8

425 15 1
                                    

💞Chapter 8💞

Paglabas namin nila Makmak, Aiana at Dina ay napansin ko ang pagkakagulo ng mga estudyante. Karamihan ay mga babae. Di ko masabayan ang pinag uusapan nila kaya nagtanong ako kila Dina. Tutal ay matagal na sila sa eskwelahang to.

"Dina. Bakit parang natubigan silang mga palaka?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Si Makmak naman ay nakapamulsa. Hindi sya nakatabi sa akin kaya alam kong nagtatampo sya.

"Ah. Malapit na kasi yung acquintance party. Kaya ganyan yang mga yan. Alam mo na excited sila dahil gusto nilang makasayaw ang kambal. Lalo na at graduating na ang mga ito."

Napatango nalang ako. Ganun pala kasikat yung dalawa na yun. Sabagay parehas naman silang gwapo.

"Shunga! Hindi yun yung pinagkakaguluhan nila." Sabat naman ni Aiana. "Biglaan yatang nagpa battle of the bands ang commitee nitong school eh. Gaganapin daw sa friday. Sasali daw yung banda nila Drake. Kalaban yung banda ni Drew." bakas ang excitement sa boses ni Aiana habang sinasabi yun.

Battle of the Bands? Si bhe ko kaya sasali rin? Maganda ang boses nya at magaling syang mag gitara. May banda rin kaya sya?

Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng cafeteria.

"Ibig sabihin. Tatlong araw mula ngayon? Magkakaroon ng battle of the bands?" tila paring hindi makapaniwalang sabi ni Dina. Si Makmak ay tahimik lang sa upuan kaharap ako. Sino kayang oorder ng pagkain namin?

"Para daw sa independence day. Kasi wala tayong pasok ng monday. Kaya friday nalang gaganapin." sagot ni Aiana na tila nabasa ang isip ko at tumayo. "Anong gusto nyo? Ako na ang mag oorder?

Sabay sabay kaming lumingon sa lalaking nasa harapan ko. May dala rin itong tray.

"Miss Elyza. Pinapabigay po ng boyfriend nyo. Pinapasabi din po nya na wag nyo syang masyadong iisipin dahil mahal na mahal ka nya." nakayukong sabi nya.

Nag init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Ang galing talaga ng boyfriend ko kung makautos. Pati yung gusto nyang sabihin inuutos nya rin.

"Salamat. Sabihin mo din mahal na mahal ko sya." narinig ko ang marahas na paghampas ni Makmak sa mesa.

Napaka insensitive ko talaga dapat ay di ko sinabi yun.

Natigilan naman ang lalaki sa paglakad ng may humalakhak nanaman ng malakas. Halos lahat ng naroon ay tila natigilan. Para bang may dumaan na anghel at ang nais ay magkaroon ng katahimikan.

"Im sorry guys. Im just happy." nakangiting sabi nya bago tumayo at nilisan ang lugar kasama ang mga kaibigan nya.

Halata naman talaga na masaya sya. At bagay nyang. nakangiting ganoon kesa sa nakasimangot at nagsusungit.

Natigil lang ako sa pagtitig sa papalayong si Drake ng may eroplanong papel na tumama sa mukha ko. Nang sinundan ko ang pinanggalingan nito ay nakita ko ang nakangising si Drew habang naka peace sign.

Tumango lang ako sakanya.

Sinandya nya ba yun?

Habang kumakain ay nagkukwentuhan lang kami nila Aiana. Hindi naman nakikisali si Makmak dahil inis sya sakin.

"Pupunta kaba sa acquintance party?" tanong sakin ni Dina.

Pupunta ba ako? Hindi ko alam.

"Bahala na." sagot ko.

"Duh? Ano kaba?! Masaya yun noh!" sabi naman ni Aiana habang pinapaikot ang tinidor nya sa pasta.

"Bakit? Di kaba pinayagan ng boyfriend mo?" biglang sagot ni Makmak kaya napatingin ako sakanya.

💞MR.POSER💞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon