"Baket?" tanong ko sa kanya pero di ako makatingin sa mata niya. 

"Ummn well medyo nadumihan kase ang damit mo and I would like you to eat first if you don't mind" angsweet! Kainin kita diyan eh! Oh well madumi nga ang damit ko. Hindi naman nadudumihan toh eh pero baket nga ba?

Nakaupo lang ako sa kama ni Ben while waiting for him. Sa totoo lang napaka-galang niya and ramdam kong nirerespeto niya ako. I never felt this REAL before. Hindi naman kase ako totoo in the first place. Not to mention talagang papable itong si Benzon. Nagtingin ako ng mga pictures sa room niya then nakakita ako ng picture frame. This must be his Mom. Nabitawan ko ang frame at nagulat sa nakita ko...

MAGKAPATID KAMI NI BEN?

ECHOS! Hahaha! Gusto ko magdrama ng konti pero wala naman akong past kaya wala akong iiyakan. 

*knock knock

Who's there? Char! Si Ben kumakatok pa talaga sa sarili niyang room. Ambaet talaga nito.

"Pasok po!" sa puso ko hehehe. Nagulat ako at may dala siyang white dress. Sleeveless na dress at mukhang kasya saken.

"Miss, pagpasensiyahan mo na, ito lang kase ang kakasya siguro sayo. Ito ang naiwan ng sister ko bago siya bumalik ng Ireland eh." Ayun. Irish naman pala tong si Ben kaya ganito ang built. Angganda pa ng mata. 

"Jasmine nga pala! Medyo nakakailang na kase yung miss." Pwede MISIS mo na lang? Ahahaha KALOKA!

"Oh sorry Jasmine, by the way I am Benzon Estrella!" hmmmn, nga pala hindi niya alam na kilala ko na siya. 

"Nice meeting you Benzon!" :D Grabe nagshakehands kame I can feel some weird na kuryente. Oh hinde! Wag ka magpatalo sa pagiging marupok mo Jasmine!

"Lunch is ready na nga pala. I'll wait for you downstairs!" sabay smile. Naman eh! Baket ba hindi na lang siya yung bidang guy dito? Ahahaha peace Leon!

Nagsuot na ako ng dress. Infairness nakikita ko ngayon ang reflection ko sa salamin at talagang magaling si Author sa paggawa ng babaeng characters. Angganda ko eh, nakaka-tibo naman hahaha, na-tibo sa sarili? May iniwan pang box ng shoes si Ben kase daw wala daw akong footwear nung pagdating namen dito. Akala niya nahulog kea binilhan niya ako. Hahaha sa totoo lang wala naman talaga ako nun kase di naman ako naglalakad sa lupa. Nung ready na ang lahat, bumaba na ako at nakita kong madameng nakahaing food sa mesa. 

"Ahh wala bang ibang tao dito?" tanong ko kay Fafa Ben.

"Meron naman, mga maids, pero may sarili silang dining area eh" susyal si Fafa, may mga alipin. Alipinin mo ren ako hahaha!

"Lahat ba ng kapatid mo nasa Ireland?" haha grabe andame kong tanong.

"Hindi, may isa akong kapatid na Director sa isang Call Center Company. Dito siya naka-base pero may sarili siyang bahay" ay oo nga pala namention niya yun kay Leon. Dun nga yata nag-apply si Lei eh.

"Ahh. Sige kaen na tayo!" ako pa talaga nagyaya noh? Hahaha bahay ko toh? Wow angsarap pala ng food ng tunay na mundo. Grabbeeee!!! Buhay na ba talaga ako?

"Ikaw san ka ba nakatira? Ihahatid na kita." Hala ka! Panu toh? Isip Jas! ISIP!!!

"A-ah hindi pwede eh. M-magagalit ang parents ko" maka-parents naman ako kala muh meron.

"I see, hmmmn pwede naman siguro kitang i-drop somewhere near your house right?"

"Yeah! Sure!" ahehe wheeew buti na lang nakalusot ako. 

After kumaen nag-sorry si Ben sa aken.

"Sorry Jasmine sa inasal ko last night!" hmmn anu ba ang ginawa niya?

My Imaginary Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now