take twelve (juniper)

Start from the beginning
                                    

"Ano pang tinutunganga mo d'yan, tara na, Juni?!" alok nito. Kumunot naman ang noo ko dahil wala naman kaming napagusapan na pupuntahan.

"Sa'n naman tayo pupunta?"

Hindi naman siya sumagot. Tumayo lang siya at hinila ako. Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa paglalakad niya. Nang makalabas na kami sa campus ay agad naman siyang pumara ng jeep.

"Sa'n ba kasi tayo pupunta, hah?" naghuhurumentadong tanong ko.

"Nagpapatulong ka tapos nagtatanong ka ngayon? Ano ba talaga, gusto mo ba talagang gumanda?"

"Ah, 'wag mo sabihing dadalhin mo ko kay Belo?"

"Loka, hindi yan kaya ng budget natin, estudyante pa lang tayo."

"Edi saan mo ko dadalhin?"

"Dahil konti lang naman ang ating datung at kayamanan, kay Beki Veloh tayo pupunta!" anunsyo niya sabay palakpak pa.

"Sino 'yun?"

"Kaibigan ni Mama. Si Mamita Beki Veloh. Ay naku, friend. Magtataka ka kung bakit hindi pa niya natatalbugan si Vicky Belo, eh mas magaling 'yung magpaganda kesa sa sikat na si Vicky eh!"

"Baka gawin niyo naman akong bakla niyan?"

"Naku, hindi, asa ka boy. Anong akala mo sa'kin, bakla? Mukha ba kong bakla, hah? Juni?" nag-aalburutong tanong nito. Halos masamid naman ako dahil hindi ko ata kayang lokohin ang sarili ko.

"Hindi ba halata? 'Yang kulay silver mong eye shadow at 'yang maskara mong kulay pink, 'yang suot mong halos hiniram mo na ata kay Madonna at 'yang sapatos mong tinalo pa si Lady Gaga, sa palagay mo, hindi ba bakla 'yan?" bawi ko naman sa lahat ng pangungutya niya. Hindi naman siya naapektuhan at ngumiti pa sa'kin nang malumanay.

"Aba, syempre, hindi. Ang ganda ko kaya!"

Bigla na lang nagtawanan ang mga pasahero ng jeep, mismong aso eh halos hindi na ata magkanda-ugaga sa kakatahol. Hindi naman nagpatinag si Tekla at nagkwento naman ng kung ano-ano.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami bumaba at marating ang isang hindi kalakihang parlor. Tumambad naman sa'kin ang isang bruskong lalake. Suot ang isang itim na tshirt na halos mapunit na sa laki ng katawan nito ay talaga namang hindi ka magtataka sa pagkalalake nito. Pero laing gulat ko na lang sa sinabi ni Tekla.

"Junibells, meet Mamita Beki Veloh, the great great beautician of all times!" pagpapakilala niya sabay turo sa lalaking nakaitim. Para naman akong nautal, baka suntukin kami nung lalake dahil nagkamali pa ata itong si Tekla sa pagpapakilala. Naghintay pa ako ng ilang segundo bago tumakbo pero sa halip na suntok ang matatanggap ni Tekla eh yumakap pa ang maton at sumigaw pa.

"Clarisse Te, namiss kitang bakla ka!" tili pa nito, at talagang binuo niya pa talaga ang pangalan ni Tekla. Nanlaki na lang ang mata ko. Iba rin ang trip ng baklang 'to, akala ko, brusko, 'yun pala, mas malambot pa sa sabon. Yumakap rin ito sa'kin kahit hindi kami close.

"Siya si Juniper, este Julienne Nicole Pera--"

"I don't care about the name, Clarisse. Ano bang pinunta niyo dito?" matinis pero may lambing na untag nito.

"May gusto kasi siyang bawiin na lalake at kailangan niyang malampasan ang kagandahan ng karibal niya kaya dinala ko siya dito dahil alam ko namang magaling kang mag-magic," anas ni Tekla.

"Totoo ba 'to, dear?" may halong panunudyo na tanong nito.

Tumango lang ako. Kasabay ng pagtango kong 'yun eh agad namang kumislap ang mga mata niya at agad akong hinila at pinaupo sa isang revolving chair.

KuyaWhere stories live. Discover now