Trouble Maker Queen 32

1.4K 36 0
                                    

TMQ32

Bryan POV

Kanina pa tahimik si Mitch at parang may malalim na iniisip
Sa totoo lang naiinis ako dahil di siya nag sasalita pero may part sakin na nasasaktan dahil ahhh basta di ko mapigilan o malaman ang nararamdaman ko

"Mitch..."tawag ko sa kanya dahilan para mapa tingin siya saakin

Kanina pa siya ganyan
Hinila niya ako papuntasa tree house niya pero pag dating dito napaka tahimik niya

Anong nangyare

*hala ka lagot!*

Tsss

"Ayus ka lang?"tanong ko

"Oo"sagot niya

Tsk oo pero di ka nag sasalita at napaka tipid ng mga sagot mo sakin

"Pwede ka mag sabi sakin ng kahit ano"sabi ko

"Wa..wala to"sabi niya

Napansin ko na may luhang tumutulo sa mata niya

Naiyak siya?

"Mitch sige na sabihin mo na kung ano mang yang dinadamdam mo"sabi ko sa kanya at pinunasan ang luha niya

Bahagya siyang tumingin sakin at halata sa mata niya na may bumabagabag sa kanya

"Kasi akala ko nakalimutan ko na siya at naka move on na sa ginawa niya sakin pero......pero hindi pa pala"sabi niya at tumingin sa ibang derektion

"Sino ba yung sinasabi mo?"tanong ko

"Si....si Vien"sagot niya

My name is Vien Winston A Blanka
nice to meet you all

Naalala ko yung lalaki kanina na transferee

*hindi kaya siya yung ex ni Mitch?*

Wag naman sana

"Yung...yung bagong transferee ba yung sinasabi mo?"tanong ko

Wag naman sana please

Isa nod ang sinagot niya sakin dahilan para mapa tungo ako

*tsk big war is coming bantayan mo na si Mitch Brad baka makuha pa ng iba*

"Nag tagal kami ng tatlong taon pero lahat ng yun nawala ng dahil kay Annika "sabi niya

Annika? Yun ba yung habol ng habol sa trono ni Mitch? Tss pathetic

"Dati ako ang takbuhan ng lahat kapag may problema sila pero ng dahil doon di ko na masyado nakakasama si Annika at Vien dahil sa busy ako kaka tulong sa kanila"sabi niya at di napigilang umiyak

"Ng dahil doon unti unting nag bago si Vien naging cold siya sakin pati nga monthsary namin naka limutan niya na pero ako? Nag papakatanga mahal ko eh"sabi niya

"Isang araw hinihintay ko si Annika dahil pupunta kami sa mall habang hinihintay ko siya sa labas ng gate may isag studyante ang lumapit sakin at sinabing nakita nila si Vien na may ibang babaeng kasama"

"Dahil sa sinabi ng estudyante na yun dali dali akong nag punta sa lugar na sinabi niya sakin at doon unanh beses kong nakita  si Vien na may  kahalikang iba"

"Sinabi ko sa sarili ko na wala yun di yun magagawa ni Vien nag paka humble ako ng araw na yun hanggang sa dumating ang birthday ko nangako siya sakin na mag kikita kami sa park 5 PM"

"Dumating ako doon 4 PM dahil ayaw kong pag hintayin siya pero dumating ang 5 wala pa siya nag intay ako nang mga oras na yun pero dumating ang 7 PM wala parin siya sinabi ko sa sarili kong baka na traffic lang o busy tinawagan ko siya pero di niya sinasagot hanggang sa abutan ako ng ulan doon at pumatak ang 10 PM wala parin siya"

"Nang mga oras na yun inisip ko na baka busy siya kaya nag pasundo na ako sa driver ko
Habang nasa byahe kami naka tingin ako sa bintana at sa di inaasahan nadaanan namin ang bar at sa labas noon nakita ko Si Vien may kasamang babae at hinahalikan niya ito"

"Pilit kong inisip na guni guni ko lang yun hanggang sa Kinabukasan naka tanggap ako ng text galing sa kanya na mag kita daw kami sa park kung saan ko siya hinintay
Akala ko makikipag kita siya dahil gusto niya mag sorry sakin dahil busy siya"

"Pero pag dating ko doon nakita ko siya na walang emosyon masaya akong lumapit sa kanya pero pagkalapit ko sinabi niyana mag break na kami dahil di na daw niya kaya"

"Nag maka awa ako at lumuhod sa harap niya para bawiin niya ang mga sinabi niya pero nilagpasan niya lang ako
Habang naka tingin ako sa kanya na papa alis nakita ko na may isang kotseng itim ang tumigil sa harap niya"

"Sa loob noon nakita ko si Annika na may ngiti sa labi at doon sumakay si Vien
Bago sila mawala sa paningin ko nakita ko silang nag halikan"

"Di ko namamalayan na ang kaibigan ko pala ang kahati ko sa kanya
Noong panahon na yun si Hyuna ang karamay ko siya lang ang matatakbuhan ko"

"Sa mga panahon na yun naisip ko nang mag pakamatay pero pinigilan ako ni Hyuna
Tinuruan niya ako kung pano lumaban at maging matapang tinuruan niya rin ako na kalimutan si Vien"

"Noong mga panahon na yun depressed na depressed ako pero pumasok parin ako hanggang sa may lumapit sakin na anim na estudyante pinag kalat nila na break na kami ni Vien at sinabing napaka hina ko"

"Dahil sa depressed na nararamdaman ko at galit na dumadaloy sakin bigla nalang ako nawala sa sarili ko at pag gising ko may tumambad na mga pulis sa harap ko"

"Sinabi nila na pinatay ko daw ang anim na estudyante na yun
Muntik na akong makulong pero kinausap ng magulang ko ang pamilya ng mga na patay ko"

"Mula noon natakot na sila sakin
Natakot sila dahil sa ginawa ko
Nawalan na ako ng kaibigan noon pero pumasok sa isip ko na maganda na yun para di na maulit ang nangyare saakin"

"Hanggang sa pinasa sakin ni Hyuna ang trono nang pagiging reyna dito sa campus
Ginamit ko yun para tingalain ako ng lahat ng nandito
Gumawa ako ng sariling batas ko at pag di nila sinunud buhay nila ang kapalit"

"Ng mga panahon na yun natutu akong mag bisyo pero di ako gumagamit ng illegal na gamot
Nagiging pala away ako sa loob o labas ng school na to lagi akong inaabangan ng mga gang pero dahil sa tinuruan ako ni Hyuna lagi ko silang natatalo"

"Minsan may isang gang ang sumugod dito sa loob ng shool
Muntik nang mapa hamak ang mga studyante dito dahil sakin pero natalo ko ang gang na sumugod dito dahilan yun na muntik na akong ma kick out dito pero dahil sa may malaking share ang pamilya namin dito hindi nila ako na kick out"

"Kaya ba ganon nalang ang turing mo kay Annika?"tanong ko

Nag nod siya

"Ang sakit ang sakit sakit dahil naging tanga at manhid ako ng mga panahon na yun
Pero ang mas masakit yung kaibigan mo pa ang nag traydor sayo"

Sa mga sinabi niya
Galit at awa ang nananalaytay sa katawan ko ngayun

Galit dahil sa ginawa ng Vien na yun kay Mitch
At awa dahil napag tulungan si Mitch ng inaakala niyang kaibigan

~~~~

Tweet me @WoohyunieMe
Add me Woohyunie Nam

Trouble Maker  QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon