Chapter 22 - End

3.8K 176 27
                                    

          

"Tang ina mo wag kang haharang sa dadaanan ko!"
sigaw nya sa isang lalaking naka motor na nag overtake sa kanya.

Lahat ata ng sasakyang humaharang sa kanya pinapaulanan nya ang busina at mura.

Baliw din kasi itong si Claire eh.
Kung sana hindi na ito nag drama eh di hindi sya nag mamadali ng ganto.

Tumingin sya sa relo, 10 minutes! Malapit na sya sa airpot!

Puta, bakit ngayon pa nagkatrapik!

San Goku pahiramin mo ako ng flying nimbus mo please!

Argh kung mag mumuni muni ako dito at mag hihintay,
di ko na maabutan si Al.

Sorry, mas importante si Al kesa sayo!

Dali dali syang bumaba ng kotse at kumaripas ng takbo.

Wala ng pakialam kung anong mangyayari sa kotse
pag iniwan nya ito sa gitna ng daan.

Hindi pwedeng hindi ko maabutan si Al.

Wala akong passport, hindi ko sya masusundan sa California!

Saka hindi ako papayag na maging bokya ulit ang love life ko!

"Tabi Tabi! Emergency" isa isa nyang binabalya ang
mga taong humaharang sa kanyang dinadaanan.

"Nakarating sya sa entrance ng departure area ng humahangos

"Sir nakaalis na po ba yung flight pang alas tres?" tanong nya sa guard.

"Nakasakay na po lahat ng pasahero sir" tugon ng guard.

May pag asa pa, hindi pa nakakalipad ang eroplano

Dali dali syang pumasok syang pumasok sa entrance ng departure area.

"Sir teka lang po hindi na po kayo pwedeng pumasok dyan"

"Manong may hinahabol po ako sa flight na yun!" sigaw ni Ken na nakaakit na ng atensyon ngmga taong andoon.

"Pasensya na sir bawal talaga po"

"Sir, the love of my life is there, the only person I love.
I can't live without him" pagsusumamo nya

Hindi nya alintana ang posibilidad na kinukunan sya ng video
at kumalat iyon sa social media na parang si Amalayer girl.

Hindi nya na pinansin ang guard at biglang pumasok na lang.

"Sir!" tawag sa kanyan ng gwardya.

Unti unting lumakas ang hangin at napuno ng maugong na tunog ang buong paligid.

"Oh God" napatingala sya sa eroplanong unti unting lumiliit sa kanyang paningin.

Napahagulhol sya ng iyak.
Hindi alintana kung maraming tao na ang nakatingin sa kanya.

Ganto na siguro ang love life ko bokya, zero, bugok, itlog!
Ansakit naman, di na ba matatapos ito?

Laglag ang balikat syang napaupo sa isang sulok ng departure are.
Nakasabunot sa buhok walang humpay padin umiiyak.

"Is it true that the love of your life is in that plane?"

Isang malamsyos na tinig ang kanyang narinig sa di kalayuan.
Ang tinig na nagpapatayo ng kanyang balahibo sa batok.
Ang tinig na hindi nya maipagkakamali kahit kanino man.

"Al!" napasigaw sya ng malakas at napayakap dito.

Napayakap din ito sa kanya.

"Al, what you saw last Monday..."

"Shhhhhh"sabay lagay ng hintuturo sa kanyang labi.

"You haven't answered my question"

"The love of my life is not in that plane"

Nagbago ang facial expression nito.
May pait na gumuhit sa grey nitong mata.

"Because the love of my life is here, in front of me"
Hinaplos haplos nya ang mukha nito, ang bigote na matagal nang hindi inaahit.

Hinalikan sya nito sa mga labi.

Ang sarap sa pakiramdam.
Yung sakit na nararamdam nya sa mga nakalipas na araw ay biglang napawi at natabunan ng kasiyahan.

"That night, when you put your hands in my pocket...?"

Ngumiti ito, tila nabasa nya sa mukha nito ang saya, ligaya, endless happiness.

"Antanda mo na naniniwala ka pa sa mga ganun! Gawa gawa ko lang yun. I just wanted to hug you"
sabi nitong nakatawa.

"Anak ng! Siguro naman nag wish ka talaga no?"

"Oo naman"

"What did you wish for?"

"It just came true sweet Kenny bear."

"I love you Al."

"I love you more Kenny Bear. I love you more than anyone, anything in the world".

Sinabi din nito sa wakas ang pinakahihintay nyang marinig.

Muli sya nitong hinalikan, yung halik na parang sila lang ang andoon.

So passionate, so gentle, so loving.

"Will you mary me Mr. Alexander Marvin Wright"

Tanong nya habang walang humapay syang hinahalikan ni Al.

"No" tugon nito.

Natigilan sya. Inalis ang labi sa pagkakadikit sa labi ni Al.

Kala ko naman happy ending na ang love story ko.

"Dahil ako dapat ang nagtatanong sayo nyan.

Do you want my name Mr. Marasigan?"

Muli nyang dinikit ang mga labi sa labi nito.

"Yes Mr. Wright, yes my mister right"

-End-

Hope u enjoyed the story
Support nyo din po yung isang story
Salamat

Ang hindi mag vote magsasara ang pwet
Lol

Mr. Wright (completed boyxboy)Where stories live. Discover now