

FbPage

Yajnna20

Thanks
GOD BLESS US ALL💕

"My Bashful Wife" Where stories live. Discover now