THIS IS PURE KIDNAPPING!

Nakatitig pa rin siya sa'kin, tawang-tawa. Dahil sa asar-talo na talaga ko ay binato ko siya ng unan, pero malas lang dahil ang pinto na ang tinamaan ko, ang bilis kasi niyang nakalabas ng kwarto.

Sira-ulo 'yon," bulong ko sa sarili. Kunot na kunot ang noo. Tumayo na ako at sinipat ang sarili sa malapit na salamin. "Fifteen! How do you let yourself see a guy with this miserable and messy state?" Ang mahabang buhok ko'y nakalugay - mundisaster, ang pajama...ang pajama ko tang - napapikit na lang ako, ang aga-aga pinapasakit ulo ko.

Bakit mukha akong babae?!

Teka nga - kailan pa ko na-conscious sa sarili ko para lang sa impresyon ng isang gunggong na lalaking 'yon? Mariin akong pumikit at pilit na pinakalma ang sarili.

Maliligo na lang ako para mabawasan ang init ng ulo ko.

SHINICHI

Paglabas ng kwarto niya ay hindi ko napigilang matawa ng malakas. This is far from what I expected, inakala ko ay susugurin niya ko ng sapak kanina nang sinabi kong wala rito ang kapatid niya, ngunit sa gulat ko ay pinangibabaw na lamang niya ang inis sa pamamagitan ng pagsigaw nang malakas.

She screamed like a Lady.

Dumiretso na ko ng kusina at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Magluto. Habang naghihiwa ako ng sibuyas kanina ay nagulat ako ng bigla niyang isigaw ang pangalan ng kapatid niya. Malamang sa malamang ay napagtanto na niya ang nangyari kagabi.

Hindi na ako magtataka na kahit kalahating oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya lumalabas. Pero ano na kayang nangyari sa kanya? Nagpatiwakal? Hindi. Nasa tamang wisyo pa naman si Fifteen para gawin iyon. Nagriritwal para sa ikasasama ng kalusugan ko? Hindi. Wala akong nakitang potensyal para magawa niya ang witchy activities na katulad no'n. Naliligo? Hmm. Napangiti ako ng malawak.

Nakahanda na ang kakainin namin.Hindi pa ba siya nagugutom? Baka naman nagmamatigas siya at wala talagang planong bumaba kahit ikamatay pa niya ang gutom. Hindi ko naman hahayaan iyon dahil nasa kustodiya ko siya. Pumanhik na lang ako sa taas. Kakatok na sana ako sa kwarto niya nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko

"Shinichi?" Hindi iyon tonong pagalit katulad sa engkwentro namin kanina lamang. Tinig na puno ng pakiusap ang naririnig ko. I sense that there's a problem at alam ko na kung ano ang eksaktong problema niya. Napangiti ako ng malawak. Naamoy ko ang shampoo niya. Lavender. Iyon talaga ang pinabili ko kay Manang Helen na shampoo, tinawagan ko si Natalia ng sobrang aga para lang tanungin kung ano ang shampoo na ginagamit ng ate niya. Pinabili ko 'yon agad at iniutos na ilagay sa banyo niya habang tulog pa siya.

"Shinichi?" muli niyang tawag sa'kin. Dito na ako nagdesisyong kumatok. Pinagbuksan niya ko agad pero kalahati lang, sapat na para makita ang nakadungaw niyang mukha, bahagyang natatakpan ang katawan niya ng pintuan. Basa ang buhok at nakatapis lamang ng tuwalya.

"Pahiram naman ng damit, o," pakiusap niya.

I grinned. She may sound boyish, but for me she's a lady and now I can say that she's undeniably hot as the droplets of water slowly running down on her face to her shoulders.

"Open the door wider first," malamig kong sabi para hindi halatang pinagti-tripan ko siya.

"Teka, pahiram muna ng damit mo," pagtanggi niya sa sinabi ko.

"Let me in."

"H-hindi nga - teka!"

Hindi na niya ko napigil dahil tinulak ko ng pabukas ang pinto. Tadah! Nandito na ko sa loob.

Fifteen GraceWhere stories live. Discover now