CHAPTER XXXIII - She's in Danger!

Magsimula sa umpisa
                                    

And… sent!

** A Litlle bit fast forward**

Walong minuto na ang lumipas simula nung matext ko si Yuri kanina. Oo, tama nga kayo..alam na alam ko talaga kung ilang minuto na ang nakalipas kasi naman tutok na tutok ako rito sa wrist watch ko oh. Halos hindi na nga ako nakikinig sa mga sinasabi ng teacher ko eh. Nag-aalala na ako kay Yuri. Hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na kahit isang text reply mula sa kanya.

Lumingon ako dun kay Ren, at aba naman ang loko oh lakas ng tama! busy pa siyang magsoundtrip nang naka-earphone naman kahit andito na teacher namin. Wala talagang galang. Sayang ang kagwapuhan neto oh. -_- err,

tinalikuran ko na lang siya. Tatanungin ko pa sana sa kanya kung nasaan na si Yuri at bakit hindi sila sabay na bumalik sa room.

Muli ko na naman siyang  tinext at halos pina-flood ko na nga siya eh. di lang yun panay din ang pagtawag  ko sa kanya nang patago nga lang kasi nga andito yung teacher namin, mamaya niyan baka mahuli pa niya ako at iconfiscate pa phone ko. Sayang naman.

Errr, bakit ba hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Issshh,isa pa nga.

**REN’s POV**

Woah, busog na busog talaga ako ngayon. Salamat dun sa pagkain ni engot. Ngayon ko lang nalaman, kahit papano may alam din pala siyang gawin. HAHAHA,  

ang sarap nung mga niluto niya kanina. Yun nga lang di ko alam kung ano ang mga yun. Korean dish kasi eh. At kahit pa medyo high blood na ko kanina dun sa chopsticks na yun eh nag-enjoy rin naman ako kahit papaano.

Aamnin ko na sa inyo, natuwa ako dun sa ginawa niya. Pinaghanda niya ako ng lunch at muntik pa niya akong subuan.HAHAHA. siguro yun na ang lunch na pinakana-enjoy ko sa tanang buhay ko.

Pag naglulunch kasi kaming tatlo nina Raven sa school lagi lang kami sa cafeteria. Sa totoo lang sawa na ako dun mag-lunch at sawa na rin ako sa mga pagkaing ibinebenta dun. Kaya naman nung nakita ko yung luto ni Yuri kanina talagang naexcite akong tikman ang mga yun. Di kasi pamilyarado sa akin ang mga potaheng yun. At saka isa pa, ang ganda nung ambiance ng lugar na pinagkainan namin kanina. Kaya nga para sa akin yun na ang lunch na pinakana-enjoy ko. At salamat kay engot! Kahit pa ang kulit niya kanina. Tanong kasi ng tanog eh. -_-

Pero teka nga, kanina pa ko dada ng dada dito. Asan na ba ang engot na yun? Kanina pa nag-ring ang bell huh,bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?

Haisst, nakakainis na engot yun oh. What a bothersome!  -_- 

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon