Chapter 35

46 0 0
                                    

Last day of Finals Week.

Ater nung bisita ni Tal, knabukasan sa klase syempre kumalat na yung balita na naalala nga ni Nikko si Tal out of all of us. Sabi naman nila baka raw meant to be silang dalawa kaya ganun. Yeah right.

It is finals week and then summer na pero special condition si Nikko so nakahold muna lahat ng grades nya until makarecover sya at makaalala, which I hope to happen ASAP. However, I have decided to take a break from visiting Nikko. Hindi rin kasi nakakabuti kung palagi ko syang binibisita with the hope na makakaalala na sya and then uuwi akong disappointed. Anyway, Tal updates me once in a while of their developing relationship, which I consider even more bothering.

Clarence and I do not talk that much anymore, siguro minsan lang kapag napapansin nyang kailangan ko talaga ng kausap but other than that, I think he's trying to keep his distance. Actually, there was an event last Wednesday when people asked us directly during review session kung kami na raw ba ni Clarence. We just both said no. They asked why not yet, pero hindi na namin sinagot.

Dahil isa na rin lang naman yung exam na natitira and then isang paper sa Literature, I took the time to have a short visit  in the hospital. Sobrang excited nga ako kasi ang tagal ko rin syang hindi nakita pero pagbukas ko ng pinto wala nang tao.

Nagtanong ako sa nurse kung asan na yung patient doon ang sabi eh nagcheck out na raw pala kaninang umaga lang. I tried to look for his doctor to ask kung bakit parang ang bilis naman ata nyang madismiss and his doctor told me na request daw ni Nikko. Bumubuti na rin naman daw yung kondisyon nya kaya pinayagan na sya.

I called tita to confirm.

"sorry, hija, hindi mo pa ba alam? Sabi ni Tal sasabihan ka raw nya kaya hindi na kita tinawagan"

"ganun po ba? wala po syang nabanggit sa school kanina eh. Baka po nakalimutan nya lang"

"Well that girl's always with Nikko lately. Gusto na nga atang tumira sa hospital"

"parang ako lang din naman po yun"

"You are always welcome. Eh hindi pa nga kami nakakausap nung batang yun."

pinaliwanag ko naman na baka nahihiya lang si Tal. Then I called Tal para itanong sa kanya kung bakit hindi nya nasabi.

"Sorry, gusto ko naman talagang sabihin eh, but Nikko asked me not to. Sabi nya ayaw nya daw na nakikita kayong sweet ni Clarence"

"nagseselos sya?" tumawa naman si Tal.

"Of course not! Para lang daw kasi kayong may sariling mundo. Hindi naman daw nya kayo kilala" yeah, as if he knows you.

"sinabi nya yan?"

"oo. eh kasi sweet naman talaga kayong dalawa ni Clarence kaya hindi rin malabong mapansin yun ni Nikko diba? Lately nga pansin ko parang hindi kayo masyadong nag-uusap kaya--"

"Thanks, Tal. Yun lang naman yung gusto kong malaman bye" tapos binabaan ko na sya ng phone.

I called Clarence immediately after that. Parang ang yaman ko sa load no? Nah, I'm just furious.

"Can you pick me up at the hospital right now?"

"naospital ka? saan?"

"hindi no, nandito ako sa Makati Med, dadalaw sana ako kay Nikko kaso nakalabas na pala"

"oh right, hindi mo alam?"

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon