Chapter 14

715 88 20
                                    

Laira's POV

Nagpabili ako kay Dad ng iPhone para ibigay kay Roe. Surprise gift ko ito sa kaniya dahil nakita kong luma na 'yung cellphone na ginagamit niya. I want to know Roe more dahil gusto ko siyang maging best friend although marami akong kaibigan pero wala akong makita sa kanila na maaari kong maging best friend at ang katangiang hinahanap ko para maging best friend ko ay natagpuan ko lamang kay Roe.

Naikuwento ko nga kina Mom and Dad at sa mga kapatid ko na kaya ako nagpabili ng iPhone ay para ibigay sa kaibigan ko.

---

Habang kumakain kami sa hapag-kainan ay bigla kaming nagkakuwentuhan.

Kahit busy ang parents ko sa kanilang trabaho ay hindi nila hinahayaang hindi kami sabay-sabay kumain ng hapunan ganoon sila at hindi nila kami pinapabayaan. Busog kami sa pangaral at pinalaki kaming hindi mapagmataas.

Mayroon akong kapatid, si Kuya Rum, malapit na siyang ikasal sa taong minamahal niya kaya we're happy for him. At si Ate Pia na kasalukuyang nasa stage ng pagmomove-on dahil niloko ng kanyang boyfriend. Kaya nga ako ay pinagsasabihan nina Mom and Dad na ipakilala ko muna sa kanila 'yung taong nanliligaw sa akin para makilatis nila kung nararapat ba o hindi.

Kung hindi niyo naitatanong kung bakit ang mga pangalan namin ay parang hango sa mga musical instrument ay dahil mahilig sina Mom and Dad na tumugtog. Ang pangalan ni Kuya na Rum ay hango sa musical instrument na DRUM, si Ate na Pia ay hango naman sa musical instrument na PIANO at ang pangalan ko na Laira ay hango sa musical instrument na Lyre. Oh 'di ba amazing?

"O, anak heto na 'yung pinabili mong iPhone," bungad ni Dad at iniabot sa akin 'yung paper bag.

"Salamat Dad! Mabuti naman at ibinigay mo 'yung gusto ko," sambit ko sabay subo sa aking kinakain.

"Laira, bakit ka nga pala nagpabili ng bagong cellphone e 'di ba bago magpasukan ay binili ka namin ng Dad mo ng bagong cellphone? Nasira na ba 'yung cellphone mo kaagad?" tanong ni Mom matapos uminom sa juice.

"Ay Mom 'yung cellphone po kasing pinabili ko kay Dad ay hindi para sa akin kundi para sa new friend ko," ani ko.

"E 'di ba mayayaman naman 'yung mga nag-aaral sa school n'yo? E bakit mo pa siya bibigyan ng cellphone e afford din naman niyang bumili ng ganiyan?" mapang-usisang tanong naman ni Ate Pia.

"E kasi Ate, oo mayayaman 'yung mga kaklase ko at alam kong kilala mo silang lahat pero may new classmate ako. At dahil magaan ang loob ko sa kaniya ay bibigyan ko siya ng regalo," masayang tugon ko kay Ate.

"Aba, ngayon lang kayo nagkaroon ng bagong kaklase, a. Mag-ingat ka riyan at baka isa pa iyang plastik at ginagamit ka lang," saad niya.

"Hay Ate, napakaano mo naman! Mabait si Roe! Kaya ko siya bibigyan ng cellphone dahil nakita kong luma na 'yung cellphone niya at old model pa 'yung unit kaya alam kong matutuwa siya kapag sinurprise ko siya," giit ko. Nakakabanas si Ate, napakakontrabida talaga. Sabagay, bitter pagbigyan na.

"Mahirap pala 'yung kaibigan mo? Be alert Laira, baka niloloko ka lang niyan at isa pala iyang kawatan," dugtong ni Ate na hindi mo maipinta 'yung mukha. E paanong hindi mababanas iyan dahil 'yung ex niya ay mahirap din tapos ginamit lang pala siya kaya siya nagkakaganiyan ngayon. Ihalintulad daw ba si Roe sa ex niya.

"Tumigil na nga kayo riyan, para kayong mga bata," singit ni Kuya Rum.

"Girls, nasa harap tayo ng pagkain kaya huwag mag-away," saad ni Dad kaya wala kaming nagawa kundi ipagpatuloy na lang ang aming pagkain.

Paper RosesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt