take twelve (juniper)

Start from the beginning
                                    

 Kuya, ganito rin ba ang mga kaibigan mo?

HIndi ata, nag-iisa lang ata 'to sa mundo. At dahil nag-iisa lang siya, nag-iisa rin akong namomroblema, napeperwisyo, nahihirapan, natatawa at paminsan-minsan ay nabibigla pa sa pinaggagagawa ng babaeng bakla na 'to.

"Alam mo kasi, Juni, tatatapatin na kita. Kung 'yang naturales de beautificaciones lang naman ang pag-uusapan, wala ka nu'n," mataray na sagot niya sabay taas ng kilay niya, at talagang nakuha niya pang magcross-arms at ginamit pa ang notebook na katabi sa pagpaypay sa mukha niya na para bang isa siyang Maria Clara.

Harujusko, saan kaya mapupunta ang usapang ito?

"Aray ko naman, ang sakit mo namang magsalita, kyot kaya ako!" pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

Kyot naman ako di'ba? Dahil kung hindi ako kyot, 'di mo naman ako magugustuhan, di'ba, Kuya?

"Asa ka teh, sinong nagsabi sa'yo niyan? Niloloko ka nila, friend. Truth hurts, yah know," bara niya naman. May kung ano siyang hinanap sa bag niya pero hindi niya makita kahit anong halukay niya. Hindi na nakuntento kaya't nilabas niya na ang mga laman ng bag niya. At ang loka, mukhang dinala niya na ata ang buong bahay niya sa sobrang dami ng dala niya. Kaya pala ang laki-laki lagi ng bag, kala ko, libro ang laman, hindi pala. Kawawa naman ang dakila niyang tagabitbit na si Tall Nut.

"Yung totoo, hindi ba talaga ako maganda?" nagtatakang tanong ko. Tumango naman agad ito at sabay kumpas ng kamay niya na para bang wala na talaga akong pagasang gumanda.

"Kulot buhok mo, mejo malaki ang mata mo pero mahaba naman 'yung pilik-mata mo, hindi katangusan 'yang ilong mo, chappy lips ka, may pimples ka pero hindi naman ganu'n kalala, oily rin ang morenang skin mo kapag Dove ang sabon na ginagamit mo, chubby ka ring tingnan kahit hindi naman talaga. Malaki ka lang tingnan kasi mejo malaki ang mukha mo. All in all, kung ako ay naging lalake, hindi kita liligawan." Ngumiti pa ito na parang hindi niya man lang ininsulto ang buong pagkatao ko.

"Grabe ka naman, Tekla!"

"Joke lang naman, friend. Kailangan lang natin ng konting improvement para naman maakit mo 'yung si Fafa Andru ob yer layp. At saka para malampasan mo 'yung kagandahan ng Diyosa--este Demonyitang Baby na 'yan." Tinapik-tapik niya rin ang balikat ko pero pagkatapos nu'n eh umakto ito na para bang walang nangyari, para bang wala kaming pinagusapan, para bang hindi niya man lang inisa-isa ang pagka-pangit ko, parang hindi man lang ako humingi sa kanya ng tulong. Nagpapaka-busy na naman ito sa pagtingin sa mukha niya gamit ang isang napakalaking salamin na hindi ko alam kung pa'no bang nagkasya sa bag niya. Halos magsing-laki na ito sa isang full-length mirror. Jusko.

Nanahimik na lang ako at pinilit na mag-concentrate sa pagbabasa ng Accounting book ko. Pero kahit anong gawin ko, ilang beses na kong nagpabaling-baling, ilang beses na ring masira ang calculator ko kakapindot ng mga numero para ma-solve lang ang mga problem sa libro ko, hindi pa rin ako matuto.

Dyahe ka naman, Kuya eh. Kung kelan magre-review, saka ko naman naalala ang kagagahang ginawa ko sa Kainan ni Aling Nati.

At hindi lang 'yun, pumasok rin sa kukote ko 'yung araw na nawalan ako ng malay. 'Yung araw na alam kong iniiwasan mo ako pero ewan ko ba at ikaw 'yung nakita kong nagdala sa'kin sa clinic. Tuwang-tuwa na sana ako nu'n eh, ang kaso, paggising ko, si Lucio ang nasa harapan ko. Hindi mo lang alam kung ga'no kasakit 'yun kasi umasa ako na ikaw 'yung kumarga at tumakbo, madala lang ako sa clinic. Hindi pala.

Maya-maya pa ay nakita ko na lang na nililigpit ni Tekla ang mga nagkalat niyang gamit at walang ano-anong ipinasok sa bag niya. Pagkatapos ay ngumiti ito ng mala-demonyo at tagalang humalkhak pa na para bang isa siyang kontrabida sa pelikula. Bigla niya namang hinawakan ang braso ko at tumingin ng diretso sa mata ko.

KuyaWhere stories live. Discover now