Chapter 2 - Stranger

4.9K 138 2
                                    


"What in the hell are you doing in my pad?!!!"

Singhal ng isang lalaki sa di kalayuan.
Nananakit pa ang kanyang katawan.

Parang inuuga ang kanyang sikmura kaya mas pinili nyang di sumagot habang patuloy na nakapikit.

Hindi nya masyadong naintindihan ang sinabi ng lalaki.

"Anak ng tipakong naman oh, hindi pa umiinit ang likod ko sa sofa may istorbo na."

"Ikaw ba yung pamangkin ni Aling Grace na mag aayos ng lababo?
Tapusin mo na lang yan brad, wag mo na akong pansinin".
Wala sa sarili at hindi pinagkaabalahang intindihin ang sinabi ng lalaki.

"Hindi ka nakakaintindi ng English? Ang sabi ko anong ginagawa mo sa pad ko?"
Pag uulit nito.

Bakas ang otoridad at inis sa kanyang malakas ngunit malamyos na boses.

"Sino naman tong lalaking to at tinatanong ako kung ano ang ginagawa ko sa pad nya, eh pad ko 'to".
At talagang trinanslate pa sa tagalog ang sinabi na parang hindi ako nakakaintindi ng

"Isapak ko kaya sa lalaking to ang Transcript of Records ko na may nakalagay na A+ sa English Plus hangang English 4"


Ngunit nanatiling nasa isip nya na lang mga salitang iyon habang iniipon ang lakas ng kinuha ng sobrang kalasingan.

Pinilit nyang binuksan ang isang mata and started to stare at the strange and irritating man.

Tumambad sa kanya harapan ang bulto na lalaki.

Nakatapis lang ng tuwalya at basa ang buhok.
Bagaman hindi nya maaninag ang maigi ang lalaki dahil may pagka blurred pa ang paningin nya, halatang kagagaling lang sa loob ng banyo.

Matangkad ito, halos kasing tangkad nya itong umaabot ng anim na talampakan.

Bumaba ang tingin nya sa katawan nito.
He is probably going to the gym or athletic dahil s aganda ng hugis ng tawan.

Nakatulala siya sa katawan nito ng ilang minuto.

Uminit ang kanyang pisngi at napuno ng dugo ang kanyang punong tenga.

Parang naramdaman nyang dumami ang hemoglobin sa parting iyon.
Nagtaka sya sa naramdaman

"Kay Leanne ko lang to naramdaman ah, at sympre sa mga magaganda at seksing babae"

Mabilis nyang iwinaksi ang ganung kaisipan.

"Dala lang ito ng sobrang kalasingan.
Ganun naman talaga pag lasig diba nag iinit..."
pinlit na binibigyan ng katwiran ang mga nangyayari.

"Lost your tongue? Leave now or else I will call the security."
Pagbabanta ng lalaki habang tinungo ang pintuan at binuksan para sa kanya.

Halos mawala ang kanyang pagkahilo.

"Security? Nakman oh, bakit may security pa tong nalalaman?"
Ang salitang iyon lang ang kanyang naunawaan.

Ipapdakip ako ng security guard? Kasalan na bang umuwi ng lasing ngayon? Kasalanan na bang matulog ng hindi nag totoothbursh o naghihilamos man lang? Sinong gumawa ng batas nay an? Bakit di ako
naabisuhan?"

Sa sobrang inis sa estranghero ay napagdesisyunan nyang imulat ang mga diwa.

Umikot sa paligid and kanyang dalawang nanlalabo pang mata.
Biglang parang sumama sa pawis nya ang lahat ng alcohol na nainum nya kagabi.

Lumiwanag ang kanyang utak, sabay bulalas

"Holy shit!"

Kaya pala pagpihit ng kanyang doorknob nakabukas ito, kala nya naiwan nya lang na bukas.

Kaya pala yung paborito nyan unan na hotdog wala sa sofa

Kaya pala malinis at walang kalat na makikita sa paligid ng pad

Kaya pala hindi pamilyar ang air freshener.

Para bang dumoble ang kanyang systolic at diastolic pressure kaya napalundag sya at napatakbo sa pintuan.

"I am sorry bro, I was so drunk and I di..."

"Just leave okay?" Putol sa kanya ng masungit na estranghero.

Tila napahiya naman syang yumuko sabay tumbok sa pinto.

Mr. Wright (completed boyxboy)Where stories live. Discover now