Simula

34.5K 827 91
                                    

SIMULA

CREEP'S POINT OF VIEW

"Creep! Creep!"

Naalimpungatan ako nang marinig ang sigaw na iyon ni Iko. Napangiti ako nang makita siyang maliksing tumatalon papunta sa akin.

"Creep, ganda araw! Ganda araw!"

Natawa ako nang sabihin niya iyon ng paulit-ulit. Binati ko siya pabalik saka nagsimulang mag-ayos para sa araw na ito.

Kinuha ko ang aking hoodie nang bumaba galing sa aking bahay sa itaas ng puno, o kilala bilang tree house.

Nagsimula akong maglakad papunta sa isang batis. Sinimulan kong hubarin ang lahat ng suot ko pagkalusong na pagkalusong. Komportable akong walang ibang makakakita rito sa akin na ganito maliban kay Iko.

"Iko!" sigaw ko sa kaniya. "Gusto mo ring maligo?"

Hindi siya sumagot bagkus ay pinahid niya ang kaniyang kamay sa mukha. Napangiti ako sa kaniyang responde.

Nagpatuloy ako sa pagligo hanggang matapos. Sa pagligo'y dala na rin nito ang paghuli ko ng isda para sa aking agahan hanggang sa hapunan.

Pagkatapos maligo'y sinuot ko ang aking malaking hoodie upang takpan ang katawan. Sinimulan kong labhan ang aking mga damit sa batis. Mabuti na lamang at walang tao rito sa gubat maliban sa 'kin.

Bumalik ako sa tree house nang matapos saka nagsimulang magbihis ng panibagong underwears. Iniluto ko na rin ang isdang nahuli para sa agahan. Nag-iwan ako ng iilang isda para sa pananghalian at hapunan.

Natapos ang buong araw ko sa paglibang ng aking sarili sa buong gubat at pakikipag-usap sa mga nakakasalamuha kasama si Iko. Natutuwa ako kahit ganito lamang ang ginagawa sa pang-araw-araw.

Umuwi ako pabalik sa aking tree house nang sumapit ang dilim. Nagsimula akong kumain ng hapunan pagkatapos magsimula ng bonfire sa ibaba nang aking bahay para sa kaunting liwanag-dagdag na rin ang liwanag ng buwan.

"Tulog na, Creep! Tulog na," ika ni Iko na nagpangiti sa akin. Tumango ako sa kaniya.

Akmang mahihiga na ako nang may makitang papel. Kinuha ko ito saka napagtantong isa itong magasin. Binasa ko ang unang pahina saka napalunok nang makita ang nasa litrato. It consist of five person. Mayroong limang tao ang narito. Biglang bumalik sa akin ang lahat. Ang dahilan kung bakit ako narito.

Napalingon ako kay Iko na nasa bintana at kinakausap ang mga kapwa niya unggoy. Oo, tama. Hindi isang tao si Iko, isa siyang hayop.

"Sa'n ka ba pupunta?" tanong sa akin ni mama nang makita akong may dalang gamit.

"Malaki ang inoffer sa 'kin, ma," saad ko para tuluyang na niya akong tigilan.

Ngunit inagaw niya ang bitbit kong maleta. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.

"I know na hindi lang 'yan ang rason mo," tanging nasabi niya nang tuluyan kong maagaw pabalik ang maleta. "Dahil ba binubully ka nila sa school? Ulit?"

"None of your business," sagot ko."Basta, ayaw ko na rito! I want to escape in this world."

She didn't stop me when I reached the gate and opened it. Lumingon ako sa kaniya for the last time. Umiwas ako ng tingin when I saw my little sister came out.

I swallowed when I felt my tears is going to release.

"She's here, doc", the staff said as she saw me coming to the laboratory.

Wages Of SinWhere stories live. Discover now