Chapter 11:Our Sword Skill Looks Familiar

1.8K 56 28
                                    


---Kazuki---

Three days passed nang magsimula akong pumasok sa mundo ng VRMMORPG. At kahit ikalawang gabi ko pa lang sa game na iyon, tila may napapansin na akong mga kababalaghang bagay. Joke lang. Hindi talaga isang kababalaghang bagay. Kundi mga misteryong katanungan na dumadagdag na naman sa isipan ko. Kagabi sa quest, nang nakipaglaban kami sa Dark Satyr, marami nang mga senyales ang lumalabas. Mga senyales na sobra kong pinagtataka.

Ang sword skill na iyon. Tila pakiramdam ko nagawa ko na iyon dati. Pero nang ginawa ko ang huling seven sword slashes hanggang sa dumaan ako sa ulo ng boss, bigla na lang iyong nagbigay ng matinding intriga sa isipan ko. Pati na rin yung switch technique. Hay! Bakit pa kasi ako napunta sa isang buhay na kung saan hindi ko pa nakikilala ang sarili ko? Lahat ng mga nangyayari sa buhay ko na nakakapagdulot ng curiousity sa utak ko ay parang computer bugs o viruses. Ang bilis dumami ng mga katanungan sa utak ko tungkol sa sinasabing nakaraan ko na sa sobrang dami ay bigla na lang mag-overload hanggang sa magiging dahilan ito ng mental breakdown. Hay. What a thug life para sa babaeng may amnesia.

Sa ngayon kailangan ko muna ng presence of mind. Sobrang aga pa para ma-stress nang dahil sa mga iyon. Mamaya na lang ako ma-stess kapag nasa game na ako. Di' joke lang.

*_________

Nakasakay ako ngayon sa escalator na maghahatid sa'kin sa 5th floor na kung saan matatagpuan ang aming moderno pero magandang classroom. Habang papunta sa aking destinasyon, tila napaisip na naman ako sa mga nangyari sa'kin sa FGO. Hay heto na naman ako nawawala na naman sa focus. Hindi ko kasi matanggal sa isipan ko ang sword skill na iyon. Hay naku. Iba rin pala ang epekto ng VRMMORPG sa pagiging buhay estudyante mo.

Apat na minuto ang lumipas ay nakarating na nga ako sa aming silid-aralan. At saktong nasa labas pa sila Izumi na tila kararating lang din nila. Sinalubong agad ako ni Aria at bumati sa'kin.

"Ohayo gozaimasu(good morning) Kazuki!" Wika ni Aria na nasa magandang mood ngayon. Siguro nagkabati sila ni Rhea sa araw na ito. Kung ganun magiging mapayapa ang barkada. Hay. Sana mangyari yan.

Agad naman akong bumati sa kanila ng isang magandang umaga. Buti pa sila nasa magandang mood dahil kagabi alam na nila ang aking Virtual World identity bilang si Kira. Pero yung sa'kin nakakamatay sa curiosity ang umagang ito. Ang dami ko na namang tanong.

"Ohayo gozaimasu Aria! Good morning sa lahat ng nandito." Pa-cool kong bati habang papalapit ako sa kanilang kinatatayuan. Pero lumapit agad ang barkada sa'kin. At sa totoo lang parang napapansin kong mas hyper ngayon si Yoroka. Ilang sako ng asukal na naman ba ang kinain mo sa umagang ito bes? Napapa-beat the energy gap na ako sa kahyperan mo.

"Huy Kazuki! Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa rin ako maka- move on sa mga sword skill mo kagabi? Grabe ka talaga! Napakaastig mo! Kayong dalawa ni Shiro talagang sobrang badass niyong makipaglaban! Yung switch technique, wind blades slash and etc. How to be you Kazuki-senpai?" Sabi ni Yoroka at agad na ngumiti ng sobrang lawak gaya ng crescent moon with eyes that sparkles. Sa nakikita ko ngayon sa reaksyon niya, tila nanggigigil siyang makita ulit ang sword skill na iyon na mismong nagbibigay na naman ng curiousity sa utak ko.

Napa-snowball face na lang ako sa mga sinabi niya. At kinalauna'y napangiti na lang ako. Para naman hindi masira ang good mood sa umaga. At sa totoo lang gusto kong takpan ng duct tape ang bibig niya sa sobrang daldal. Hay. Baka may makarinig pa doon noh.

"Uh basta Yoroka. Nagawa ko lang iyon nang hindi ko napansin habang nakikipaglaban tayo sa Dark Satyr kagabi. At isa pa nagtataka ako kung paano ko nagawa iyon." Sabi ko kay Yoroka. Pakiramdam ko nasa pagtataka expression ang mukha ko ngayon. Hay.

Nang makita ni Izumi ang aking mukhang tila puno ng pagtataka, bigla na lang niyang iniba ang usapan.

"Kesa magduda ka na naman sa mga sword skill mo, change topic muna tayo. Balita ko raw may sparing kayo sa kendo club mamaya kasama si Jiroshin. Baka ipapakita mo na naman ang sword skill mo sa game kagabi. At isa pa baka magamitan mo siya ng wind blades slash o kaya naman yung last 7 swords slash na hindi ko alam ang tawag doon." Pabirong sabi ni Izumi na agad niyang sinamahan ng nakakainis na tawa. Pati pa naman inosente idadamay mo sa joke mo. Wag kang ganyan Izumi.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now