Chapter 1

472 11 1
                                    

Tahimik lang na nagbabasa ng libro sa kanyang silid si Gretel. Mahilig siyang magbasa ng mga nobela mapatagalog man o mapa-ingles ang sulat.

“Grabe! Ang sweet naman nito. Kung ako lang ang bidang babae sasagutin ko agad ito para hindi na mahaba ang kwento.”saad niya habang binabasa ang huling pahina ng librong kanyang binabasa.

Pang-limang libro na niya iyon na nabasa sa araw na ito.Kahit hindi matatawag na romantic ang ilang nobelang binasa niya ay gusto parin niya ito.Nagsimula siyang magbasa noong bata pa ng mga libro mula ng turuan siya magbasa ng ama.

Pangalawang anak siya ng pamilyang Cruz.Ang kanyang panganay na kapatid ang naging ama’t ina nila mula ng mamatay sa aksidente ang kanilang mga magulang. Naihaon naman ng kuya nila ang negosyo ng kanilang pamilya na lumalago na bawat taon kaya napag-aral sila sa pampribadong paaralan.

Sa kasalukuyan ay nakapagtapos na siya ng pag-aaral at ngayon ay nagtatrabaho sa isang publishing company bilang editor-in-chief. Bukas pa siya papasok sa kanyang trabaho pagkatapos niyang humingi ng bakasyon pagkatapos ng kasal ng kanyang bunsong kapatid. Tumira muna siya sa bahay ng kanyang kuya habang binibilang ang mga araw ng kanyang isang buwang bakasyon.

Napaupo siya ng matapos na niya ang binabasa, “Ano kayang itsura ng soulmate ko? Kahit simple okay na iyon basta mahal ako. Pero sana katulad siya ni dad. At sana totoo siya”

Hindi naman sa wala siyang love life pero hindi pa siya sigurado sa lalaking nagugustuhan niya.

“Gretel!Hurry up and come down! Please! I need you here!”sigaw ng kanyang kuya mula sa labas ng kanyang kwarto. Dali-dali naman siyang tumayo at lumabas ng kanyang kwarto.

“Ano iyon kuya Hansel? May iuutos ka?”tanong niya.

Inutusan siya nitong mamili ng mga coffee bean sa palengke ng maubusan sila ng kapeng ibebenta sa isang branch ng coffee shop nila malapit sa kanilang bahay. Dumeretso na siya sa palengke pagkakuha ng perang pambibili niya.

Bago siya bumili ay nakipagkita pa siya kay Kent, ang kanyang boyfriend sa nakalipas na dalawang taon.

“It’s not working anymore.Sa tingin ko dapat na muna tayong mag cool-off.”saad nito sa kanya.

“Seryoso ka ba? Baka nasabi mo lang iyan kasi lahat ng kapatid ko kasal na tapos ako hindi pa. Ni hindi mo kasi ako inaalok.”saad niya na napilitang tumawa para magmukhang biro ang sinabi nito sa kanya.

“I’m serious.This relationship is not working.Alam mo namang pinilit ko di ba? Pinilit kong ayusin ang relasyon natin kahit wala ng pag-asa.”saad nito.

“Subukan ulit natin. Please Kent, hindi ko kakayanin.”sabi niya. Hinwakan niya ang kamay ni Kent pero binitwan nito iyon at tumayo.

“I’m sorry. Hindi ko na kaya. Besides, cool off lang naman ang hinihingi ko Gretel. Malay natin kung mag work ito. You can date someone you want and vice versa.I have to go.Bye.”paalam nito saka siya iniwan mag-isa sa loob ng isang karinderya sa palenke.

They have been going out for two years at naging okay naman ang lahat. Mabait si Kent at gwapo. Isa din itong doktor sa Medical City. Nanghihinayang siya sa pinagsamahan nila at masakit sa kanya na ito ang nakipaghiwalay sa kanya. Una pa naman niya itong naging boyfriend at akala niya ay ito na din ang huli.

Tumayo na siya at namili ng ilang naka-plastic na coffee beans.

“Hija, napakabata mo pa lang pero inuutusan ka na ng magulang mo. Napakaswerte naman nila sayo.”saad ng tindero sa kanya pagkabayad niya sa kanyang mga pinamili.

“25 years old na ako manong at hindi na ako bata.”sagot na lang niya saka lumabas ng tindahan nito.

Sa edad niyang ito ay napagkakamalan pa din siyang bata dahil sa kanyang tangkad na hindi lumagpas sa 5’ feet at mukha din siya bata hindi katulad ng mga kapatid niyang lalaki na halos lagpas 6’ feet ang tangkad.

My Accidental LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon