Trouble Maker Queen 24

1.5K 40 1
                                    

TMQ24

Bryan POV

"Isang sapak gusto mo!"

"Isa Bryan mapapatay kita!"

"Tsk Chill lang kasi malapit na tayo basta kapit lang"sabi ko habang inaalalayan siya mag lakad

Tinakpan ko kasi yung mata niya para surprise daw

*ows Totoo bayan? HOKAGE kalang kamo!*

Gago manahimik ka!

"Pag ako nadapa o nag kagasgas mapupugutan talaga kita ng ulo tandaan mo yan!" Banta niya habang todo kapit sakin

Tsk gwapo ko diba?

"Tarantado nasan na ba kasi tayo?!"inis niya tanong

"Okay Stop"sabi ko
Huminto naman siya at bumitaw sa kaka hawak sakin

"Count of 3 open your eyes okay?"sabi ko at inalis ang pag kaka takip sa mata niya

"1"

"Gago sabihin mo nga nasa hotel ba tayo?!"

"2"

"T@ng ina may condom kang dala?!"

"⅔......"

"Hoy mapapatay talaga kita!"

"3..."

Nakita kong binuksan niya ang mga mata niya At.....

"En...enchanted kingdom?"Tanong niya habang naka tingin sa gate nito

"Oo diba sabi mo..."

"Wow..."amazed niyang sabi at hinila ako papasok sa loob

"Bryan tara doon ay wait wag doon doon muna teka picture tayo doon sa nagalaw na witch!"

Hinila niya nanaman ako palapit doon sa witch na yun

"Oy ate ate! Picturan mo kami lintik ka pag pangit kuha mo imumudmud kita sa tyan ng witch na to!"inis niyang sabi at binigay sa babae ang cellphone niya

Ang babaeng to masyadong pala away di naman niya kilala inaway pa at isa pa siya nanga mag papa picture aawayin pa si Ate

Halata naman sa babae na nagulat siya
Tumigil kasi siya at tinignan lang si Mitch ng masama

"Lintik ka wag mo kung tignan ng ganyan!"sigaw ni Mitch

Lumapit ako sa dalawa at inilayo si Mitch doon
Lumapit nama ako sa babae at kinindatan

"Sorry Ms Ah ganon lang talaga yung girlfriend ko"sabi ko at ngumiti

*geh landi pa magagalit sayo si Mitch teka mali pala
Landi lang ng mapatay ni Mitch yang babae*

Gago!

"Pwede picturan mo kami salamat"sabi ko at inabot sa kanya ang phone ko

"Hoy ito pa!"sabi ni Mitch at binigay din sa babae ang phone niya

Lumapit na si Jacklin saamin kasama ang halos magkandarapang maskot ng witch
Tsk kawawang maskot nakaladkad nang babaeng demonyo

"Okay smile"

Sabi ng babae saka kami pinicturan

Napa tingin naman ako kay Jacklin na yakap yakap ang maskot
Hayst sana maskot nalang ako para ako ang mayakap mo

"Okay na po" napalingon ako sa nag salita at nakita ang babaeng nagpicture samin

Kinuha ko ang phone namin at ningitian siya saka siya umalis

Trouble Maker  QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon