9:How

99 13 2
                                    

Helena Sofia~

Pagkatapos namin linisin ang natitirang dugo ni Rea sa sahig ay nagpahinga kami. Ang seryoso nila ngayon. Halos lahat sila ang lalim ng iniisip. Alam ko yung iba nagiisip kung pano at bakit dinukot ni ma'am si Francine. At ang iba naman ay kung sino ang may gawa nito kay Rea.

Oo, hindi natuloy ni Ben ang kung ano man ang kanyang sasabihin kung bakit at pano dinukot ni ma'am si Francine dahil pinutol ni Jalen ang usapan sa salitang "Tara na nga" at lumabas na.

Nagdududahan na sila. Alam kong alam lahat namin na hindi zombie ang maygawa nito. Alam kong hindi namin yun magagawa kay Rea. Kaibigan kaming lahat. Sana nga--- sana hindi isa sa amin ang may pakana ng pagkamatay ni Rea. *Sigh* Sino kaya? At Bakit

Katrina~

*Sigh* gusto ko lang naman ng tahimik at masayang buhay. Bakit kailangan pa humantong sa ganito!? Bakit! Heck.

Napasabunot na lang ako saking buhok dahil sa istress. D*mn Ano ba nangyayari sa mga tao ngayon. Ang wi-weird nila. Yung mga tingin nila sa isa't isa parang pinagdududahan na isa sakanila ang responsibilidad nito.

I just wanted a peaceful life! I sighed.

"So ano na?" Biglang sabi ni Elton.

"Siguro naman Ben, pwede mo na ipagpatuloy ang Kung ano man ang sasabihin mo?"

"Pero... Hindi ba yun nakakasakit at nakakastress? Ang dami na ngang problema tapos madadagdaga---"

"Alam mo ba ano yang lumalabas sa bibig mo o ang tanga mo lang talaga na pinagsasabihan mo ang sarili mong KAIBIGAN ng ganyan! Godd*mn Jalen! Nandito kaming lahat! Tayong lahat! Alalahanin mo na mag kaibigan tayo tapos ganyan ang sasabihin mo? May utak ka ba oh wala?! Ang dami nang nawala satin gusto mo ba pati si Francine mawala? Kasi ako hindi. H-Hindi ko siya kayang mawala. Ang bait bait niya satin! Kahit alam niyang ilang sandali mawawala at kukupas tong friendship natin, Hindi siya tumigil infact binigay niya ang lahat para maayos ang problema! Kahit nagkakasakitan na tayo siya mismo ang pumagitna para iwasan tayo na magkasakitan kaya alam mo anong nangyari? Siya! Sakaniya napupunta ang mga tinatapon natin na salita para lang protektahan tayo tapos ganyan ka lang? You know what? Matagal na kitang pina---" bigla naman tinakpan ni Ashley ang aking bibig at pinilit akong pinaupo sa sofa.

F*ck you! F*ck you Jalen! I trusted you! Nagtiwala ako sayo pero binigo mo lang iyon. Hindi kita totoong kaibigan. Hindi ka namin totoong kaibigan.

Bat ba ayaw tumigil nitong luha! Bakit sa tuwing pupunasan ko ito ay may bigla naman tutulo!?

Bakit ang daming plastik sa mundo? Diba dapat tinatapon sila sa tamang lalagyan? Ano nang nangyari sa mundo at pakalat-kalat na ang mga plastik.

Kahit kailan ang sakit niya magsalita na hindi lang man siya nagpapangalawa sa mga sinasabi niya kahit nasa harapan ng mga kaibigan niya. Ang kapal ng mukha niya.

Bigla naman akong tumayo at pumunta sa kwarto.

Kapa ako ng kapa sa table. Nandito lang dapat iyon. Bago bago ko lang iyon nilagay tapos mawawala agad? Ano yun! Yung parang feelings ni crush na kakasabi lang ng I love you tapos pagkabukas bigla mawawala at malapalitan ng I hate you?

Ayun! Nakita ko na. Tiningnan ko ang aking repleksyon at ngumiti ng matamis kasabay ng pagtulo ng aking luha.

Francine, kung nasan ka man ngayon.... Sana palagi kang mag iingat. Wag kang sasama Kay ma'am! Wag kang mag papadala sa mga simpleng salita.

Nung una tayong nagkita alam kong matapang ka kaya nga ang desperada ko na maging kaibigan ka dahil alam kong may kakaiba sayo. There's something special in you. I know and I can't wait to find out but Francine... I'm sorry but I can no longer protect and be with you. I'm sorry. Goodbye

Frankie~

Tumayo ako akmang susundan si Katrina ng pinigilan ako ni Ben.

"Let her be" I sighed at umupo uli

Ano nang nangyayari samin? Si Francine, dinukot ni ma'am tapos ngayon si Rea? Na--- ginag*go ba nila ako?

I'm tired of this sh*t! I wanna go home. I wanna see my family and tell them how much I love them. A tear escape from my eye pero pinunasan ko rin agad.

"I'll go fetch some fresh air" sabay tayo ko at alis. Napakalalim at nakaka suffocate ang hangin. I can't... *Sigh* naglakad na ako pabalik pero pumunta ako sa kwarto. Napatigil naman ako sa pagbukas ng pinto dahil sa mabahong hangin na naamoy ko.

"Ugh! What is that smell?" Binuksan ko naman ang pinto at bumugad sakin ang -------

Helena~

"Guys dun lang ako sa labas. Wag kayo gagawa ng kahit anong kalokohan ah" naglakad naman ako palabas at umupo sa may hagdan safe naman since may ikalawang gate.

Hays. Wala akong ginawa kundi nagmukmok. Tinitingnan ang langit na walang kakulaykulay. Walang buhay. Mga lugar na dati'y kaysarap puntahan pero ngayo'y ang sarap iwasan.

"Psst"

"Ayy pacman!!!" Napatalon naman ako ng may biglang nagsalita.

"Sofia! It's me! Trixie" biglang naman itong nagpakita.

Pano siya nakapasok? Eh nakalock ang gate at nasaloob ng bahay ang susi at kakaopen ko lang ng bahay at wala namang lumabas at mamatay ang kung sino man ang mag aattempt na umakyat sa gate. Hmmmpp

"TRIXIE!!! OH MY GHAD! BESPREN" sa sobrang gulat ko hindi ko namalayan na nahulog ko pala ang susi at tumalon sakaniya habang mahigpit siyang niyayakap.

Oh How much I missed her.

"Helena Sofia! Oh my ghad! I miss you so so much. Hinanap kita magdamag. Thank god walang zombies na umatake sakin. I'm so tired." Bigla naman ito humiga sa damuhan at umikot ikot na para itong kama. Pero bigla rin naman itong tumayo at pinasok ang dalawang kamay sa bulsa.

"Anyways bes I miss you! Diba kasama mo sila Ashley?" Sabay turo niya sa pintuan.

"Ah oo, bakit?"

"Wala lang. Tara sa loob?" Sabay ngiti ng malawak. Nauna itong naglakad habang ako ay gulat parin. Nakapasok na siya sa loob. Nagsimula na akong naglakad pero napatigil.

Bat ang saya saya niya kahit ganito ang sitwasyon? Kala ko ba patay na siya? Bakit alam niya na kasama ko sila eh hindi niya nga alam kung sino yung mga kasama ko nung oras na nangyari ang aksidente sa simbahan....

"Hinanap kita magdamag."

How is that even possible?

"Hinanap kita magdamag."

Without encountering zombies? Nung dumating siya wala lang man akong nakitang weapons or anything.

Pano siya nakapasok? Pano niya nalaman na nandito kami ngayon?

How?

Trixie, tell me---- How

Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now