"Matagal na panahon na
rin ang nakalipas,
ngunit hanggang ngayon
pag-ibig ko sayo'y di parin
kumukupas.Ilang araw pa ba?
Ilang buwan pa ba?
Ilang taon pa ba ang kailangan
kong hintayin upang
makalimutan kita?Ang bawat haplos mo.
Ang bawat titig mong
ipinupukaw sakin na para
bang sinasabi mong sayo
lang ako.Sabagay, hindi naman ako
naging sa iba, dahil buong
buhay ko, sayo umikot
ang munting mundo ko.Kailan ko ba malilimutan
ang mga tinig mong
paulit-ulit kong naririnig
na noong nagsasabi sakin
kung gaano mo ko kamahal,
kung gaano mo ako kailangan,
Sa kung paanong hindi mo
kayang wala ako sa piling mo..Tinig mo na noong
nagsasabi saking ako lang
at wala nang iba.Tinig mo na noong
nagsabi sakin ng
"Mahal, pangako sayo
ikaw, at ikaw lang ang
iibigin ko. Ikaw lang, mahal.
Ikaw lang"Pero asan ka na ngayon?
Nandon ka sa altar habang
Itinataas ang puting
telang humaharang sa muka
niya.Sabi mo, ako lang.
Sinungaling.
*
Lol, ang panget 😂 Basta-basta lang kase 'to. Naisipan ko lang mag-ud, kaya ayan. Basta ko nalang tinype. HAHAHAHAHA , SALAMAT KUNG BINASA MO PAREN 😂 MWA! MAHAL KITAAA!
YOU ARE READING
Tinta at Luha (Tula tungkol sayo, sa kanya, sa akin, sa atin)
PoetryIkaw. Ako. Storya ko. Storya mo. Storya nating di mabuo-buo. Pero eto ako, nagsusulat ng tula para madugsungan ang pagmamahalang pinipilit ilibing sa nakaraan. Ayokong makulong sa nakaraan kaya kahit na maubusan ng tinta ang panulat na gamit ko, an...