Love that Waits : 1st chapter

3.6K 104 17
                                    


- bumped -

° ° °

"Ganda ng umaga. Sana maging maganda at mabait ka din sa akin St. Merit", first day ko sa school ngayon. New day, new school, new faces, new adventure :-)

Kakalipat lang namin ni mama last week dito sa Bulacan. Galing kaming Cebu. Nailit kasi ng bangko ang bahay at lupa namin kaya kami umalis. Nagkasakit kasi noon si lolo, kailangan namin ng malaki ng pera pampa-ospital niya. Akala namin, makaka survive siya sa heart attack, pero nawala parin siya sa amin. Si lola, kasama din namin dito. Ang pinakamamahal kong lola. Siya na kasi nagpalaki sa akin. Si mama kasi, halos once in every two years lang kung umuwi dahil nag ta-trabaho siya sa ibang bansa. No choice eh, pag di siya umalis, nganga kaming lahat.

May kaibigan siya dito sa Bulacan kaya dito kami napunta. Province din pero moderno na. Marami naring mga establishment kahit hindi kalakihan. Mga hospitals, schools and universities, malls, may mga pasyalan na din.

Hindi rin problema ang transportation dito. Maduduling ka na nga sa dami ng mga sasakyan. Mula sa tricycle, jeep, private vehicles pati mga bus na biyaheng pa Maynila.

"Mheyz, di ka pa ba papasok. Nag mumuni muni ka na naman ano?", tawag ni mama mula sa kusina. Amoy ko na ang ni luto niyang longsilog ( longganisa, sinangag 🍚 at pambansang itlog 🍳 )

"Ayan na po", sagot ko. At lumabas na ako ng kwarto.

"Nako apo, unang araw mo dito sa bagong school mo kaya mag iingat ka hane. Wag ka muna magpapaligaw", paalala ni lola na ikinangiti ko.

"La, kung kasing ganda ako ni Liza Soberano, matakot kayo. Tiyak, babahain ako ng manliligaw ", pabirong sagot ko.

"Namilosopo ka na namang bata ka", iiling iling na sabi ni lola.

"La, hindi na po ako bata. Pwede nang gumawa ng bata😂", natatawang sabi ko at nakita ko ang madilim na muka ni mama, kahit hindi tag ulan☁✌

"Hoy Maseng, kung magpapaligaw ka lang at magpapabuntis, Abay sumama ka nalang sa akin sa ibang bansa. Makurot ko singit mo, nako", pagalit na sabi ni mama pero alam ko nagbibiro lang siya. Kilala niya naman kasi ako. Mapag biro.

"Ma, please lang. Wag mo na akong tawaging Maseng. Ang pangit. Pangit na nga ako, pangit pa nickname ko. May ipapangit pa kaya ako Ma? ", nakangusong reklamo ko.

"Sino ba kasi nagsabing pangit ka. Maganda ka Maseng", sabi pa ni mama.

"Sino nagsabing pangit ako? Si lolo, si lola, saka minsan ikaw ma", sabay labas ng mga ngipin ko", Joke lang Ma😆.
"Ano ka ba naman Ma, anak mo ako kaya syempre ang sasabihin mo eh, mga pampalubag loob. Pag si Enrique na ang nagsabi niyan, maniniwala na ako", sagot ko, sabay subo ng sinangag at itlog.
"Hay, itlog. Ke mayaman ka,ke mahirap ka, itlog is always present. Umagahan, tanghalian, hapunan, yung iba, pati midnight snack, lasap sarap", sabi ko sabay batok sa akin ni mama.

"Maseng! Ano ba yang mga pinag sasasabi mo? Umagang umaga puro ka kalokohan", sermon nito.

"Anong masama sa itlog Ma. Eh totoo lang naman sinasabi ko ah. Di ba kahit midnight snack ito ulam ko. Mukha na nga akong manok🐣", sagot ko.

"Lintik na batang ire, kumain ka na at lumakad ka na", paalala ni lola, na may kasamang masarap na mura.

"La, malayo din po iyon. Pag naglakad ako, bukas na ako makakarating sa school. Pwede po bang sumakay ng jeep? ", nakangiting tanong ko.

Love That Waits Where stories live. Discover now