11// Personal Assistant

Start from the beginning
                                    

"Pwede ba---" tatanggalin ko na sana ang pagkaka-akbay niya sa akin pero pinigilan niya ako gamit ang malakas niyang pwersa.

"Magpapanggap kang girlfriend ko ngayon."

Napakunot ang noo ko. "What?!" asta ko. "Umaabuso ka na, Kasper."

"Please, Crsytal. Alam mo bang ngayon lang ulit ako makakapag-mall? Hindi ako nakakapag-mall kapag mag-isa ako."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil kapag nag-iisa ako, wala akong napapala. Hindi ko mapuntahan ang mga gusto ko dahil pinagkakaguluhan ako. Kaya kung magpapanggap kang girlfriend kita, wala nang lalapit sa akin."

Woah? Pinagkakaguluhan? Medyo mayabang ang dâting sa akin no'n pero seryoso ang pagkakasabi niya. Kawawa naman pala siya.

"Hayaan mo, katumbas ito ng dalawang araw bilang kapalit."

"Sige ba." Pag-sang-ayon ko. Pabor sa akin 'yon. Magpretend lang naman na girlfriend niya, eh. "So anong kailangan kong gawin as your pretend girlfriend?" tanong ko.

"Stop complaining." Okay, fine. 'Yun lang pala, eh.

Nanatili lang siyang nakaakbay sa akin habang naglalakad kami. Bumili muna kami ng Citrus Juice at Waffle para magmeryenda saka kami umupo sa tabi ng isang fastfood. Medyo naiilang pa rin ako dahil kahit saan kami pumunta pinagtitinginan kami.

"Ay! May girlfriend na siya?" kahit medyo malayo ay narinig ko ang sinabi ng babae.

"Sayang naman." sabi nung isa.

"Bagay naman sila." Muntik ko pang maibuga 'yung iniinom ko nang marinig 'yon.

Bagay kami?! Seryoso ba siya? 'Tong Kasper na 'to, babagay sa akin? Ghad.

"So, how does it feel to be my girlfriend?" napa-angat ako ng tingin.

"Pretend girlfriend." Pagko-correct ko sa kanya. "Wala naman. Ano bang dapat kong ma-feel, aber?" nagtaas ako ng kilay.

"Iwasan mong magtaray." Sabi niya ng mahina.

"Fine." Tugon ko naman.

"Actually dapat ka ngang magpasalamat sa akin dahil binigyan kita ng pagkakataon para maging boyfriend mo kahit hindi totoo."

"At bakit naman ako magpapasalamat?" Nakangiti pero sarkastikong sabi ko.

"Considering the fact na maraming nagkakagusto sa akin, ikaw ang kasama ko ngayon."

"Woah. Mas matutuwa pa nga akong hindi ka makasama." pangiti-ngiti kong sabi pero ang totoo nag-uumpisa na akong mainis pero gaya nga ng sabi niya, hindi dapat ako umarteng mataray. "Stop your non-sense boastful thoughts, Kasper." diretsahan kong sabi pero pinipilit pa ring maging kalmado.

Buti na lang at hindi na siya nagsalita ulit. Sukang-suka na ko sa kayabangan niya. Pero sige na...oo na. Totoo naman ang mga pagyayabang niya pero ang yabang, eh. Sarap niyang sapukin.

Matapos kaming magmeryenda ay dinala niya ako sa Giordano. Nagtingin-tingin siya ng damit. May kinuha siyang tatlong iba't ibang style na polo shirt. Humarap siya sa akin at ipinatong ang isang kulay blue na polo shirt sa kanya.

"Ano, bagay ba?" Tanong niya sa akin.

Napatango na lang ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kahit ano namang piliin niya ay bagay sa kanya kaso nga lang ay baka mas lumala pa ang kayabangan niya.

Ilan pang mga damit ang tinanong niya sa akin kung bagay sa kanya. Kumuha din siya ng dalawang pantalon at saka dalawang hoodie na jacket. Nang matapos na siyang makapamili ay nagpunta na siya sa counter. Boring ko lang siyang sinundan. Medyo nainis pa ako sa babaeng counter dahil kung makatitig siya at kung makapagpa-cute kay Kasper ay parang wala ng bukas. Ang landi ah.

Anim na paper bag ang pinaglagyan ng mga napamili ni Kasper. Itinuro niya sa akin ang mga 'yon at sinabing ako daw ang magbubuhat no'n. Lahat ng 'yon. Nakakabwisit talaga! Ang kapal niyang pagbitbitin ako ng ganito karami?!

Bigla na lang niya akong tinalikuran at lumabas dito sa shop ng giordano. Isa-isa ko namang kinuha 'yung mga pinamili niya.

"Ang swerte niyo naman ma'am." Sambit nung counter girl na nagpapacute kanina kay Kasper.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong kinaswerte ko? Oh, eto," dinuro ko sa kanya 'yung mga bitbit ko. "Ikaw kaya ang magdala nito!" Mataray kong sabi at saka lumabas na.

Swerte daw? Anong kinaswerte ko sa pagiging alila ng Nerd na 'yon? Tsk.

"Wala ka bang balak na tulungan ako?" Sarkastikong sabi ko sa kanya nang matapatan ko siya. Tig-tatlong paper bag ang magkabilang braso ko. Haist!

"You are my personal assistant kaya trabaho mo 'yan." Damn!

"Akala ko ba pretend girlfriend mo ako ngayon? Di ba ang girlfriend hindi pinahihirapan?" saad ko. Sana naman maawa siya.

"Hmmm..." Tumingala pa siya saglit. "Kaya nga. Kaya as your boyfriend, kailangan mo pa ding sundin ang utos ko. Tara na." Naglakad na siya. Wala talaga siyang pakialam kung nahihirapan ako.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya nakasunod lang ako sa kanya. Bigla namang uminit ang dugo ko ang makarinig ng isang usapang hindi kanais-nais.

"Ang sweet naman ng girlfriend niya."

"Aba, kung ganyan lang din naman ka-hot at ka-gwapo ang jowa ko, bakit hindi ko siya pagsilbihan?"

"Tama ka diyan girl, swerte ni ate sa kanya."

"Sana ako na lang ang naging girlfriend niya. Kahit anong ipag-utos niya, gagawing ko nang bukal na bukal sa loob."

Muntik ko pang lapitan 'yung mga nag-uusap na mga babae na 'yon para ibalibag sa kanila ang mga hawak hawak kong paper bag at sila ang magdala. Grabe yah. Natuwa pa talaga sila na nahihirapan ako? Na ang swerte ko dahil napagsisilbihan ko ang Nerd na 'yon?

Edi sila na lang kaya! Kung makapagsabing ang swerte ko eh parang impiyerno nga ang ipinapadanas sa akin ng Nerd na 'yan. Naku! Kainis talaga.

As if naman, gusto kong maging utos-utusan lang niya.

Medyo nagtaka lang ako dahil napapansin kong kanina pa kami naglalakad at paikot-ikot dito sa mall. Wala naman ata siyang pupuntahan at talagang pinapagod niya lang ako, eh.

Huminto ako saglit at saka ibinaba yung mga paper bag na hawak ko. "Hep!" Sigaw ko sa kanya. Napahinto din siya at napatingin sa akin. "Napapagod na ako kakalakad. Saan ba tayo pupunta, Kasper?" irita kong tanong.

Lumapit siya sa akin. Ilang inches lang siguro ang naging pagitan namin sa isa't isa. "Hinahanap ko 'yung daan papunta sa puso mo. Saan ba 'yun?" nakangiting sabi niya.

Gusto ko sanang matawa dahil ang corny niya pero parang may kaunting kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Ang corny na nga ng joke niya tapos may spark pa? Kahit na inis na inis ako sa kanya, bakit tinatablan pa rin ako ng karisma niya?! Tsk.

Pinigilan kong mangiti. Tiningnan ko siya ng sarkastiko. "Ang corny mo, Kasper." binitbit ko na ulit 'yung mga paper bag. Tinulak ko siya nang mahina para lumayo siya ng kaunti sa akin. "Saan na tayo pupunta?"

Naglakad na rin siya kasabay ko. "Sa katunayan, hindi ko alam kung saan tayo pupunta." Agad akong nagpakawala ng buntong-hininga. Ang sarap niya talagang sapukin.

"Kanina pa tayo palakad-lakad tapos hindi mo alam kung saan tayo pupunta? Pinapagod mo talaga ako, eh, no?!" Patuloy lang kami sa paglalakad.

"Ngayon mo lang napansin?" Natawa siya ng mahina. Bwisit! Pnlano niya talaga 'to. Pinahihirapan na naman niya ako.

"Gustong-gusto mo talaga akong nahihirapan, no?!" mahina pero galit kong sabi.

"Ayaw kitang pahirapan. Gusto lang talaga kitang nakikitang naasar. Mas lalo ka kasing gumaganda kapag naasar ka." Tumawa na naman siya ng mahina.

Gumaganda kapag naasar? "Compliment ba 'yon o nang-aasar ka na naman?"

Nangiti na lang ulit siya. Grrr! Kung wala lang talaga kami sa public place ay kukurutin o kaya naman ay papaluin ko siya ng sobrang lakas. Ang tindi niya talagang mang-asar!

---


That Hot Handsome NerdWhere stories live. Discover now