Hiling sa bituin

1.5K 16 3
                                    

Isang gabi, humiling ako sa bituin. "Bituin, bituin, ako'y iyong dinggin. Bituin na nagbibigay liwanag sa dilim. Bituin, pakinggan ang aking sasabihin. Tuparin ang aking hiling. Sana'y ako'y kanyang mapansin"

***

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngayon ay kinausap mo ko, ngayon.
Napansin mo ako kagaya ng aking hiling. Hiling sa bituin.

Sandali lang tayong nagkausap pero iba ang sayang naidulot nito sa puso ko.
Napakasaya ko. Napakasaya ko.


Ngayong gabi, hihiling akong muli sa bituin. Sasabihin ko " Bituin, bituin, ako'y muli mong dinggin. Bituin na nagbibigay liwanag sa dilim. Bituin pakinggan ang aking sasabihin. Tuparin ang aking hiling, sana makilala ko pa syang lubos, mabigyan kami ng mas mahabang oras. mas mahabang oras"

Mabigyan nga kaya kami ng mas mahabang oras?

***

Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama.

Kasalukuyan kang tumatawa na para bang wala kang problema. Na para bang punong-puno ng saya ang puso mo.



Kase ako? Oo, punong-puno ng saya nag puso kong sabik na sabik sa tinig mo, sabik na sabik sayo.

Salamat, bituin. Tinupad mong muli ang akng hiling.

Ang mga hiling ko sa mga bituin ay nasundan pa ng isa. isa. isa ulit. isa. at isa pa. Andaming beses kong humiling ulit sa bituin. At lahat ng yon ay natupad. Ang hiling ko sa bituin ay nagbunga ng maganda. Naging mas malapit tayo sa isa't-isa, at walang duda...alam kong mahal na kita

Lagi tayong magkasama.
Puno ng masasayang kuwento at alaala.
saya at tawa


Sobrang saya ang aking nadarama tuwing kasama kita. Masaya ako kapag kasama kita, pero bakit ngayon ay hindi ako masaya kahit kasama naman kita?








Ah, alam ko na













Kasama kita pero kasama mo rin sya.






Ipinakilala mo sya sakin
Binanggit mo ang pangalan nya at bumaling ng tingin sa kanya.

Kita ko

Kita ko ang saya sa mga mata mo nung sandaling tumingin ka sa kanya.

Kita ko

Kita ko ang ngiti sa'yong labi nang banggitin mo ang pangalan nya

Kita ko

Kita kong mas masaya ka pag kasama mo sya

Kita ko

Kita kong mahal mo sya

Nakakatawa

Nakikita kong mahal mo sya, ikaw? Nakikita mo bang mahal kita?




Nakikita mo ba?



Nararamdaman mo ba?

Malamang hindi.
Hindi mo nakikita, hindi mo nararamdaman. Kahit kailan hindi. Alam mo kung bakit?
Dahil nasakanya lang ang buong atensyon mo at wala sa'kin.
Sa kanya at wala sakin

Akala ko, hindi na 'ko muling hihiling sa bituin.

akala ko, pero nagkamali ako.

Kinagabihan dumungaw ako sa bintana.
Makulimlim, wala ni isang bituin

Bituin, bituin, nagsawa ka na bang ako'y dinggin?


Bakit wala ka upang magbigay liwanag sa dilim?
Bituin, bituin kung nasaan ka man, sana'y ako'y pakinggan.
Pakinggan mo ang aking huling hiling. OO, huling hiling.

"sana magising ako isang umaga na wala na akong sakit na nadarama. sana isang umaga makaya ko nang bumangon, nang hindi iniisip ka. Sana isang umaga, tuluyan ko ng matanggap, na imposibleng magkaroon ng 'ikaw at ako'.




Walang ikaw at ako.





Bituin, yan ang aking huling hiling.

Tinta at Luha (Tula tungkol sayo, sa kanya, sa akin, sa atin)Where stories live. Discover now