Balang Araw

1K 18 5
                                    

note: mas maganda 'to pag binigkas na pa-spoken 😊


***

Hindi ko alam kung ilang minuto pa.
Kung ilang oras, araw o buwan -- hindi ko alam.
Hanggang kailan ko pa nga ba itatago 'tong sakit?

Sa totoo lang, pagod na kase ako.
Pago na akong lumuha sa tuwing maaalala ko lahat ng matatamis na salitang lumabas mula sa 'yong bibig, mga katagang minsang sa aki'y nagpakilig -- ngunit lahat, ay pawang kasinungalingan lamang.
Nakakapagod, ang lumuha dahil sa taong hindi naman alam ang 'yong halaga pero mas nakakapagod ang umasa na mamahalin ka niyang pabalik.

Nagmahal, oo nagmahal ako ng higit pa sa sarili ko kaya heto ako't nasasaktan.
Nasaktan, dahil sa alay kong pag-ibig na di mo naman nasuklian.

Mahal mo ba talaga ako?
Mali. Uulitin ko.
Minahal mo ba talaga ako?
Ano, minahal mo ko dahil sinabi ng kaibigan mo?
Minahal mo 'ko dahil gusto mong makisabay sa uso - mali.
Maling-mali.
Dapat mahal mo ang isang tao, dahil mahal mo.

Pero anong mgagawa ko?
Gusto mo lang naman ako kapag wala kang magawa.
Pinaasa mo lang ako, pinaikot sa palad mo.

Alam mo patawa ka e no? Pabibo.
Ang lakas ng loob mong paglaruan ako. Sinadya mo na kapag nahulog na ko sayo, saka ka aalis at tatanungin kung sino ako -- teka, sino nga ba ako?

Ah, ako yung babaeng ikaw ang naging mundo.
Ako, yung babaeng minahal ka ng buong-buo.
Oo ako. Yung babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka.

Ano ba yang puso mo? Bato?
Kung sasaktan mo lang pala ako, dapat sinabi mo, nagsuntukan nalang sana tayo.
Kung sasaktan mo lang naman pala ako, sana sinabi mo dahil kaya ko.
Kaya kong saktan ang sarili ko nang hindi kinakailangan ang tulong mo.
At kung masaya ka man na makitang nasasaktan ako, binabati kita.
Sobrang saya mo siguro no?
Dahil sa tulang 'to, pauulit-ulitin kong sabihin na nasaktan ako.
Na nasasaktan parin ako -- pero alam ko.
Malapit na. Nararamdaman ko na.

Balang araw.
Balang araw makakaya kong gumising sa umaga na hindi iniisip ka.
Makakaya ko, na sanayin ang sarili kong hindi hawa ang mga kamay mo.
Makakaya ko, ang alisin ka sa sistema ko.
Makakaya ko, na balang araw, matitignan kitamg diretso sa mga mata mo, dahil kung tanda mo, ikaw at ikaw lang ang rason kung bakit mawawalan ng ekspresyon ang mga mata ko, at wala nang pag-ibig pa, ang makikita rito.

Nagmahal, oo nagmahal ako ng higit pa sa sarili ko kaya heto ako't nasasaktan.
Nasaktan, dahil sa alay kong pag-ibig na di mo naman nasuklian at di mo gugustuhing suklian.
N

gayon tumutula ako -- ito, ang una at huling tula na iaalay ko para sayo.

Una, at huling tula para sayo.

Mahal, salamat sa mga alaala na mananatiling alaala na lamang dahil alam ko, balang araw. makakalimutan kita.
Makakalimutan kita.
Mahirap, pero kakayanin.


***

Hi. Hahahahaha, share ko lang, yung tulang nasa taas, piece ko yan sa contest ng Spoken Word Poetry sa school 😂 pinost ko lang here hahahaha.
Salamat sa mga nagvo-vote saka patuloy na nagbabasa at sumusuporta kahit ang boring ko hahahahaha! Lovelots!

Tinta at Luha (Tula tungkol sayo, sa kanya, sa akin, sa atin)Where stories live. Discover now