Chapter 45: Butterflies And Feelings

421 13 5
                                    


Author's Note:

One of the must read chapters hihihi. Handa na ba kayo sa susunod na mangyayari sa naging cliffhanger sa recent chapter? Malalaman natin yan sa kabanatang ito.

-MysticBlackAsuna💙

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

--- Kazuki---

Nga pala. May nakalimutan ako. May sasabihin nga pala ako sa kaniya matapos ang mga nangyari.

"Uh Shiro-kun. May gusto nga pala akong sabihin sa iyo pagkatapos nating talunin ang Crystal Dragon." I said in a sheepish tone habang nakatitig sa kaniya.

"Ano yun Kiruna-chan?" Tanong niya.

Teka. Sasabihin ko ba ito o hindi? Hay. Sabihin ko na nga lang.

"Gusto ko lang sabihin na. . ."

Teka. Tama ba na kailangan ko itong sabihin sa kaniya? Baka kasi magalit siya kapag ginawa ko iyon. Hay Kiruna! Ayan ka na naman eh! Ah basta! Sasabihin ko muna ito pero bago yun, kailangan niya muna itong matanggap.

*paaak!!!*

"Teka! Kiruna-chan bakit mo ako sinampal?" Sabi ni Shiro-kun habang hinihimas niya ang kaniyang kaliwang pisngi na sobrang pula. At yung tunog na narinig niyo ay galing sa isang malakas na sampal na hanggang ngayon ay nag-iwan ng slap mark sa mukha niya.

"Yan ay para sa matagal mong pagdating kanina. Ano bang nangyari kaya ka nahuli sa labanan?! Alam mo bang muntik na akong maging orb para lang mailigtas sila Ania?!" Sagot ko sa kaniya sa masungit na paraan. Sino ba naman ang maiinis sa partner mo na sobrang late na kung dumating? Kanina ko lang ito itinago noh. Medyo hindi ko lang inilabas kasi sobrang busy namin sa labanan eh.

Agad namang sumagot si Shiro-kun sa mga sinabi ko.

"Diba humingi na ako sayo ng pasensya kung bakit ako nahuling dumating?! Eh kasi naman, sino ba naman ang mahulog mula sa mga kuko ng Crystal Dragon papunta sa sahig? Tapos malayo pa yung lokasyon ng pinagbagsakan ko." Wika ni Shiro na medyo may pagkasarcastic. Wow ha! Ikaw nga itong nawala tapos busy ako sa pakikipaglaban sa boss. Alam mo ba yun? You're pissing me off.

"Edi sana nagmessage ka na lang." Maikli kong sagot na may pagkacold ang boses. Kahit minsan talaga medyo maiinis ka na lang sa partner mo. Ang tagal kasing dumating eh. At isa pa... Kasi... Medyo nag-alala ako sa kaniya. Hindi talaga medyo. Sobrang nag-alala ako sa kaniya! Baka napahamak pa siya sa sitwasyong iyon.

I suddenly feel sheepish and shook my head at hindi ko na rin namalayan na bigla na lang akong namumula. Nang dahil sa inis ayan tuloy. Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya.

Shiro-kun began to sigh at agad tumingin ulit sa mga mata ko. Puno ng pag-alala ang nararamdaman din niya kahit nakatitig rin ako sa mga mata niya. Ngumiti siya sa'kin at iniangat ang ulo ko sa pamamagitan ng paglapat ng kaniyang kanang kamay sa aking mukha. Nakaguhit sa kaniyang mukha ang kaniyang pag-aalala at kasiyahan na nailigtas niya ako.

"Sorry na. Sorry na Kiruna-chan. Pasensya na kung natagalan ako. Niligaw kasi ako ng halimaw na iyon. At muntik na akong maligaw para makapunta ako sa kinaroroonan mo. Sa totoo lang, akala mo ba ikaw lang ang nag-aalala? Pati na ako. Inakala ko na rin kanina na kapag hindi kita maabutan, baka nasa respawning time ka na. Kaya naman, nagmadali akong pumunta sa kinaroroonan ko para mailigtas ka." Sagot ni Shiro-kun na may halong pag-alala pero mahinahon na tono. Nakikita ko talaga sa kaniya na sobra siyang nag-alala sa sitwasyong ko. Ay! Sitwasyon namin pala. Pero bakit iba na itong nararamdaman ko? Sa tuwing mapupunta ang isa sa amin sa panganib, makakaramdam ng kaba ang puso kung may mangyayaring masama.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora