15

525 28 50
                                    

[A/N : Alam kong sobrang tagal nyo ng hinintay ang update na to.. Kaya babawi ako sainyo guys.. Sorry talaga.. Para sainyong lahat to...]

Chapter 15

Tatayo na sana ako upang komprontahin si Drake kung si Mr. Poser ba at sya ay iisa.. Ngunit nabigo ako ng magsalita sya at tumayo..

"Yes, Venice? Sige.. Hintayin mo ko dyan.." Sumenyas sya sa mga kasama nya bago lumisan sa pwesto nila.. Ganun nalang ang pagkadismaya ko ng mapagpanto kong nagkamali ako ng hinila. Dapat ay hindi na ako umasa na sya ang lalaking minamahal ko dahil malabong mangyari yun.. Magkaiba silang dalawa.

"Okay ka lang ba?" Bumalik ako sa huwisyo ko ng magsalita si Makmak. Umiling ako at itinuloy ang naudlot na pagkain ko.

Maghapon ay wala akong ibang inisip kundi ang nangyari sa canteen. Kung paano ako umasa.. Umasa na sana nga ay sya ang lalaking matagal ng palaisipan sa akin..

"Elyza. Ano sa palagay mo?" Tanong sakin ni Makmak habang nasa isang sikat kaming bilihan ng panlalaking kasuotan. Kasalakuyan syang nagsusukat habang ako naman ay nasa malayo ang isip.

"Hah? A-Ano. Ahm. Maganda Mak. Bagay sayo." Pilit ang ngiti na ibinigay ko sakanya. Mukhang hindi naman iyon nahalata ni Makmak dahil ngumiti sya bago bumalik sa fitting room. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na sya sa paningin ko.

Kinuha ko ang cellphone ko upang i check kung may natanggap ba akong mensahe mula sakanya. Ngunit bigo ako..

Sinabukan kong mag online upang makita kung may message ba sya. Ngunit isang post na hindi ko inaasahan na galing sa account nya ang tatambad sakin.

Babaeng loyal? Meron paba?

Halos dumugin ng likes at comments ang post nya na yun.. At ang mas nakakagulat pa ay limang minuto palang ang nakakaraan buhat ng ipost nya yun. Kaagad akong nagpunta sa messenger upang magtipa ng mensahe para sakanya.

Ako :
Mine. Ano yung ibig sabihin ng post mo? Galit kaba sakin?

Ako :
May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Please.. Sabihin mo sakin..

Matagal akong nakatitig sa screen ng cellphone ko bago ko makita ang tanda na nabasa na nya ang mensahe ko. Umayos ako ng upo ng makita kong nagtitipa sya ng mensahe.

Mr. Poser :

I hate you..

Halos matigil ang mundo ko ng mabasa ko ang mensahe nya. Kinusot kusot ko pa ang aking mata upang makita ko ng mabuti kung yun nga ba ang naroon o nagkamali lamang ako ng basa.

Nang mapagtanto kong iyon nga ang mensahe nya ay halos manginig ang mga daliri ko habang nagtitipa ng mensahe para sakanya.

Ako :

Nagbibiro kalang diba?

Mr. Poser :

No. I am not. Wala ng patutunguhan ang relasyon natin na to kaya mas mabuti kung maghiwalay nalang tayo.

Nabitiwan ko ang cellphone ko matapos kong mabasa iyon.. Hindi ba't parang kahapon lang ay napaka saya naming dalawa? Bakit biglang naging ganito.. Bakit bigla nalang syang nagbago.

Ako :

Wag naman ganito. Kung may nagawa ako please. Patawarin mo ko.. Mahal na mahal kita..

Mr. Poser :

Wag kang tanga! Ayaw ko na sayo kaya wag mong ipilit ang sarili mo sakin!

Kaagad akong tumayo at tumakbo palabas. Hindi ko na alintana ang mga taong nakakakita sa akin habang tumatakbo ako at hilam ang mga mata sa luha.

💞MR.POSER💞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon