Song 1

37 2 0
                                    

Patch Quiwa Lyrics

"SIMULA PA NUNG UNA"

Simula palang nung una hindi na maintindihan nararamdaman
Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan
Tanggap ko yun nuon, kampante na ganun nalang
Sapat na na kasama kita kahit hanggang dun nalang

Hindi nalang ako lalapit
'Di nalang titingin
Para hindi na rin mahulog pa
Sayo'ng mga mata

Siguro nga napamahal na ako sayo, oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Pero alam ko rin naman
Hanggang dito nalang
Lilimutin ang damdamin
Isisigaw nalang sa hangin
Mahal kita...

Sinubukan ko naman na pigilang ang nararamdaman
Kahit mahirap lumayo at umiwas sayo
Pano ba naman
Isang ngiti, isang tingin, kahit boses mo na ring
Nakakatunaw
'Wag ng pansinin
Delikado na, delikado na


Siguro nga napamahal na ako sayo, oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Pero alam ko rin naman
Hanggang dito nalang
Lilimutin ang damdamin
Isisigaw nalang sa hangin
Mahal kita...

Nakatingin mula sa malayo
Tanggap ko nga ba 'to?
Sapat na nga ba 'to?

Pero ikaw na ang lumapit
Nasa akin ang tingin
Hinawakan ang aking kamay
At sabay sabing

Siguro nga napamahal nako sayo, oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Sinubukan ko naman
Na pigilan nalang
Pero ikaw ang gusto ko
Isisigaw ko sa mundo
Mahal kita...

Simula pa nung una.

-

-----------------
A/N's: Well this song is actually one of my favorite tagalog song, kaya yan yung una kong inilagay relate kasi ako, palihim na umiibig di makayanang umamin sa crush kong 3 years, STAY STRONG ako. HAHAHAHAHA! Well sa nakakaalam at nakakarelate din Apir tayo! Para sa petmalu nating pag-ibig.. HAHAHA so yun. LEAVE YOUR COMMENT and DON'T FORGET TO VOTE. Thank you<3

L Y R I C S   2017Where stories live. Discover now