“Sai...” I was sobbing so hard that it made it hard for me to speak clearly. “W-wag ka namang magsalita nang ganyan... na parang... parang iiwan mo na ako. Sai, ayoko. Hindi pwede. Hindi ka mamamatay. Hindi... Sai...”

He smiled at me. “Ash, wala na tayong magagawa...”

“Meron pa, Sai! Meron! I believe in miracle. Alam ko meron nun. Mabubuhay ka, Sai. I’ll be with you. Magpapagamot ka. At sasamahan kita sa pagpapagamot mo hanggang sa tuluyan ka nang gumaling.”

“Ash... Tama na, pwede? Ayoko na. Pagod na pagod na akong makipaglaban sa sakit kong ‘to. Mas gugustuhin ko na lang tanggapin nang maluwag sa loob ko ang kamatayan ko.”

“Hindi ka sabi mamatay eh!” Napasigaw na ako sa sobrang frustration ko. Halatang nagulat si Sai. “Hindi ka mamamatay, Sai. Hindi. Hindi ko hahayaang mangyari yun. Hindi ba... hindi ba sabi mo nung pinili ko si Sean, tuluyan ka nang nawalan ng dahilan para mabuhay. Kung... kung pipiliin ba kita ngayon... will you choose to live... for me?”

***END OF FLASHBACK***

May ilang mga tao naman na kahit sobra nang nasasaktan, handa pa ring ipaglaban ang kanilang pag-ibig para sa taong kanilang minamahal.

“Handa akong maghintay, Ashley. Ayos lang naman sa akin na samahan mo si Cyrus sa pagpapagamot niya. Ayos lang din sa akin kahit gano katagal ang abutin bago siya tuluyang gumaling. Ayos lang sa ‘kin, Ashley, ang lahat. Basta, please... wag ka namang makipaghiwalay sa akin. Hindi ko kakayanin, Ashley. Please naman wag mong gawin sa akin ‘to. Ashley, mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Sobra sobra sobra.”

“Sean, mahal na mahal din kita. Alam na alam mo yan. Pero, Sean, itigil na natin ‘to. Nagmamakaawa rin ako sa’yo. Sean, tama na. Tama na, please. Believe me, para rin sa iyo itong ginagawa ko.”

“F*ck sh*t! Paano naging para sa akin ‘to ha, Ashley?!”

Unti-unti nang lumalabas ang nakakatakot na side na ito ni Sean. Pero hindi ko siya masisisi. Kailangan kong ipaintindi sa kanya kung bakit dapat na niya akong pakawalan.

“Kasi, Sean, ayokong maging unfair sa’yo. Masaya sanang isipin na handa kang maghintay para sa akin. Pero kahit saang banda ko man tignan, kapag ginawa mo yun, kapag ipinagpatuloy pa rin natin ang relasyon nating ito at hinintay mo ako, ikaw at ikaw lang ang masasaktan, Sean. At ayokong mangyari yun. Ikaw higit kaninuman ang pinakaayaw kong masaktan.”

“Tss! At sa tingin mo sa ginagawa mong ito hindi mo ako sinasaktan? Ashley, ngayon pa lang ang sakit-sakit na!”

“Pero, Sean, ngayon lang yan. Kaya nga nakikiusap ako sa’yo. Pakawalan mo na ako. At kalimutan mo na... ako at lahat ng ating mga alaala. Para hindi ka na masaktan pa. Aalis ako, Sean. Aalis ako kasama ni Sai. At walang kasiguraduhan kung kailan ako magbabalik. Ayokong nakawin sa’yo yung pagkakataon na makakilala ka ng ibang babaeng mamahalin. Kaya, please, Sean, wag mo na akong hintayin pa. Kalimutan mo na ako nang tuluyan at mamuhay ka nang wala ako.”

“Ayoko. Hindi ko kaya,” He whispered but enough for me to hear it.

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Where stories live. Discover now