Book 2 ~ Ligaya ~ Prologo

Start from the beginning
                                    

"T-tama ba ginawa ko? Sabi kasi ni Titus ganon daw 'yun..." sandaling tumahimik si Orion at nag-isip. "Teka! Pinaglololoko ba niya 'ko?" Lalong kumunot ang noon niya at alam kong hindi na iyon pagtataka kung 'di galit na.

Nang akmang hahakbang na siya palayo sa kinatatayuan namin ay pinigilan ko siya gamit ang mahigpit kong yakap. Rinig na rinig ko ang pagtambol ng puso niya na parang nakikipag-karera naman sa puso ko.

Ang kaninang mga luha ay napalitan na ng kaligayahan. Alam kong hindi alam ni Orion na kayang-kaya niyang pigilan ang mga luha ko sa mga simpleng bagay na ginagawa niya.

"Ang init naman agad ng ulo mo." Bulong ko habang pinakikingan pa rin ang pagtibok ng puso niya. "Ayoko pa man ng taong mainitin ang ulo," kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at muli kong tinignan ang mukha niya. Alam kong matataranta na naman siya dahil sa sinabi ko.

"Ta-talaga?" Labis ang pag-aalalang puminta sa mukha niya. Idiniin ko nalang ang mga labi ko para hindi ako matawa. "Eh una palang alam mo namang mainitin ang ulo ko 'di ba?" Dugtong niya.

Gusto ko nang tigilan ang panloloko ko sa kanya pero walang katumbas ang reaksyong ipinapakita niya. Muli akong nagkunwaring nalungkot, kunwari'y ibinaliktad ko ang labi ko't kasabay ang pagbagsak ng balikat ko.

Nagulat siya sa ginawa ko. Tumingin-tingin siya sa paligid bago niya ako niyakap nang mahigpit. "H-huwag ka namang ganyan, nandito ang lahat baka sabihin nila pinapalungkot ang prinsesa." Bulong niya habang hinimas-himas ang likod ko.

Hindi ko na napigilan pang kumawala ang ngiti sa mukha ko. Gumanti ako ng mahigpit na yakap sa kanya bago ako muling tumingin sa mga mata niya.

"Mahal..." may diin ko wika matapos ay humalik ako sa isang pisngi niya

"...na mahal," isa na namang halik ang ibinigay ko sa kabilang pisngi niya.

"...kita."

Isang mabilis na dampi sa kanyang labi ang ipinamahalas ko. Kilala ko si Orion pagdating sa ganito, alam kong hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Makahulugang ngiti ang ipinakita ko sa kanya at alam kong alam niya kung ano ang ibig kong sabihin.

"Huwag kang ganyan mahal ko," bahagya siyang ngumiti. "binabalaan kita, nawawala ako sa sarili kapag naging 'halimaw' ako." Nanuyot bigla ang lalamunan ko't napalunok ako sa mga sinasabi niya. Mali yatang biniro ko siya.

"Iyang ngiting ganyan ang nagpapagising sa natutulog kong 'halimaw' na kakayahan." Lumamya ang mga mata niya't biglang nag-iba ang kanyang aura. Niluwagan niya ang butones sa bandang dibdib niya't sinadyang ipakita ang balat niya.

Kinabahan ako sa mga pinaggagawa niya. Mukhang mali talaga yatang lokohin siya tungkol sa mga ganoong bagay. Hindi ko na napigilang mamula dahil sa mga ipinapakita niya. Napatakip nalang ako ng mukha, pilit itinatago ang pamumula ko.

"Orion! Tumigil ka nga!"

Halos kumawala ako sa yakap niya, hindi na kasi ako makahinga sa labis na kaba sa dibdib ko. Baliw talaga 'tong si Orion, bakit ba pinapainit niya ko nang ganito?

"Baka nakakalimutan mo, ikaw nag-umpisa nito." Iba ang timre ng boses niya, nanghihikayat, nagbibigay init sa katawan.

"A-alam ko!" Tinanggal ko ang kamay na nakatakip sa mukha ko't hinarap siya. "Pero... pero huwag ka naman ganyan Orion."Napakagat ako sa hintuturo ko. Hindi ko alam bakit ko ginawa iyon. Baka dala na ng labis na hiya at kaba.

"Ikaw ang huwag ganyan!" Biglang tumaas ang boses niya saka ito huminga nang malalim at pabagsak na bumuga. Mukhang hindi sapat ang isang malalim na paghinga dahil naka-ilang beses din niyang ginawa iyon sabay sa paglakad-lakad niya malapit sa akin.

"Ano ba kasi yang pangako mo? Sabihin mo na!" Sigaw niya matapos ay nagkagat-labi.

Batid kong hindi siya galit, hindi ko lang maintindihan kung bakit ganoon nalang siya umasta e gayong niloloko ko lang naman siya. Pikon.

"Okay." Kunot noo kong wika. Panandalian akong pumikit para ayusin ang sarili. Ayoko naman bigyan ng pangako ang asawa ko habang naiinis ako.

Pagmulat ko, madiin pa rin ang pagkakatitig niya sa akin. Mukhang gusto na niyang marinig ang pangako ko. Minsan parang sira rin itong si Orion, masyadong o.a.

"Hindi man kita mabiro dahil pikon ka. Agad mang umiinit yang ulo mo dahil sa ikli ng pasensya mo. At palagi mang kunot yang noo mo,"

Mahirap talagang tansyahin ang ugali ni Orion. Negatibo lahat ng sinasabi ko pero nawawala ang kunot sa noo niya't paunti-unting kumukurba ang labi niya.

"... mahal pa rin kita. Mahal na mahal." Tuluyang lumapad ang ngiti ni Orion at maging ako'y nahawa sa ngiti niya.

"Kaya ako, si Esmé, nangangakong mamahalin ka habang buhay. Pagsisilbihan ka't dadamayan sa lahat-lahat. Nakatungtong sa mundo ng mga tao, hahakbang patungong ibang mundo, maipagsigawan lang ang pagmamahal ko sa'yo."

Sa unang pagkakataon, nakita ko ang pagtulo ng luha ni Orion. Kumikinang sa pagbabay nito pababa sa kanyang pisngi.

"Maraming salamat at ako ang pinili mong mahalin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Aniya sa pagitan ng luha at ngiti.

"Pumikit ka." Utos niya na malugod kong sinundan.

Ilang beses na naming nahalikan ang isa't isa. At sa bawat pagkakataong iyon nararamdaman ko ang pagmamahal ni Orion sa akin. Ngunit kakaiba ang halik na ibinibigay niya sa akin ngayon.

Walang diin at tanging malambot niyang labi ang nararamdaman ko. Wala akong narinig sa paligid namin, ni hindi ko maramdaman ang pagkabog ng dibdib ko.

Animo'y dinala niya ako sa ibang dimensyon, sa lugar na kami lamang dalawa at wala ng iba.

Nang bigla na lamang akong may marinig sa gilig ng tenga ko.

"Mali!"

Marahas akong namulat nang marinig ko ang sigaw na tila isang matanda. Umalingawngaw ang boses niya habang pahina ito nang pahina.

Tumingin ako kay Orion at patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. Batid kong hindi niya narinig ang sigaw na narinig ko. Baka dala lang iyon ng imahinasyon ko. Nagunit ang sunod kong narinig ay nagpatigil puso ko.

"Mali ang napili mong hirang, Alamat..."

.....

She's the LegendWhere stories live. Discover now