Ika-23 Kabanata

Comincia dall'inizio
                                    

Nagpaliwanag pa sya hanggang sa simulan na ang laro. Ang unang grupo ay ang mona. Kumakaway-kaway pa si Tetsuna sa mga manonood.

Unang humarap sa salamin si Tetsuna dahil sya ang nagboluntaryo sa kanila. Habang nakaharap sya, nakita kong nagliwanag ang itim na bato kasabay na parang nagkaroon ng butas ang salamin. Ipinasok ni Tetsuna ang kanyang kamay na lumusot ito sa loob at tuluyan na syang nakapasok.

Wala kaming nakikita sa may salamin kahit si Tetsuna pero naririnig naming nagsasalita si Tetsuna hanggang sa sumigaw sya.

" Ilabas nyo ako dito! Ayaw ko na! Ilabas nyo na ako! " sigaw nya halatang umiiyak ang boses.

Ilang sandali lang ay lumabas na sya at hingal na hingal na parang tumakbo sya ng malayo. Nilapitan sya ni Herjin at niyakap sya saka dinala sa mga kagrupo nya.

" Ano kaya ang nakita nya? " takhang tanong ko dahil halata sa mukha nya ang tinding takot.

" Hindi nagawa ni Tetsuna, sunod naman na papasok " saad ng taga-anunsyo.

Sumunod ang isa nyang kasamahan hanggang sa matapos sila. Tatlong bagay ang nakuha nila kaya panalo pa rin sya. Umiiyak pa rin si Tetsuna habang pababa ng entablado.

" Ano ba ang nakita mo? " tanong ko sa kanya.

" Nakita ko si Herjin na wala ng buhay " iyak na naman nya kaya pinatahan uli sya.

" Hindi totoo 'yon. Buhay na buhay ako " pagtatahan ni Herjin.

Lahat naman siguro matatakot kung ang taong mahalaga sa kanila ay makikitang wala ng buhay.

Sumunod na ang ikalawang grupo ngunit sa kasamaang palad, isang bagay lamang ang nakuha nila. Lahat sila ay bilasa ng makalabas sa salamin at nangangatog sa takot kaya maski ako ay kinakabahan.

Dalawang grupo lang ang nakakuha ng limang bagay. Ito ay ang grupong putere at ang grupong Lapidoptera na vati. Sa lahat ng grupo, sila ang nakikita kong mahuhusay at mahigpit naming kalaban.

" Ang huling grupo, ang Coer " tumaas na kami sa entablado.

Unang sumabak ay si Vashit. Pumasok sya sa loob ng salamin. Tulad ng mga naunang grupo, wala kaming nakikita sa salamin kung hindi boses lamang ni Vashit kapag nagsasalita lang sya kaya doon lang namin malalaman kung mananalo sya.

" Huwag kayong lumapit! Papatayin ko kayo! " sigaw ni Vashit.

Napapadiin ang hawak ko kay Cephas dahil sa mga naririnig kong salita kay Vashit. Sigaw lang sya ng sigaw na tila naiinis kaysa sa natatakot. Ilang sandali lang ay lumabas sya na pawis na pawis at nakakunot ang noo. Padabog nyang ibinigay sa taga-anunsyo ang isang manika.

" Huwag mong sabihin na takot ka sa manika " natatawang pang-aasar ni Odette pero sinamaan lang sya ng tingin ni Vashit.

" Ako naman " saad ni Odette kaya pumasok na sya sa salamin.

Parang may kinakausap si Odette sa loob kaso hindi namin alam kung sino. Boses lang nya ang naririnig namin. Hinihintay namin ang pagsigaw nya ngunit wala kaming narinig pero umiiyak sya.

" Itigil mo na " mahinahon na saad ni Odette.

Ilang sandali lang ay lumabas sya na umiiyak. Wala syang nakuha mula sa loob at kita sa mga mata nya parang malaking kasalanan ang nagawa nyang pagkatalo.

" Ayos lang Odette " sabi ko sa kanya.

" Patawarin nyo ako " hingi nya ng tawad.

" Hindi mo kasalanan. May mga kinakatakutan tayong hindi natin kayang harapin at hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo sa bagay na iyon " saad ko.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora