Magkaibang mundo

4.2K 59 14
                                    

Akala ko, may pag-asa tayo.

Akala ko, espesyal ako sayo.

Akala ko, hindi bastang 'kaibigan' lang ang turing mo sakin.

Akala ko, ako na ang 'yong iibigin.

Akala ko, mahal mo na ko.

Akala ko, may puwang na ko sa puso mo.

Akala ko, nakalimutan mo na sya.

Akala ko, napalitan ko na sya.

Akala ko.

Akala ko lang pala ang lahat?

Umasa lang pala ako, yun ang totoo.

Pero bakit ganon?

Kung "akala" ko lang ang lahat, ba't ko naramdaman?

Naramdaman kong iba ang pagturing mo sakin.

Iba ang paraan ng iyong pagtingin.

Naramdaman ko sa pagngiti mong napapasaya kita.

Nakikita ko sa mata mong may pagtingin ka.

Naramdaman kong mahal mo ko, oo, ramdam ko!

Pero, sinadya mo bang iparamdam yon, dahil isa ako sa mga laruan mo?

Sinadya mo na kapag nahulog na ko sayo, saka ka aalis at tatanungin kung sino ako?

Sino nga ba ako?

Ako yung babaeng pinaikot mo sa mga palad mo.

Ako yung babaeng hinayaan mong mahulog at mabasag.

Ako yung babaeng napaniwala at kinulong mo sa matatamis mong salita.

Ako yung babaeng kahit sinasaktan mong paulit-ulit, tatayo parin at ngingiting pilit.

Ako yung babaeng, araw-araw na namamatay dahil sa pasakit mong bigay.

Ako yung babaeng mahal na mahal ka pero lahat yon, 'yong binalewala.

Akala ko yung pagmamahal ko sayo ng higit pa sa sarili ko ay magiging tulay para mahalin mo rin ako.

Pero kagaya ng iba, akala ko lang pala.

Kahit anong gawin ko, kahit lumuhod at magmakaawa pa ko sayo ay hindi magiging sapat para mahalin mo ko pabalik.

Hindi sapat.

Hindi sumapat.

Hindi kailanman sasapat.

Kahit anong gawin ko, masasayang ang lahat ng 'yon dahil hindi naman ako ang gusto mo at hindi magiging ako kahit pagbali-baliktarin man ang mundo.

Sya lang naman kase ang mundo mo.

Hindi ako, pero nakakatawa dahil buong buhay ko, sayo umikot ang munting mundo ko.

Ikaw ang mundo ko at kahit masaktan ako, hindi yon magbabago.

Tinta at Luha (Tula tungkol sayo, sa kanya, sa akin, sa atin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon