Chapter 1

41 2 3
                                    

Kristine's POV

Ang unang araw na ata ng klase ang pinakaboring na araw ng pasukan. Kung saan walang hanggang 'introduce yourself' sa buong klase. Wala pang tinuturo ang mga teachers. May freedom na gumala ang mga students sa buong campus, usually sa mga newbies and transferees para malibot nila ang buong unibersidad.

Pero hindi para sakin...

Umuwi na sya...

Bumalik na sya...

Binalikan na nya ako...

Ang promise nya...

Ang promise namin sa isa't isa...

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

Sobrang tuwa...sobrang tuwa na akala mo ay sasabog na ang Puso ko pero sobrang kaba rin...sobrang kaba na baka hindi na nya ako kilala, na baka iba ang rason nya para bumalik at iba pang mga dahilan na pilit kong pinapalis sa aking isipan.

Think positive Kris...

Nakayuko akong naglalakad sa hallway, papuntang cafeteria, nang may marinig akong mga bulungan sa mga estudyanteng aking nakakasabay na maglakad sa hallway.

Kumalat na ang balita. Totoo nga. Bumalik na nga talaga sya.

Mas binilisan kong maglakad papuntang cafeteria, kanina pa kasi kumukulo ang kalamnan ko. Dahil sa pagmamadali ay may nakabunggo ako.

Lagot, katapusan ko na ata.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko... Sa kaba... At sa tuwa. Sa kaba na baka may gawin syang masama sakin... At tuwa dahil ang lapit namin sa isa't isa.

"S-s-sor—" napahinto naman ako dahil sa pagsigaw niya na labis na nakahakot at nagpatigil sa mga estudyanteng dumaraan sa hallway. Iniyuko ko na lamang ang sarili ko at humiling na sana ay may mapapasukan parin ako kinabukasan.

"Wth?! Pati ba naman dito bubwisitin mo ko?! Ang t*nga-t*nga mo talaga kahit kailan! May salamin ka na nga! Bulag ka parin?! Ang laki-laki ng hallway oh!"

Sa mga oras na to ay gugustuhin ko na lang na lamunin ako ng lupa. Maglaho na parang bula. Makatakas sa mga matang mapanghusga.

"S-sorry ta-talaga J-julian... Hindi ko naman sina—"

"Hindi sinasadya?! Huh! Impossible! Ang sabihin mo gusto mo lang makadikit sakin! Diba matagal ka nang may gusto sakin? Kaya ba binangga mo ko?! Huh!"

Lumapit pa sya ng bahagya sakin. Hindi ako makaimik. Mukhang napipi na ata ako. Naiiyak na ako.

"Asa ka pang magugustuhan rin kita. Kahit anong gawin mo sa harapan ko, kahit na maghubad ka pa sa harapan ko at umiyak ng dugo, ito ang pagkakatandaan mo. Hinding-hindi ako kailanman magkakagusto sa isang katulad mo. Naiintindihan mo ba! Tsk! Tabi nga! Perwisyo sa daan!"

Her suitorWhere stories live. Discover now