Chapter 6

215 4 0
                                    

Dumeretso si Gretel pagkabili ng mga prutas sa malaking ospital sa Cebu. Dinala na niya lahat ng gamit niya doon. Sinalubong siya ng ama nito at ayon dito ay madaming nawalang dugo kay Xander kaya kailangang salinan. Hindi naman daw delikado ang mga natamo nito kaya makakalabas na din daw ito sa isang linggo.

Humingi din ng pabor ang ama nito sa kanya kung pwede na siya muna ang makasama ng anak habang nasa trabaho ito dahil walang ibang magbabantay dito. Pumayag naman siya.

Pumasok na siya sa loob at inayos ang prutas sa lamesa.

“Hmm..”rinig niyang angal ni Xander. Nang tignan niya ito ay wala pa ding malay ang binata.

Napabuntong hininga si Gretel saka umupo malapit sa kama ni Xander at nagpangalumbaba.Tinitigan niya ang binata. Hindi pa din nawala dito ang kakisigan nito. Kahit may mga sugat ito sa mukha ay hindi din nawala ang kagwapuhang taglay nito.

Tinignan niya ng maigi ang mukha nito. Hinawakan niya ang pisngi nito at kinurot. Napangiti siya.

“Ang cute!”sambit niya.

“Puwede ng ulam kahit walang kanin. Busog na.” Naisip niya habang pinagmamasdan ang binata. “Bad girl! Bad girl!” Saway niya sa sarili.

“Alam mo baka matunaw ako sa ginagawa mo.”biglang salita nito. Hindi niya namalayang nahampas niya ito sa balikat. “Aray!”

“Kailan ka pang gising?”sigaw niya. Nagtakip naman ito ng tenga.

“Simula ng hawakan mo ang mukha ko.”sagot nito sa kanya.

“Si Coco Martin ka ba?”biglang banat ni Xander sa kanya. Nagkunot noo siya pero sinakyan na lang niya ito. “Bakit?”

“Mukha kasing kanina mo pa gustong sabihin sa akin na—Yummy!”natatawang sabi nito.

“Nakakatawa! Asa ka naman. Kapal ng mukha mo.”sagot niya.

“Ouch ha.Bakit ka nga pala nandito?”tanong nito.

“Nandito ako para sabihan ka. Sa susunod kasi magiingat ka na. Hindi ko alam kung bakit ka nila ginanyan pero hindi tama iyon! Paano kung namatay ka ha? Alam mo bang nakita kita sa tapat ng isang kilalang kumpanya dito sa Cebu na wala ng buhay? Paano kung sa ibang lugar ka nila tinapon ha? Paano ka namin hahanapin? Naisip mo ba iyon ha? Alam mo bang nagalala kaming lahat sayo? Ano bang nangyari?Sinong gumawa niyan sayo?”mabilis niyang sinabi. Tumulo ang mga luha niya pagkasabi noon. “May gusto ka bang kainin? Tatawagan ko na ba ang pamilya mo? Ano?”

“Hep hep. Easy ka lang. Ikaw ba talaga si Gretel? Bilis mo na magsalita ah.Anong tanong ang uunahin ko sa sinabi mo ha?”sagot nito sa kanya.

“Ewan ko sayo.Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako. Nagaalala ako sayo.Mas mabuti pa tawagin ko na ang doktor mo—.”sabi niya.

Bigla itong umupo at inalalayan niya. “Huwag, dito ka lang.Huwag mo akong iwan.”

“Okay na ako. Huwag ka ng mag-alala.Salamat sa pagdalaw ha.”saad niya. “Bakit ka nga pala nandito sa Cebu? Mukhang stalker kita ah.Type mo na ako noh?”

Sinusubukan nitong pagaanin ang nararamdaman niya.

“Pinapaalis mo na ba ako? Well. Sorry hindi ako aalis. Inutusan ako ng dad mo na ako ang magbabantay sayo habang nasa ospital ka. Dito na din muna ako matutulog kapag gabi. May mga guards din tayo sa labas para sa protection mo. Nandito na din lahat ng gamit ko.”sagot nito. “Also, nandito ako a Cebu hindi dahil sayo. Sa tingin mo ba malalaman kong dito ka itatapon ng kung sinumang demonyong gumawa niyan sayo ha? Nandito ako para sa shooting ng libro ko!”

“Nice. Pero kaya ko na ang sarili ko. Relax ka lang parang hindi ka na nahinga kapag nagsasalita.”saad lang nito.

“Ikaw kasi. Kasalanan mo.”saad niya.

My Accidental LoveWhere stories live. Discover now