I felt my knees became weak. Bigla na lang akong napaupo sa sahig habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

“Sana nga, Ash, nagbibiro lang ako. Sana isang malaking joke lang ang lahat ng ito. Para sana hindi ko na kinailangan pang isuko ang pagmamahal ko sa’yo. Baka-sakaling ako pa rin ang mahal mo ngayon.”

Napakunot ako ng noo. Naguluhan ako sa mga sinabi niya.

“What are you saying now, Sai?”

“Ash, matagal na kitang mahal. Mga bata pa lang tayo iba na ang nararamdaman ko para sa’yo. Higit pa sa pagkakaibigan. Pero wala akong lakas ng loob na sabihin yun sa’yo kasi baka hindi mo naman ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa’yo. Baka sa halip na yung friendship na nga lang natin ang meron tayo, baka pati yun mawala pa kapag umamin ako ng nararamdaman ko sa ‘yo. Pero nang nalaman ko na gusto mo rin ako, sobrang gusto-gusto ko nang magtapat sa’yo. Sabi ko eto na yung chance ko. Hindi ko na dapat palampasin pa yun. Pero... may nangyari. May nangyari na pumigil sa akin upang gawin ko yun.”

Tahimik lang akong nakikinig kay Sai habang walang tigil pa rin sa pagpatak ang aking mga luha

“Tanda mo nung nag-start ang school year na ‘to? Hindi ako agad nakapasok, sa halip ay nag-stay pa ako nang mas matagal sa France. Hindi ko sinabi sa’yo pero I met an accident there. Nabangga ang kotse na sinasakyan ko. My head was badly injured. I suffered a concussion. Dinala ako sa emergency room. A CT scan showed a large tumor in my brain.”

I was shocked by everything that I’m hearing from Sai. Bakit... bakit hindi ko alam lahat ng ito?

“I underwent surgery. But the relief of getting through surgery without any neurological damage was soon tempered. My doctor told me that I had a Grade 4 Glioblastoma. At gaya nga ng sabi ko, it’s the most common and most fatal form of brain cancer. That’s when I lose hope. Naisip ko ano pang silbi na masabi ko sa’yo ang nararamdaman ko kung sa bandang huli iiwan rin naman kita. Ayokong masaktan ka. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang masaktan kaysa ikaw. Kaya hiniling ko na sana makakilala ka ng isang lalake na mamahalin mo at mamahalin ka rin. At sakto namang dumating sa buhay mo si Sean. Akala ko... akala ko kaya kitang makita sa piling ng iba. Pero ang sakit sakit pala. Sobrang sakit, Ash.”

This time umiiyak na rin si Sai. It was the first time I saw him like this, and it broke my heart into a million pieces.

“Sai...”

“In the end, hindi ko pa rin naitago ang nararamdaman ko. Umamin pa rin ako sa’yo. At nagmakaawa ako sa’yo na ako ang piliin mo. Pero huli na ang lahat. Kasi mahal mo na siya. And so, you chose him. At mas lalo akong nawalan ng dahilan para mabuhay.”

“Sai... I’m sorry... I’m sorry...”

“Hindi, Ash. Wala kang dapat ihingi ng tawad. Wala kang kasalanan. Kahit papano nagpapasalamat na rin ako na si Sean ang lalaking minahal mo kasi nakikita ko kung gaano ka niya kamahal din. Alam ko aalagaan ka niya at proprotektahan palagi. Kahit malapit na akong mawala, panatag ang loob ko kasi alam kong lagi siyang nandiyan para sa’yo. Basta, Ash, ang gusto ko lang naman maging masaya ka eh. Kasi pag nakita kitang masaya, masaya na rin ako. Ash, promise me... promise me that you’ll be happy with him... forever.”

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang