Chapter 10

239 8 0
                                    

“There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment.” 

― Sarah Dessen, The Truth About Forever

Hindi pa rin lumilipas ang sakit ng pag baliwala sa kanya ni Xander. Ilang buwan din niya itong sinubukan hanapin pero hindi niya ito nakita. Wala na din siyang balita tungko sa binata.Wala na siyang ibang ginawa kundi magtrabaho at gumawa ng mga bagong istorya at pang TV Commercial (TVC) niya.

“Minsan kailangan nating iwan ang nakaraan para mas magaan ang pakiramdam sa hinaharap.”saad ng kuya Hansel niya.

Ngumiti siya ng tipid sa kapatid saka sumakay sa kanyang kotse. “Magiging handa din ako.” Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan. “Bye!”

Papunta si Gretel sa isang resort. Habang nagmamaneho ay biglang may tumawid na lalaki sa harapan niya kaya napapreno siya ng di oras.

“Argh! Ano ba magpapakamatay ka ba?”sigaw niya sa lalaki. Tinignan lang siya nito ng masama.

“Hoy bata huwag mo nga akong tignan ng masama!”sabi niya. Biglang tumakbo ang batang lalaki palayo sa kanya. Muli siyang nagmaneho.

Nasa may palikong daan na siya ng biglang may mabilis na sasakyan ang nakasalubong niya. Sa pangalawang pagkakataon ay napapreno siya ng malakas kaya humampas ang katawan niya sa manibela.

Hindi naman nagkaroon ng kahit isang gasgas ang kotse niya at ang kotse sa tapat niya. Napahawak siya sa kanyang ulo na nagkaroon ng sugat na nagdulot ng pagdudugo.Bumaba siya para tignan ang nangyari.

“Mabuti naman at wala naman nasaktan.”sambit niya. Bumaba din ang driver ng kotse. Naka all white ito at mukhang nagmamadali. “Sorry miss nagmamadali lang kami.Dadalhin ka namin sa ospital. Pasensya ka na, Ikakasal na kasi ako at baka hindi ako umabot sa oras ng kasal.” Saad nito.

“Sige umalis na kayo. Wala namang masamang nangyari. Congratulations.”sabi niya. Tumango lang ito at nagpasalamat saka muling sumakay sa sasakyan nito.

Pinanood niyang makalayo ang sasakyan saka muling bumalik sa kanyang kotse. Pinahid niya ang dugong tumutulo mula sa ulo niya at nilagyan ito ng band-aid na lagi niyang dala-dala.

“Xander kung may surprise ka sa akin. Pwede ba? Huwag mo ng patagalin. Kung magpaparamdam ka gamit ang mga aksidenteng nangyari sa atin dati, stop it. It’s not funny.Bakit ka ba nagpaparamdam sa akin ng bigla bigla?” Hirap mong kalimutan, saad ni niya.

Mag-isang nagtungo si Gretel sa isang resort dala ang bago niyang biling sasakyan na Hennesey Venom GT mula pa United Kingdom. Pinagalitan na naman siya ng kuya Hansel niya ng makita nitong halos magdikit na sila ng katawan ni Kent sa isang bar. Uni-uwi agad siya ng dalawa at pinagleave ng isang linggo.

Pinapunta siya sa isang resort na balak bilhin ni Hans. Gusto nitong siya ang tumingin kung maganda at maayos ang pwesto. Sa tingin niya, sinabi lang iyon ng kapatid para mapalayo kay Kent.Mula kasi ng maghiwalay sila ni Kent ay ayaw na ng mga ito sa binata.

Naglakad-lakad  pa si Gretel sa bagong tayong resort.Pinagmasdan niya ang magandang sunrise na kitang kita mula sa kinatatayuan niya.Iniisip niya si Xander. Nasaan na kaya ito?

“Miss Gretel?”tanong ng isang lalaking lumapit sa kanya. May kasama pa itong ilang lalaki. Bigla siyang kinabahan. Parang nangyari na ito dati.

“Ako nga po.”sagot niya. Biglang may lalaking pumunta sa likuran niya at tinakpan ang kanyang buong mukha. May amoy ang panyo na agad nagpatulog sa kanya.

Nang magising siya ay nasa isang kwarto na siya. Sa tabi ng kama ay puro petals ng rosas. Kitang-kita ang labas mula sa kanyang hinihigaan.

Naglalakad-lakad si Xander sa resort na kanyang binili. Hinihintay niya pa ang tawag ng magkapatid na Hansel at Hans tungkol kay Gretel.

My Accidental LoveWhere stories live. Discover now