Chapter 6

582 12 2
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas. Nakatulog pala ako. Pagmulat ko, nakita ko na lang na nakahiga ako sa lap ni Noah.

"Hala. Nakatulog pala ako." dali dali akong bumangon at narealize kong nakulong nga pala kami dito sa abandoned hall na to.


Tulog pa rin si Noah kaya sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock pa rin ito. "Argh! Wala ba silang balak buksan to?"

Para akong tanga dito. Bumubulong kasi ako dahil ayaw kong magising si Noah.

"Ang ingaaaaay!" biglang sigaw niya. Na ikinagulat ko naman. Tumingin siya sakin. Ayan na naman yung masusungit niyang tingin! Mabuti pa atang medyo nakainom siya e. Bumabait siya. "Kahit kelan talaga hindi mo magagawang tumahimik no? Ang sakit ng ulo ko."

"Ano bang pakialam mo?! Nakalock pa rin yung pinto! Paano tayo makakalabas dito?!" nanggagalaiti kong sagot sa kanya. Nakakaasar kasi e. Napakabipolar niya! Tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa direksyon ko.

Napaatras naman ako. Ano bang problema nito?


May hinugot siyang kung ano sa bulsa niya at isinuot ito sa door knob ng pinto. WHAT THE FREAKING FUDGE?!?!?! O_________O

"Ayan. Bukas na."


Naramdaman kong umakyat ang dugo ko sa ulo ko. Sasabog na talaga akoooo! ARGHHHHH!!!!!


"BAKIT HINDI MO SINABI KAGABI NA MAY SUSI KA PALA?!?!?!?!?!" Okaaay! Hindi ko kayang kumalma ngayon!

"Aray! Ang sakit sa tenga ng boses mo!"

"Bwisit ka! Bwisit ka talaga sa buhay ko! Pahamak ka!" hinampas hampas ko siya at binatukan.


"Aray! Aray! Ano ba?!!"


"SIMULA NANG NAKILALA KITA MINALAS NA TALAGA AKO! ARGHHH! NOAAAAH!!" hinampas ko pa siya pero nahuli niya ang kamay ko kaya natigil ako sa pagcurse sa kanya.


Nagtama ang paningin naming dalawa. *Dug dug dug dug* Bakit ganito yung tibok ng puso ko?


"Gusto ko kasing may makasama ako habang malungkot ako. Kaya hindi ko pinaalam sayo na may susi ako." seryoso niyang sagot sakin.

Napanga-nga naman ako sa itsura niya. Seryoso lang siyang nakatitig sakin at yung puso ko naman hindi ko alam pero sobrang lakas ng tibok. Hindi ito ang unang time na nakita ko ang mukha niya ng malapitan pero gosh. Ang gwapo niyang talaga.

Eli! Tama na yang pagnanasa mo! Umalis ka na sa hall nito!


"A-a-alis na ko." kinuha ko yung bag ko at naglakad na papalabas ng hall pero naramdaman kong may humawak sakin sa braso. Hindi ako lumingon sa kanya.


May inilagay siya sa kamay ko. Humarap ako sa kanya at tiningnan ko kung ano yung binigay niya sakin. Cellphone?


"Kapag napahamak ka, gamitin mo yan." ano bang ibig sabihin nito? Hindi ko kelangan ng cellphone dahil wala naman akong tinatawagan. Wala rin akong pambili.

"Bakit naman ako mapapahamak? Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kelangan nito." at ibinalik ko sa kamay niya yung cellphone niya. Pero ibinalik niya agad to sa kamay ko.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now