Tingnan natin kung hanggang saan ka Noah. Hinawakan ko na yung unang botones ng dress ko.

"Nakakatuwa ba talagang manakit ng tao Noah?" tanong ko sa kanya habang inaalis sa pagkakabutones yung una. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Ngayon naman, nagtataka yang itsura mo?


"Nakakatuwa ba talagang makakita ng taong nahihirapan? Masaya ba talaga yun? Ha?" nanginginig na ang boses ko habang tinatanggal yung pagkakabutones ng pangalawa.

"Stop." bulong niya.

"Masaya ba talagang makitang umiiyak ang isang tao Noah?"


"I said stop!" tatanggalin ko na sana yung pangatlong butones pero hinawakan niya at pinigilan ang mga kamay ko. Nanginginig ang mga kamay ko at ganon din siya. Nagkatinginan kami habang umiiyak pa rin ako.

Niyakap niya ako at doon ako humagulhol ng iyak. Naalala ko lahat. Lahat lahat ng mga pinagdaanan ko simula nang namatay si mama.

*flashback*

8 years ago.

"Ma. Papanuorin niyo po ako sa concert ko ha? Wag po kayong mawawala ha?"

"Aba oo naman anak!" sakay kami sa kotse ngayon. Kagagaling ko lang sa piano class at sinundo ako nina mama at papa.

"Promise?"

"Promise anak! Saan mo gustong kumain?"


"Doon po sa dati!"


"Osige pa. Tara daw dun sa dati!"

"Your wish is my command!" tuwing nagkakasama kasi kaming pamilya, may isang restaurant kaming laging kinakainan. Gustong gusto ko talaga dun!

Only child lang ako. Mayaman ang aming pamilya dahil may ari ang pamilya ni mama ng isang kompanya. Si papa naman ay isang teacher. Malaki ang pagkakaiba ni papa at mama pero hindi sila nagawang paghiwalayin.

*Riiiiiing*


"Hello?" sagot ni mama sa phone niya. Tumingin siya samin ni papa na tahimik na nakaupo lang.


"I have to take this call." seryoso ang mukha ni mama at tumango naman si papa kaya tumayo na siya para lumabas.


"Mama! Balik ka po agad ha?" ngumiti sakin si mama at tumango.


Pero iyon na pala ang huli naming paguusap. "MAMAAAAAAAAAAAA!" pagkalabas ni mama sa restaurant ay may kotseng paparating at sobrang bilis kaya hindi ito naiwasan ni mama. Dead on arrival siya sa ospital. Simula noon, nagbago ang buhay namin.

"Wag! Wag po yung piano! Yan na lang po yung natitirang alaala ng mama ko! Papa! Wag mo ibigay yung piano sa kanila! Papa!" pinipigilan ako ni papa habang umiiyak ng mga oras na yun. Niyakap na lang niya ako habang sinusuntok suntok siya.

Napilitang ibenta ang bahay namin at mga ari-arian para mabuhay kami. Hindi kasi sapat ang kinikita ni papa para samin.


My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon