13

468 24 11
                                    

[A/N : PARA SA INYONG TATLO TO..
seankirvy bhaby_flor BbyAly_17]

____



💞Chapter 13💞

Pagkatapos ng yakapan session namin ay nagsimula na kami sa pag iihaw.

At dahil sadyang malandi ang boyfriend ko, daig pa nya ang linta na nakayakap sa likuran ko.

Wala syang ibang ginawa kung hindi ang isiksik ang ulo nya sa leeg ko at amuy amuyin ang buhok ko.

Medyo nakakailang. Dahil amoy usok na ako. Ako kasi ang taga paypay.

"Mine. Ano ba!? Dun ka na nga. Ang baho ko e." sita ko sakanya.

Naramdaman ko naman ang pag ngiti nya dahil nakadampi ang labi nya sa may leeg ko.

"Ang bango mo kaya. Nakakaadik." sabi nyang mas lalo pang sumiksik sa leeg ko.

"Napaka pasaway mo naman mine. Naiinis na ko". nakairap na sabi ko kahit alam kong di nya makikita.

Lumayo naman sya sakin at naupo habang nakahalukipkip. Daig pa nya ang bata na hindi napagbigyan sa gustong bilhin na laruan.

Pairap irap pa sya na lalong ikinatawa ko.

"Sige ka. Baka mahipan ng hangin yang mata mo kakairap." pang aasar ko sakanya.

"Tss."

Hay. Napaka tampuhin naman ng boyfriend ko.

"Mine. Sige na. Halika na dito." imbis na yumakap sya sakin ay kinuha nya ang pamaymay na hawak ko.

"Ikaw nalang yumakap sakin. Ako na bahala dito." nakangising sabi nya.

"Ayoko nga. Ang tangkad mo e. Ni hindi man lang aabot ang ulo ko sa balikat mo."

Nang magtama ang mga mata namin. Nandun nanaman yung pakiramdam na gusto kong haklitin yung maskra nya. Dahil kahit kontento akong kasama sya. Iba parin yung alam ko ang itsura nya. Wala akong paki kung pangit ba sya o gwapo. Basta gusto ko lang masilayan ko yung buong mukha nya.

Inilapit ko ang palad ko sa kanang pisngi nya. Hinaplos ko ang maskra nya. Napalunok ako ng sunod sunod. Kasi di ko alam kung kaya ko bang suwayin ang utos nya.

Hinawakan nya ang kamay ko, tila nababasa nya ang naglalaro sa isipan ko.

"Dont baby. Please. Not now.." malambing na sabi nya. "Makuntento ka nalang muna sa ganito. Ang mahalaga nagkakasama tayo."

"Gusto kong makuntento, pero kasi ang hirap. Alam mo ba yung pakiramdam na. Nasa isang lugar ka, pero dahil magkakatulad ang naroon. di mo alam kung saan ka pupunta. Nakakalito." pagsasabi ko ng totoo sakanya.

"Paano kang malilito? Kung mahal mo ako. Mararamdaman ako ng puso mo. Makikilala mo ako." giit nya.

Gusto kong ipagtapat sakanya na hindi lang sya ang nakakapagpatibok ng mabilis sa puso ko.

"Okey. Di ko na ipipilit. Maghihintay nalang ako kung kailan ka magiging handa na ipakita ang mukha mo sakin."

Binalik ko ang atensyon ko sa mga iniihaw ko. Nang makita ko na pwede na ang mga ito ay inihango ko na kaagad.

"Para lang din ako ang mga iniihaw mo na yan, baby. Kailangan mong hintayin.."

Pinagmamasdan ko lang sya habang kumakain. Gusto kong memoryahin ang bawat kilos at galaw nya. Para kahit di ko man lang nasilayan ang mukha nya, magkakaroon ako ng ideya kung paano sya kumilos.

💞MR.POSER💞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon