Kalawang

533 4 1
                                    

Nandito ako sa
punto ng buhay ko,
na kung saan inaalala
ko lahat ng masasayang
pangyayari na
pinagsamahan natin,
ngunit ito rin yung
punto na kung saan,
pagod at sawa na akong
mabuhay sa mga alaala
na lamang.








Mahal, anong nangyari?



Parang kailan lang,
masaya pa tayong
naglalakad sa tabi
ng dalampasigan.

Magkahawak ang
ating mga kamay,
na tila ba mayroong
posas dahil 'di ito
mapaghiwalay.

Sabay nating dinarama
ang malamig na simoy
ng hangin, tinitignan
mo ang bawat pag-alon
ng aking buhok na tulad
ng sa dagat.

Ang bawat pagbuka
ng aking bibig, na tila
musika ang tanging
iyong naririnig.

Ang aking bawat
pag ngiti at pagtawa,
lahat ng 'yon ay iyong
sinubaybayan na
parang isang telenovela.

At kahit gaano pa
kalakas ang hangin,
at ang tunog ng mga
alon sa dagat,
pinakinggan mo ang
ritmo ng aking puso,
mabilis ang pagtibok,
dahil sayo.

Parang kailan lang,
masaya pa tayo habang
sabay na nagmumuni-muni.

Nakatingin sa mga
bituin, humihiling...






na sana...hanggang dulo,











tayo pa rin.




Lagi nalang ba
akong aasa sa
"sana"?




Sana hindi mo 'ko
iniwan.




Sana hindi ka
sumuko.




Sana ipinaglaban
mo 'ko.





Sana hindi ka
nagsawa.



at...




Sana hindi ka
nalang sumumpa



na mananatili
ka sa 'king
tabi anoman ang
mangyari.


at ang pinakamasakit
na "sana"...














Sana hindi nalang
ako nagtiwala



sa mga salita


na lumabas
sa 'yong bibig


at ang akala
kong tunay mong
pag-ibig.






Mali bang humiling?






Gusto ko lang naman
sumaya.







Mali bang maging
masaya?



Pagod na kasi
akong maramdaman
itong sakit at pait
dahil tama ka,
oo, nakakulong
parin ako sa
nakaraan.





Nakakulong ako
sa rehas ng nakaraan
na pinaglumaan
ng panahon at
pinagharian na
ng kalawang.





Bakit?








Dahil hindi
inalagaan at pinabayaan
na lamang.







Gustong-gusto ko
na kumawala at
maging malaya




pero hindi ko
alam kung paano.



Paano?




Paano ako aalis
rito?




Paano ako hahakbang
palayo sa nakaraan
kung sa tuwing
susubukan kong
tumakas, mahuhuli
at mahuhuli ako ng
pag-ibig ko sayo.









Mahuhuli at mahuhuli
parin ako ng pag-ibig
ko sayo.













Mahal pa rin kita.










Yan ang dahilan
kung bakit di ako
makawala sa rehas
ng nakaraan na binuo
nating magkasama
pero ako lamang
ang natira sa selda.



Sana hindi mo 'ko
iniwan.




Sana hindi ka
sumuko.




Sana ipinaglaban
mo 'ko.





Sana hindi ka
nagsawa.



at...




Sana hindi ka
nalang sumumpa



na mananatili
ka sa 'king
tabi anoman ang
mangyari.


at ang pinakamasakit
na "sana"...





Sana hindi nalang
ako nagtiwala



sa mga salita


na lumabas
sa 'yong bibig


at ang akala
kong tunay mong
pag-ibig.




Sana...





makawala na ako
sa nakaraan.




Sana...




makalaya na ako
sa rehas ng nakaraan,
na pinaglumaan na
ng panahon at
pinagharian na ng
kalawang.




Mahal, sinubukan
kong alisin ang
kalawang ngunit
anong magagawa
ko kung ikaw na mismo
ang gumagawa ng
paraan upang
alaala nati'y magkaroon
ng lamat?



Tao lang ako,
napapagod.




At sa puntong
ito, pagod na pagod
na akong ipaglaban
ang pagmamahalan
na ako lang naman
ang may pakialam.




Gusto ko nang maging
malaya...



Kahit mahirap,
hahakbang ako palayo
at sa pagtakas ko,
hinding-hindi na ako
magpapahuli sa pag-ibig
ko sayo...




Hahayaan ko na
ang kalawang sa rehas
ng ating nakaraan,
tatanggapin na kahit
anong gawin, hindi
na mawawala ang lamat
rito ang mananatili ito
hanggang sa pagwawakas
ng buhay ko.




Makakaalis rin ako
sa seldang pinag-iwanan
mo.




Sana, makaalis ako.










***

Hi. First of all, lutang ako habang ginagawa 'to. I just wrote this out of nowhere. Nakailang ulit at proof read ako dito pero di parin ako satisfied. May mali dito pero aayusin ko if i have free time. Pinost ko na kasi baka makalimutan ko e. HAHAHAHAHAHAHAHA. Anyway, salamat dahil nagtiyaga kang basahin 'tong update na 'to kahit lame, meh. Hahahaha, thank you. Lovelots!






We're almost 5k reaaaads! Thank you sa inyo!

Tinta at Luha (Tula tungkol sayo, sa kanya, sa akin, sa atin)Where stories live. Discover now