Chapter 17

1.6K 95 23
                                    


Roe's POV

Hindi ako makatulog ngayon dahil sa sobrang saya. Akalain n'yo iyon, si Laira, na kakikilala ko pa lang, binigyan ako ng iPhone! O, 'di ba, napakasosyal niya 'no?

Natutuwa naman ako kay Laira kasi hindi siya madamot. She shares all the blessings na mayroon siya. Napakaswerte ng mga magulang niya dahil siya ang naging anak nila. Masasabi kong maayos nila itong pinalaki.

Sa pagkakaalam ko kasi, karamihan sa mga mayayaman ay selfish, at namimili lang sila ng taong kakausapin pero si Laira, iba siya sa kanilang lahat.

I wonder kung bakit ang bait naman sa akin ni Laira, e kakililala pa lang namin 'di ba? Iyan ang katanungang gumugulo sa isip ko.

Sa mga napapanood kong soap opera, ang isang mayaman ay nakikipagclose lang sa isang mahirap kapag may kailangan ito rito. In my case, hindi naman siguro gano'n si Laira kasi, wala naman siyang kakailanganin sa akin kasi nasa kaniya na ang lahat ng kailangan niya.

"Hay, ano ba itong pinag-iisip ko? Mali ito mali!" wika ko sa sarili ko habang ginugulo pa ang buhok.

"Hoy Roe, magpatulog ka naman! Maaga pa tayo bukas! Kung hindi ka makatulog puwes, tumahimik ka na lang!" singhal ni Dianne na tila na naalimpungatan.

"Sorry, heto tatahimik na ako," turan ko sabay talukbong ng kumot.

---

"Good Morning!" Pagbati ko habang nag-iinat pa.

"Hala, nasaan na si Dianne? Ang aga yata niyang gumising ngayon? Anong oras na ba?" tanong ko sa aking sarili sabay kuha sa aking alarm clock na nasa gilid.

"Syaks! Late na ako!" Sigaw ko at nagmadali akong gawin ang aking morning rituals at agad na pumasok sa trabaho.

Nakahihiya kay Manang Celia talaga. Masyado akong nag-isip ng kung ano-ano kagabi kaya napuyat ako. Nang makarating ako sa canteen, balak ko talagang mag-sorry kay Manang dahil sa pagkukulang ko.

"Pasensya na po Manang Celia at na-late ako. Paumanhin po talaga..." wika ko habang nagmamakaawa sa kaniya. At higit pa doon, nakadaop ang mga palad ko.

"Naku Roe, okay lang iyon. Ayusin mo na sarili mo para makapagtrabaho ka na, saka na-late rin ako ng gising kaya kabubukas lang din nitong canteen kani-kanina," pahayag ni Manang Celia na tila nanloloko na nantutuya gano'n.

Nagpaka-busy na ako dahil ang daming costumer kaya wala akong time para magpahinga. Kailangan kong kumayod at magbanat ng buto para may pangtustos kami.

After ng shift ko ay pinalitan na ako ni Tina at dumiretso na ako kaagad sa school.

Pagsakay ko ng jeep ay agad akong nakatanggap ng text.

From: Laira

Roe, papasok ka na ba? Pasensiya na sa abala, sige kita na lang tayo sa school! Ingat!

Napangiti naman ako sa tinext ni Laira. Magrereply na sana ako kaso biglang...

"Hold-up ito! Huwag kayong gagalaw kung ayaw ninyong masaktan!" Sigaw no'ng Mamang malapit sa driver ng sinasakyan kong jeep.

Wala ni-isa sa amin ang gumagalaw dahil may dalang patalim 'yung Mamang Holdaper. Apat sila kaya lahat ng pasahero ay takot na takot.

Mayroon palang nanghohold-up kahit na hapon pa lang? 'Di ba dapat gabi? Ano ito? Joke?

"Oy babaeng naka-pink!" wika no'ng Mamang nasa tapat ko.

"Ako?" tanong ko sabay turo sa aking sarili. Syempre, kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakali mang ambangan niya ako ng kutsilyo.

"Oo ikaw nga! Sino pa bang naka-pink na babae rito? Ikaw lang naman 'di ba? Alangan naman 'yung katabi mo? Babae ba siya?" Pamimilosopong tanong no'ng holdaper.

Ay oo nga 'no? Hindi pala siya babae kundi may pusong babae. Hay, wait ako nga? Syaks!

Ngayon lang nag-sink-in na totoo nga itong holdapan na nangyayari kaya patay! Ano gagawin ko ngayon? Ano kailangan nila sa akin?

"Kuyang holdaper huwag po ako! Bata pa po ako! Marami pa akong pangarap na malapit ko ng makamit at maabot kaya po please! Huwag ako!" Pagdadrama ko sa holdaper na nasa tapat ko habang nakatutok pa rin ang kutsilyo sa harap ko.

"Kailangan ka namin! Sumama ka sa amin! Kung ayaw mong madamay 'yung ibang pasahero dito, i-sacrifice mo 'yung sarili mo para sa ikabubuti ng lahat!" anas no'ng Mamang holdaper na tuwang-tuwa sa kaligayahan.

Hala! Bakit ako pa? Napakasama ko ba para maparusahan ng ganito? Am I willing to sacrifice myself? Syaks naman!

"Miss, sige na please! Sumama ka na sa kanila!" Pagmamakaawa no'ng mga pasahero.

"Mga Kuya! Kung ayaw ni Ateng sumama sa inyo, puwede bang ako na lang? I'm willing to sacrifice myself para sa ikabubuti ng lahat!" pag-aako no'ng katabi kong bading.

Aba, willing talaga siya? Crush niya siguro 'yung holdaper na guwapo malapit sa dulo. Tinamaan ng lintik ang gaga.

"Tumigil ka nga! Baka gusto mong mauna na sa langit? Sabihin mo lang!" giit ni Kuyang holdaper.

"Ay joke lang po! Sasama na sa inyo si Ate," saad no'ng bading na katabi ko.

Nagtiyempo naman na may nadaanan kaming pulis kaya sumigaw ako nang pagkalakas-lakas para makahingi ng tulong.

"Tulong! Tulong! Nahold-up kami! Tulong!" Sigaw ko at narinig naman kami ng pulis kaya agad siyang kumilos.

"Bwisit kang babae ka! Tara na mga pare! Umiskapo na tayo!" turan ng lalaki sa may tabi no'ng driver.

Itinabi naman ng driver 'yung jeep at dali-daling tumakas 'yung mga holdaper kaya naman ligtas na kami. Halos lahat kaming pasahero ay nakahinga na nang maluwag.

Napatingin ako sa aking orasan at it's already 2pm! Patay na naman ako nito! I'm doom!

Nakarating ako sa classroom namin ng 2:15pm. Nandito ako ngayon sa may pintuan ng classroom ko at kinakabahan dahil late na naman ako.

Tinangka ko nang kumatok dahil no chopice pa rin talaga.

Biglang bumukas ang pinto ng aming classroom at...

---

Word of God

God is a rewarder of those who diligently seek Him.

-Hebrews 11:6

Because God is great, He will be sought; because God is good, He will be found.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 16, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Paper RosesOnde histórias criam vida. Descubra agora