Ika-27 Kabanata ( Unang parte )

Start from the beginning
                                    

Hindi maaari!

" Inay! Itay! "

" Hadria! "

" Kuya Ulric! "

Sigaw nila ang narinig ko kaya mabilis akong nagtungo doon. Paghawi ko sa malaking dahon ay napabitaw ako sa hawak ko at napatakip sa bibig ko.

Sino ang gumawa nito?

" Mga kapatid ko nandito na si Kuya Vashit. Gumising kayo! May binili ako para sa inyo "

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa mga nakikita ko. Naramdaman ko na lang na may pumapatak na mainit sa aking mga mata. Tila dinudurog ako sa mga nakikita ko.

" Hadria.... Gumising ka... Huwag mo akong iwan.. 'di ba nangako ka pa kay Kuya na magsasanay tayo sa tabi ng ilog pagbalik ko "

Hindi ko kayang tingnan ang mga nasa paligid ko kaya napayuko na lang ako pero pati ang inaapakan ko ay may bahid ng dugo.

" K-kuya Ulric..t-tingnan mo nabili kong mga librong.. g-gusto mong basahin. Kuya! Kuya! A-yaw kong mag-isa! I-ikaw lang ang m-meron ako. K-kuya! "

Gusto kong takpan ang tenga ko sa naririnig kong pag-iyak nila. Wala akong magawa. Hindi ko alam kung paano sila patatahanin dahil ako mismo ay naramdaman kong nawalan ng mahal sa buhay.

" I-ikaw ang may kasalanan nito! " napatingin ako kay Vashit na nakatingin sa akin habang nasa kanyang mga bisig ang kapatid nyang wala ng buhay.

Ako ba?

" K-kung sana hindi ka ipinanganak!... h-hindi kami madadamay sa galit ng mga c-cuncilum! "

Kita ko ang galit, lungkot at paghati sa mga mata nya.

" Patawad " iyon na lang ang tangi kong nasambit.

Kung hindi sana ako ipinanganak o tumakas ng gabing iyon ay hindi mangyayari ito. Siguro tama sya na....ako ang lahat ng puno't dulo ng gulong ito.

" P-patawad "

Kung sana hindi na ako nag-aya pang mamili kami ay mapapaaga kami ng punta dito at napigilan namin silang patayin ang lahat ng mga kalahi namin.

" P-patawarin nyo ako "

Ang raming buhay ang nawala ng dahil sa akin. Ako ang pumatay sa kanila. Ako ang may kasalanan kung bakit sila nawalan ng mahal sa buhay.

Pakkk!

Napatingin ako sa narinig kong malakas na sampal. Nakita ko si Odette sa harap ni Vashit na tumutulo rin ang mga luha.

" Hindi ka dapat magsalita ng ganyan sa pinuno natin " pagtatanggol nya kasabay ang pagngiti nya sa akin.

Bakit ba kailangan kong makita ang ganitong senaryo habang nabubuhay ako?

Ang sakit sakit na...

" K-uya.... A-allaode " napatingin ako sa bahay nila Sage at nakita ko ang bunso nyang kapatid na may hawak na maskara na nababahidan ng mga dugo.

Mabilis akong tumungo sa kanya. Nasalo ko sya bago sya tumumba sa lupa. Ipinatakong ko sya sa mga hita ko.

" K-kuya.. " ngiti nya sa akin na mas lalong ikinadurog ng puso ko.

" P-papagalingin ka namin " sambit ko .

" N-nakita..k-ko si...K-kuya Sage " saad nya kaya niyakap ko sya.

Huwag naman pati sya. Ipinangako ko noon kay Sage na poprotektahan ko ang pamilya nya. Huwag sya...

" S-sabi nya....a-aalis kami pa..puntang malayo " iniharap ko sya sa akin.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now