Love that Waits : 62nd chapter

1.3K 82 56
                                    


"Mommy I love you so much. I know that you're happy there. Don't worry I'll be a good boy mom. I'll take care of daddy when I grow up. Pati si lola at nanay. Daddy Carlos always visited me, and he asked me if I want to go with him sa Enchanted kingdom, and daddy said yes. So mommy, I can't visit you next week ok. But I will when we get back. " mga salitang galing sa anak ko habang kausap ang mommy niya.

"Come on son, it's getting late. We need to pack your things. Tomorrow nandito na si Daddy Carlos mo para sunduin ka" tawag ko dito habang masaya itong nilalaro ang mga bulaklak para sa mommy niya.

"We need to go mom. See you next week" pagpapaaalam ni Em-em saka humalik sa tomb nito.

-------

Nakaalis na si Em-em kasama si mama Lirma, lola at Carlos papuntang Hong Kong para mag bakasyon.

Nagpaiwan ako dahil marami na akong tambak na trabaho sa opisina. At hindi ko pa kayang magsaya sa mga panahong ito.

Six weeks, sa loob ng mga panahong yon, umasa ako. Kami. Pero nabigo kaming lahat.

"Sir. Kumpleto po ang bilang ng mga pasahero. Kaya wag na po tayong umasa na buhay pa siya. Ito na po ang last report galing sa pulisya. According po diyan, walang nawawalang pasahero dahil kung ilan ang lamang pasahero ng eroplanong yon ay tumugma sa mga bangkay na nakita. Mag pasalamat nalang daw po tayo at kahit paano ay natagpuan kahit man lang ang mga bangkay nila"

Ang sakit mie. Bakit?

Bakit mo ko iniwan bigla? Bakit mo kami iniwan? Mag uusap pa tayo. Bubuuin pa natin yung pamilya natin. Magpapakasal pa tayo. Marami pa akong pangarap para sa atin kahit noon pa. Bakit mie? Bakit ?

Ang sakit sakit. Lahat ng pag asa ko ay naglahong bigla. Ikaw lang yung babaeng bumago sa pagkatao ko. Yung nagbigay sa akin ng dahilan para maging masaya. Paano ako babangon ngayon mie? Paano ako muling magiging masaya kung wala ka na? Paano na lahat ng pangarap ko para sa atin? Sana namatay nalang din ako noon. Sana hindi ako nagsisisi ngayon dahil pinili ko ang magalit sayo. Sana pinakinggan kita. Sana mayroon pang tayo hanggang ngayon.

Ang daming sana mie...pero huli na ako. Huling huli na ako mie.

I'm sorry.

I miss you.

I love you so much.

And I hate myself for not listening to you.

I'm so sorry mie!

Ilang araw at gabi akong walang  tigil sa pagluha sa tuwing inaalala ko ang mga panahong masaya kami. Mga panahong kasama ko siya. Mga panahong nasa bisig ko siya. At ang panahong kami ay naging isa. Mga panahong nasayang dahil sa galit ko.

Nalaman na din namin kung sino ang nag withdraw ng perang binigay ni mommy kay mie. Si Mr. Robles. Ang assistant niya. Kaya pala nag madali itong nag resign according kay mommy.

Mom and dad knows the truth about her and Em-em. Masaya sila na may apo na sila. And mom even said how sorry she was dahil sa maling nagawa niya. She just wanted to protect me and I understand but I lost forever and that hurts me most.

Sa huli ba talaga nagiging tama o saka mo lang makikita ang mga pagkakamali kapag huli na. Mga panahong hindi ko na pwedeng baguhin o ibalik pa ang panahon.

Ang unfair di ba?

Yung hindi ka nabigyan ng chance.

-------

Mabilis lumipas ang isang linggo at nakabalik na ang anak ko, at lola galing Hong Kong. At hindi ko maitatangging masayang masaya ang anak ko. Si mama Lirma naman ay dumiretso na sa Japan.

Sino ba ang mag aakala na ang minsan mong naging kahati sa pagmamahal ng babaeng mahal mo ay siya pang magiging kasangga mo. Nawalan man ng ina si Em-em, naging dalawa naman kaming daddy niya. Pero sa ngayon ay masaya na si Carlos. May nobya na ito at gusto na agad pakasalan. Ayaw niya daw sayangin pa ang pagkakataon.

He learnt from my mistakes.

A/N

There are times, your enemies will be your best buddies.

May saysay pa ba ang kwento ko? Pakisabi lang po. Kung wala po, stop ko na 😂

Keep reading mga loves

Lots of love skrengge pops




Love That Waits Место, где живут истории. Откройте их для себя