28// Unveiling

743 13 0
                                    

TWENTY EIGHT [UNVEILING]

Crystal's Point of View:

Medyo terror ang Business Finance Teacher namin kaya hindi ko magawang magpaalam. Minsan kasi kapag-hindi perfect timing ang approach mo sa kanya ay mababara ka. Pero dahil hindi ko na talaga mapigilan at ihing-ihi na ako ay nagpaalam na muna ako sa kalagitnaan ng discussion.

Nagtaas ako ng kamay at napahinto siya sa pagsasalita. "May I go out, sir!" Hindi ko na hinayaan na makapagsalita siya at mabilis na akong tumayo at tumakbo sa pinakamalapiy na CR.

Nang makalabas ako ng CR ay napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Aliyah. It's been a long time. Nagtataka man ako dahil hindi naman dito ang building nila pero napadpad siya dito.

At mas ikinagulat ko ang pagngiti niya sa akin. She flipped her hair at saka nagsalita nang nasa tapat ko na siya. "How are you, Crystal?" I don't know. Pero parang may naramdaman ako sa boses niya. Something's strange. Parang bigla akong kinilabutan.

Nginitian ko lang din siya, umarte na parang wala lang. "Okay naman. How about you? Ang tagal din nating hindi nagkita."

"Ahm. I'm better than before. Oh!" Biglang nag-excite ang mukha niya. "Kamusta nga pala kayo ni Kasper? Sinagot mo na siya?" Napakunot naman ang noo ko. Why did she suddenly asked about I and Kasper?

Malamang mahal niya si Kasper.

"Hindi pa kami. Pero sasagutin ko rin siya. Malapit na." Pinagdiinan ko talaga ang salitang malapit na. Para ipamukha sa kanya na dapat na niyang tigilan ang pag-asam kay Kasper.

I thought, mag-iiba ang mood niya o kaya aawayin niya ako. Akala ko makikipgprangkahan na naman siya sa akin pero nagulat ako nang lumapit siya at hinawi ang buhok ko. Ewan ko ba pero biglang nagtaasan ang balahibo ko.

"Sa oras na sinagot mo na siya, sigurado akong maraming matutuwa." Sa tono ng pananalita niyang 'yon ay parang may ibig siyang sabihin.

Napakunot naman ang noo ko. "Ofcourse. Marami talagang matutuwa."

Mas tumindig ang balahibo ko sa sunod niya sinabi. "At isa ako sa mga matutuwa sa oras na sinagot mo na siya." And then, namalayan ko na lang na wala na siya sa harap ko at naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin.

What does she mean about that? Na isa siya sa matutuwa kapag sinagot ko na si Kasper?

I sigh. Siguro tinanggap na niya ang katotohanan at magiging masaya siya para samin ni Kasper.

Oo nga. Baka ganoon nga 'yon. Magiging masaya siya para sa amin ni Kasper.

***

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Kasper papuntang parking lot. Medyo malamig ang panahon ngayon dahil nasa kalagitnaan na ng December. Nagpaparamdam na si Hanging Amihan. Malapit na rin ang christmas break. And I'm planning na sagutin si Kasper at huling araw ng pasukan nitong December. That would be my advance gift for him on Christmas-my sweetest "yes".

Mula sa Acacia'ng puno sa bago gate ng parking lot ay natanaw ko ang isang lalaking nakasandal doon. It's Silver. Sigurado akong kukulitin na naman niya ako. I-insist na naman niya na siya na ang maghatid sa akin.

Kasper suddenly hold my hand. I feel the warmth of his hand na talaga namang ramdam na ramdam kong ayaw na ayaw niya akong mapunta sa iba.

"Can you talk to me?" Ani Silver nang nasa harap na namin siya. "Just atleast for 10 minutes. I have to say something." Nagulat ako nang bigla na lang lumungkot ang boses niya.

Mas hinigpitan naman ni Kasper ang hawak sa kamay ko like he was saying that I must refuse Silver's favor.

"Ok?" Hindi ko sure na sagot. Para kasing naramdaman kong may seryoso talaga siyang sasabihin.

That Hot Handsome NerdOnde as histórias ganham vida. Descobre agora